Chapter 20: Music is Love

3.5M 70.4K 19.5K
                                    


"Kissing you was not what I had planned..."

Si Marky 'yon, ah...

"And now I'm not so sure just where I stand."

Siya nga... nasa Music Hall na naman pala siya kaya wala siya sa canteen. Buti na lang, medyo nakabukas 'yong pinto kaya hindi niya ako nakita noong pumasok ako. Walang tao, tapos sa stage lang ulit may ilaw.

Hindi na siya nagpa-piano, pero naggigitara naman siya. Ang dami niyang alam na musical instrument. Noon pa lang naman, alam ko nang mahilig siya sa music. Kaya siguro nagustuhan ko rin siya kasi pareho kami. Tsaka sa sobrang ganda ng boses niya, mai-in love ka na lang sa kanya.

Pumunta ako sa likod ng mga upuan, sa dulo para hindi niya ulit ako makita. Buti na lang, walang tao tsaka madilim kaya pwede ko siyang panoorin. Pwede ko pa nga siyang titigan mula sa kinatatayuan ko, kaso baka matunaw pa siya!

Alam mo 'yong nakanganga na ako kakatitig sa kanya, sa ganda ng boses niya, sa ganda ng mukha niya. Ano kayang pakiramdam kapag kinantahan ka ni Marky? Siguro baka mahimatay ka pa.

Noon pa nga lang, kahit alam kong hindi ako 'yong kinakantahan niya, kinilig na ako nang bongga, e. Napangiti tuloy ako bigla na para akong tanga! Makita ko pa lang siya, napapangiti na ako. Dati sinubukan kong kalimutan 'yong nararamdaman kong 'yon sa kanya pero hindi ko kaya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, napaupo tuloy ako sa may upuan.

May biglang kumalabog sa sahig.

Ay, sheteng kalabaw! May kahoy pala roon, noong nahulog sa sahig, ang lakas ng tunog. Patay ako nito.

"May tao ba riyan?"

Anong idadahilan ko? Ah, alam ko na...

"Meow..."

"Pusa lang pala..."

Pinikit ko 'yong mga mata ko. Yes, hindi niya ako nakita! Grabe ang galing ko talaga.

"Teka... ang laking pusa mo naman yata?"

Pagbukas ko ng mga mata ko, nakita ko 'yong paa niya.

"Hello? Anong ginagawa mo riyan?"

Tumayo ako, pero nakayuko lang ako. Ayokong ipakita sa kanya ang mukha ko.

Hala! Ano na lang ang sasabihin niya kapag nakita niyang ako ito? Alam ko na, iibahin ko 'yong boses ko tapos tatakbo ako! Haha, tama. Tsaka ibang-iba na naman 'yong hitsura ko ngayon kaya hindi niya ako makikilala.

"Uhm..." Ibahin mo ang boses mo, Candice, utang na loob! "Wala, sige alis na ako."

Tumakbo agad ako palayo sa kanya. Buti na lang, hindi ako natumba sa heels ko. Kaso iyon namang si Marky, hinablot 'yong likod ng uniform ko. Hinila niya ako para maiharap niya ako sa kanya kaso na-out of balance kami pareho. Nakapatong tuloy ako sa kanya. Tiningnan ko 'yong mga mata niya, nakatingin lang siya sa 'kin.

Feeling ko, matutunaw na ako sa tingin niya. Nag-init 'yong pisngi ko. Huhu, nag-blush siguro ako, sana hindi niya nakita. Noong ngumiti siya sa 'kin, doon ko lang naalalang nakapatong nga pala ako sa kanya. Tumayo agad ako. Aalis na ako, Waaaa! Nakakahiya talaga.

"Teka, Candice..."

Nakilala niya ako? Nakatayo lang ako, nakatalikod kay Marky. Hindi, hindi niya ako pwedeng makilala. Kaso bakit ba niya ako hindi makikilala, e, ako pa rin naman si Candice? Ibig sabihin kaya niyan, 'yong dating Candice at 'yong ngayon, iisa pa rin 'yong tingin ni Marky? Ibig sabihin kaya, hindi siya nagandahan sa 'kin? Shit, ano bang iniisip ko? Hindi ako maganda.

"Bakit aalis ka na agad?" Hinawakan niya ako sa braso ko, napaharap tuloy ako sa kanya.

"Baka ma-late kasi ako sa math."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon