His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 671K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Forty

526K 10.6K 1.6K
By SiMarcoJoseAko

FORTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak simula ng umalis at iwan ako ni Greg. Wala akong nagawa ng umalis siya, hindi niya ako pinakinggan at nagkatotoo ang takot ko na iwan niya ako sa oras na malaman niya ang nangyari sa akin.

Ang sakit.

Sobrang sakit, dahil iyong taong inaakala kong dadamay sa akin sa gitna ng pagsubok at kahirapan ko, ay iniwan ako. Bakit? Akala ko ba kapag mahal mo ang isang tao, tatanggapin ka niya sa gitna ng mga pagkakamali mo, sa mga imperpeksyon mo. Mahal ko si Greg, mahal na mahal ko siya at alam kong ako ang may mali. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala sa akin at alam ko sa sarili ko na ako lang din ang makakapagpabalik kay Greg sa akin.

Wala na akong pakielam kung ano pang sabihin ng iba, wala na akong pakielam kung mag mukha akong desperada sa gagawin ko. Mahal ko si Greg at hindi ko kayang mawala siya sa akin dahil siya lang ang bukod tanging lalaki na nagpapasaya sa akin at nagbibigay kulay sa mundo kong dati ay balot ng makapal na itim na ulap.

Parte na siya ng buhay ko at hindi na magbabago iyon, siya at ako, iisa.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Kahit na alam kong namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak ay pinilit kong maging maayos ang mukha ko. Hahanapin ko si Greg, pupuntahan ko siya, pipilitin ko siyang makipag-usap sa akin. Magpapaliwanag ako kahit ayaw niya akong pakinggan, hindi ako susuko at tatandaan ko na titigil lang ako kapag sinabi na niya. Kapag ayaw na niya.

Mahal na mahal ko si Greg at handa kong gawin ang lahat para lang mapatunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya at para mapatawad niya ako at matanggap niya ako.

Inayos ko na ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko pati na rin ang wallet ko. Tumingin ako sa munting orasan na nakasabit sa batong dingding ng apartment ko.

Alas onse y media ng hating gabi na.

Wala akong pakielam kung may mangyari pang masama sa akin, basta masabi ko lahat kay Greg. Basta masabi kong mahal na mahal ko siya. Ayos na sa akin 'yon.

Lumabas ako at laking pasalamat ko ng may mangilan-ngilan pang pampasaherong jeep ang pumapasada sa ganitong oras ng gabi. Pupuntahan ko siya sa condominium niya, hihingi ako ng tawad, sasabihin ko sa kanya na nagkamali ako. Na sana ay patawarin niya man lang ako, kahit iyon lang. Ayos na sa akin, ang mapatawad niya. Masaya na ako na mapatawad niya ako, huwag lang siyang magalit sa akin. Dahil ayokong iwan siya ng mayroong siyang tinatanim na galit sa akin.

Laking pasalamat ko ng makarating ako ng ligtas sa tinutuluyan niya. Hiningian lamang ako ng guard ng valid I.D at tsaka pinapasok sa loob ng mataas na building kung saan tumutuloy ngayon si Greg. Nagmamadali akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor ni Greg. Wala pang ilang minuto ay nakarating agad ako roon.

Ilang ulit kong pinindot ang doorbell ng condominium niya pero walang nasagot. Alam ko ang pass code ng unit niya pero ng subukan ko iyon ay hindi ito gumana. Pinalitan na niya agad iyon at hindi ko alam kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng sakit ng dahil doon.

Naghintay ako sa labas ng pintuan niya. Hihintayin ko siya kahit ilang oras pa ang tumagal, kahit abutin pa ako rito ng umaga, basta makausap ko lang siya at makapagpaliwanag ako sa kanya.

Ilang oras ang lumipas, pero wala pa rin si Greg. Alas tres y media na ng umaga pero wala pa rin siya. Desidido ako na hindi ako aalis dito hangga't wala siya. Pinuntahan na rin ako ng guard na nagroronda at tinanong ako kung ayos lang ba ako, tanging tango at tipid na ngiti lang ang isinagot ko.

Maghihintay ako Greg, maghihintay ako.

"Grabe, ang gwapo talaga ng bagong player ng school 'no? Kaya siya tinitilian eh. Kanina nga naghubad siya pagkatapos ng practice nila and I was like drowning na talaga. Gosh girl! Ang gwapo na macho pa!" Gustong gusto ko ng ipasak sa bibig ng katabi ko ang ballpen na hawak ko. Kanina pa ako iritang irita sa ingay nilang dalawa. Hindi naman siguro ako nagkamali na library ang pinasukan ko pero parang literal na chatting room ata itong napasukan ko.

"Sinabi mo pa. As far as I remember, he is a Montemayor. Grabe, ang swerte ng magiging girlfriend niya! Ang rich kaya niya." Sabi pa nung isa.

Pigil lang Raisse, pigil lang.

"He is so gwapo talaga. Manonood nga ako ulit ng practice nila mamaya eh. I am so kinikilig talaga." Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na ako at hinarap sila.

"Jusko naman! Hindi ba kayo nandidiri sa mga pinagsasabi at pananalita n'yo? Aba, parang pniilipit 'yang mga dila n'yo. At marunong ba kayong magbasa? Ang laki laki na ng nakasulat na quiet zone tapos ang iingay n'yo pa rin? Inyo 'to? Kung gusto n'yo mag-ingay huwag dito. Kitang daming nag-aaral dito sa library tapos kayo kalandian lang? Di sana nag-enroll kayo sa Malandi University hindi dito. Ang iingay n'yo, pinakain yata kayo ng mga nanay n'yo ng tigsasampung soup number five noong bata kayo! Imbyerna, mga mukha namang impakto." Hindi ko napigilang masabi.

Halos lahat ng tao sa loob ng library ay nakatingin sa akin at 'yong tatlong babae na nasa harap ko ay pare-parehong mga nakanganga. Buti nga sa kanila! Agad kong kinuha ang gamit ko at tsaka umalis doon sa pwesto ko, pero hindi pa ako nakakalayo ng harapin ko ulit siya.

"Advice lang, aral muna bago landi." Iyon lang ang sinabi ko at tsaka ko na sila tinalikuran.

Bwisit! Ang ganda na ng review ko sinira pa ng mga malalanding iyon. At sino ba 'yong bagong player na 'yon? Ang gwapo naman ata niya para pagkaguluhan ng mga malalanding iyon.

Pababa na ako ng hagdan ng may biglang tumamang matigas na bagay sa may ulo ko.

"Punyeta naman!" Hindi ko mapigilang masabi. Agad kong hinarap kung sino ang demonyong bumato sa akin ng bola ng basketball.

"Sorry Ms. Hindi ko napansin na may tao." Sabi niya at tsaka siya ngumiti.

"So ano'ng palagay mo sa akin, hayop? Gagawin mo pa akong tanga!" Sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. Ang galing lang, foreigner nagtatagalog.

"Look Ms, I really meant my sorry. Hindi ko naman sinasadya 'yon, hindi lang talaga kita napansin. At kasalanan mo rin naman 'yon, kung hindi ka tumitingin sa paligid mo hindi ka matatamaan ng bola." Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"Ang kapal din pala ng mukha mo 'no? Sa tingin mo ba, gugustuhin kong pagmasdan ang paligid mo kung may basurang tulad mo akong makikita?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko naman ang pagngiti niya ng nakakaloko.

"Ang gwapo ko naman palang basura. Hindi mo ba ako kilala?"

"Ang tigas ng mukha natin ah? Ano ka chicks? Pag-aabalahan ko pa ba ang tulad mo na kilalanin ka? Ikaangat ba ng buhay ko na kilalanin ka? At uunlad ba ang ekonomiya ng Pilipinas kapag kinilala kita?"

"Hindi."

"Oh, hindi naman pala eh! So wala akong pakielam kung sino ka." Diretsa kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran, pero hindi pa ako nakakalayo ng magsalita siya.

"Greg."Lumingon ako sa kanya.

"Anong Greg?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Greg, that's my name. Greg Montemayor."

"What are you doing here?" Bigla akong napa-angat ng tingin at agad na napatayo ng marinig ko ang napakapamilyar na boses niya.

"G—Greg." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko ng makita ko ang itsura niya. May pasa ito sa gilid ng labi at ilang galos sa mukha. Amoy ko rin ang alak na nagmumula sa katawan niya.

"G—Get out, I don't need you." He said. Akmang papasok na ito sa loob ng unit niya ng hawakan ko siya sa braso.

"Please naman Greg, pakinggan mo naman ako. Ipapaliwanag ko lahat, sasabihin ko lahat. Makinig ka—"

"I don't need your explainations Raisse. I don't need it and I don't need you. Kaya kong mabuhay ng wala ka, sino ka ba naman hindi ba?" Sabi niya. Aaminin ko, nasasaktan ako sa sinabi niya.

"Greg naman, lasing ka lang. Pakinggan mo ako." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Naramdaman ko rin ang pagbagsak ng mga luha ko mula sa mga mata ko.

"Raisse, ayoko na. Hindi ko maisip na pumatol ako sa tulad mo Raisse. At tsaka ayaw mo 'non? Wala ng tayo. You could fvck any men you want. Wala na akong pakielam sa'yo." Para akong pinalaso ng ilang ulit sa dibdib dahil sa sinabi niya. Oo, nasasaktan ako ng sobra. Sobrang sakit na tipong gusto ko na lang mamatay kesa marinig ang mga sinasabi niya.

"Greg, mahal kita."

"Mahal? Alam mo ba ang sinasabi mo? O baka naman nasasabi mo lang 'yan dahil wala ng gustong pumatol pa sa'yo? Tell me, si Cedric lang ba? Sino pa? Si Allen? Alex? O marami pa? Nice!" Tumawa siya pero sa tawang iyon ay alam kong nasasaktan siya ng sobra.

"Greg, mahal na mahal kita." Iyon lang ang kaya kong sabihin. Ayokong pati siya madamay, ayokong masaktan siya tulad ko. Ayos lang sa akin na ako lang ang masaktan, basta 'wag lang ang pamilya ko, huwag lang siya.

"Fvck you! You don't love me! If you love me, you won't do that! I hate you! I really hate you Raisse! I regret that I love you so much. Pinagsisisihan ko lahat ng nangyari sa atin at tatandaan ko na hinding hindi na mauulit iyon, hinding hindi na kita mamahalin pa. Wala na akong pakielam pa sa'yo, kahit na mamatay ka pa ngayon ayos lang sa akin. Sino ka ba? Wala ka namang kayang ipagmalaki sa akin. Walang wala ka, isa ka lang basura Raisse. Basura ka lang." Hindi ko napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko na bumagsak sa sinabi niya.

Nasasaktan ako ng sobra dahil sinaktan ko siya. Na kahit pa mamatay na ako ay wala na siyang pakielam pa. Sobrang sakit, napakasakit. Mahal na mahal ko si Greg, kaya gagawin ko kung ano ang tama. Kung ano ang nararapat. Para sa ikabubuti ng mga tao sa paligid ko, papakawalan ko na siya.

"You are a whore Raisse. Just a whore." Iyon lang at tsaka siya tuluyan na pumasok sa loob ng unit niya.

At naiwan ako roon na umiiyak. Sana panaginip lang ang lahat, sana panaginip lang.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
6.6K 14 1
This is not a story. It's just a book of a random thoughts. It's been unpublished before but I uploaded it back. Do not repost this to other social m...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...