46: Celebration

3.6M 82.3K 69.8K
                                    

"Candice, gumising ka na, anak. May sundo ka na sa baba, o."

"Ma, five minutes. Antok pa ako, e." Istorbo naman, o. Sinong sundo ba 'yon? Antok pa ang lola mo.

"Bahala ka nga. Sige, paghintayin mo si Marky sa baba." Ano ba 'yan? Si Marky lang pala, e.

MARKY?

"Waaaa! Seryoso?" Baka niloloko lang ako ni Mama. Bakit naman ako susunduin ni Marky sa bahay?

"Oo nga! Kaya maghanda ka na riyan. Nasa baba na siya, hinihintay ka."

Puyat na puyat pa naman ako. Paano, nag-celebrate pa kami nina Mama sa labas after no'ng pageant. Hindi pa nga rin ako makapaniwalang ako 'yong nanalo, e. Akalain mo 'yon, natalo ko si Abby? Naalala ko pa rin tuloy 'yong mukha niya no'ng ako 'yong in-announce na panalo. Parang gusto niya na akong sabunutan, e. First runner-up siya tapos si Margot naman 'yong second runner-up. Noong sinabing akong 'yong Miss Campus, parang nagwawala 'yong Section Eleven. Haha!

Tumayo agad ako sa kama ko. Muntik pa akong madulas kakamadali ko papuntang banyo. OMG! Bakit niya ako susunduin? Hindi man lang siya nagpasabi. Eight minutes lang akong naligo. Sobrang bilis ko, 'di ba? Nakakahiya naman kasing paghintayin si Marky. Ano naman kayang naisip no'ng lalaking 'yon at sinundo ako?

Dumiretso muna ako sa kusina, kumakain na si Kuya. Kumuha lang ako ng sandwich tapos nilagay ko sa bag ko.

"Hoy, Manang, bakit nagmamadali ka?"

"Ah, wala!" Mas mabuti nang hindi ko sabihin baka mamaya, magalit pa siya. "Sige, bye, Kuya."

Nagmadali na lang akong pumunta ng sala. Feeling ko, gusto akong kausapin ni Kuya Charles. Siguro tungkol 'yon sa nangyari kahapon kay Papa. Ayokong masira 'yong araw ko kaya mas okay nang hindi na lang namin 'yon pag-usapan.

Pagdating ko naman sa sala, nakita ko na si Marky na nakaupo sa sofa. Ang gwapo niya kahit side view, parang si Jeydon. Hala! Bakit pumasok bigla sa isip ko 'yong abnormal na 'yon?

"Uhm... Marky, bakit sinundo mo pa ako?"

Humarap siya sa 'kin tapos ngumiti. "Good morning, beautiful." Waaah, ang aga-aga, e. Ito talang Prince Charming ko. Huhu, napaka-cheesy talaga niya.

"Good morning, handsome." Heh! Kala mo ikaw lang, ha? Nag-blush tuloy ako.

"Uhm... Tara?" Hihi, parang nag-blush din siya, ang cute.

"Ah, okay. Wait, paalam lang ako kina Mama."

Pupunta na sana ako sa kusina kaso nagulat ako noong nakita ko sina Mama malapit sa sala. Nakatago silang dalawa ni Yaya, nakinig yata sila sa pinag-usapan namin ni Marky.

"Ma? Nakinig ba kayo?"

"Ha? Hindi, 'no? Napadaan lang kami ni Yaya rito. Sige na, umalis na kayo." Hindi raw nakinig pero alam niyang paalis na kami ni Marky. "Bye, anak." Sina Mama talaga, pasaway.

Dumiretso na lang kami ni Marky sa kotse niya. Pinagbukasan pa niya ako ng pinto ng kotse, pati seat belt ko, siya pa ang nag-ayos. Napaka-gentleman talaga ni Marky. Sabagay, gano'n naman talaga 'yong mga Price Charming, 'di ba?

"Palagi na kitang susunduin, ha?" tapos kumindat siya sa 'kin.

"Uhm, bakit mo naman naisipang sunduin na ako lagi?"

Pinaandar na niya 'yong kotse. "We're dating, right?"

Napalunok ako ro'n. Ansabe ng dating niya? "Ha? Ano, 'di ba, hindi pa pwede?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon