Chapter 19: Gandang di inakala

3.6M 75.7K 34.7K
                                    


"Good morning, world!"

Feeling ko, sa lahat ng mga umaga ko, iyon ang pinakamaganda kong gising, haha! Kaya pala sobrang aga kong nagising. Six nang umaga.

Kumusta naman? Excited much lang?

Tumayo agad ako sa kama ko at humarap sa salamin. Ako pa rin naman 'yon, e, hindi na nga lang buhaghag ang buhok ko. Kahit kagigising ko lang, bagsak na bagsak 'yon. Tsaka 'yong kilay ko, manipis na, maganda pa 'yong pagkakaahit. Feeling ko, ibang Candice na ako.

Kinuha ko sa table 'yong dog tag ni Prince Charming. Alam kong sa likod pa lang niya na gwapo siya. Magugustuhan niya na kaya ako ngayong maganda na ako? Napangiti tuloy ako. Sino nga kaya siya?

Ayokong isiping si Marky. Baka mamaya, mali naman pala ako ng iniisip. Kung gusto niyang magpakilala sa 'kin, magpapakilala naman siya, 'di ba? Pero kung hindi, e di, hindi. Alam naman niya 'yong bahay ko, e. Masaya na ako na iniligtas niya ako.

Pumunta ako sa banyo, gusto ko nang maligo. Buti na lang, may hot water 'yong shower namin, ang lamig kasi kapag umaga, e. Saglit pa rin naman akong maligo, kaso may pinagamit sa 'kin sina Mama na sabon na pampakinis daw.

Pagkatapos kong maligo, naglagay naman ako ng lotion para raw hindi mukhang tuyung-tuyo 'yong balat ko. Maputi naman ako, e, 'yon nga lang, dry 'yong balat ko. Nakakapanibago tuloy. Sinuklay ko lang 'yong buhok ko tapos bagsak pa rin 'yon, nakakatuwa naman. Dati, kahit anong suklay ko, ang buhaghag pa rin, kulang na lang, masira na 'yong suklay ko!

Pagkatapos kong patuyuin 'yong buhok ko, kinuha ko sa closet 'yong bagong uniform na binili ni Mama. Hindi katulad ng dati kong uniform na sobrang luwang tsaka sobrang haba, fit na fit na 'yon, parang hindi na ako makahinga. 'Yong palda ko, sakto lang sa tuhod ko. Ano ba naman 'to? Hindi ako sanay. 'Yong sapatos ko, may heels pa pero hindi naman gano'n kataas. 'Yong medyas ko, hindi mataas katulad ng luma ko. Naglagay ako ng pulbos tapos lip gloss katulad ng sabi nina Mama pero 'yon lang, ayoko namang mag-makeup, e.

Humarap ulit ako sa salamin. Wow, ako ba 'to? Dalagang-dalaga 'yong dating ko. Mahabang buhok na bagsak tapos ang kintab pa. Tapos fit na damit, sapatos na may heels. Parang isa na ako sa mga magagandang babae sa school namin. Kaso isa lang 'yong nilagay ko sa utak ko: huwag na huwag lalaki 'yong ulo ko.

Bumababa na ako, gutom na ako, e.

Pagbaba ko, nakita ko si Kuya Charles na naka-shorts pa rin. Okay na kaya 'tong mokong na 'to?

"Hi, Kuya!"

"What, sino ka?!"

"Ang OA mo, ha? Nasaan sina Mama?"

Tiningnan niya ulit ako. Umikot siya hanggang makaharap niya ulit ako. "Seriously?" Hindi niya kasi kami naabutan nina Mama kagabi, tulog na siya agad.

"Manang?!"

"Ano ka ba? Hindi naman ako nagpa-plastic surgery! Nagpa-salon lang kami." Kumuha ako ng cereals tsaka gatas. Bigla namang duamting sina Mama tsaka si Yaya.

"Hi, baby! Good morning!" Ang ganda ng ngiti sa 'kin ni Mama.

"Mama! Si Candice ba 'yan?!"

"Oo naman! Ano ka ba, Charles, kapatid mo, hindi mo kilala?" Natawa tuloy si Mama, kahit ako e. Ang OA kasi ni Kuya Charles.

Lumapit sa 'kin si Yaya. "Candice, ang ganda-ganda mo."

"Thank you, Yaya! Saan kayo galing?"

"Nilabas namin sa ospital 'yong papa mo."

Ah, akala ko naman importante. "Buti naman, okay na pala siya. Ang masamang damo nga naman, matagal mamatay."

Si Mama, ang sama ng tingin sa 'kin. Si Kuya, walang pakialam, galit din kasi siya kay Papa, e. Si Yaya wala na lang ding reaksyon, sanay na naman din siya sa 'kin, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon