Chapter 3: Detention

4.9M 87.7K 27K
                                    


"Hoy, Stacey! Bitawan mo nga siya!"

Si Marky? Nananaginip ba ako?

"Huwag kang makialam dito, Marky!"

"Gusto mo bang magalit sa 'yo si Charles?"

Pinagtatanggol niya ba talaga ako?

"Damn you!" Binitawan ako ni Stacey. "Pasalamat ka, kapatid ka ni Charles!"

Umalis na siya kasama 'yong mga alipores niya. Pati rin 'yong mga tao sa paligid namin, nagsialisan na. Wala nang tao, ako na lang at si Marky! Bumilis yata ang tibok ng puso ko, napalunok na lang ako.

"Ah... s-salamat, M-Marky."

Nakakahiya namang uutal-utal pa ako. Hello? First time ko kaya siyang kinausap. Sobrang nakakahiya 'yon pero hindi niya naman ako pinansin, e.

Naglagay lang siya ng earphones sa tenga niya. Isnabero talaga ng gwapong nilalang na 'yon.

Masaya pa rin ako. Totoo mang tinulungan niya ako o hindi, masaya pa rin ako. Kahit papaano pala, hindi ako gano'n kamalas.

Pumunta na ako sa likod ng building namin, walang tao roon. Mas mabuti nang doon kesa sa canteen. Ang daming tao roon, pagti-trip-an lang nila ako. Naalala ko na naman 'yong video na 'yon. Kung sino mang nagpakalat no'n, wala siyang kasingsama. Ang sama-sama niya para ipagkalat pa 'yon.

Sumandal ako sa may puno, ang tahimik doon.

"Aha!"

"Ay, palaka ka!" Napatalon ako sa gulat.

"Ako, mukhang palaka? Sa gwapo kong 'to?"

Aba, ang yabang! Tiningnan ko kung sino 'yon at hindi na ako nagtaka. Wala talagang kasingyabang si Jeydon.

"Haha! Ikaw, gwapo? Ipagkalat mo!" Nakakainit siya ng ulo.

"Ipagkakalat ko pa ba? E, alam na naman ng lahat na napakagwapo ko."

"Ah, gano'n? Sorry, hindi ko alam, e." Tinarayan ko siya.

"Bakit ba ang hilig mong mag-deny? Halata namang may gusto ka sa 'kin." Saang lupalop naman niya nakuha 'yong idea na 'yon?

"Excuse me?" Wala na akong pakialam kung isa siya sa Apat, kaming dalawa lang naman ang nandoon, e. At isa pa, sinimulan na naman niyang i-bully ako pero hindi na ako magpapatalo. "Wala akong gusto sa 'yo."

"Patay-malisya ka pang pangit na nerd ka. Kaya nga nandito ka sa tambayan ko, 'di ba?" Ngumisi siya sa 'kin. "Stalker kita, 'no?"

"Joke ba 'yan? Sana 'yang mukha mo na lang 'yong ginawa mong joke, baka natawa pa ako." Tinarayan ko ulit siya.

Lumapit siya sa 'kin, malapit na malapit. 'Yong mukha pa niya, nasa tapat na nang mukha ko. Anong balak niyang gawin sa 'kin?

"Alam mo, kung gusto mo ako, sabihin mo lang. Hindi 'yong gumagawa ka pa ng kung anu-anong kwento, tapos susundan mo pa ako rito. Kung gusto mong halikan kita..."

Lumapit na naman siya sa mukha ko, tinulak ko siya papalayo. Kahit na ang laki-laki niyang tao, pinilit ko siyang ilayo sa 'kin. Tumayo ako.

"Bastos!"

"Ako, bastos? Haha! If I know, baka gusto mo pang may mangyari sa 'tin."

Sinampal ko siya. Jerk! Anong tingin niya sa 'kin? Huwag niya akong ihahanay sa mga babaeng naka-one-night stand niya. May mangyayayari sa 'min? Eww, yuck! Ano ba kasing pag-iisip meron siya?

"Ang kapal naman ng mukha mo para sampalin 'yong napakaganda kong mukha!"

Bagay lang sa 'yo 'yan! "Hindi lahat ng babae, makukuha mo, Jeydon Lopez!"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon