His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Twenty Nine

574K 11.7K 982
By SiMarcoJoseAko

TWENTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Isang lingo na ang lumilipas ngunit wala ni isang Greg akong nakita. Hindi pa siya nagpaparamdam simula ng gabing iyon at hindi rin siya pumapasok sa mga klase niya. Tinatanong na rin ako ng mga teammates niya kung may balita ba ako sa kanya pero wala rin akong maisagot. I already texted and called him for so many times, but there's no any answer from him. Sobra na ang pag-aalala ko sa kanya at gusto kong malaman kung ano ba ang nangyayari sa kanya.

Gusto ko rin sanang tanungin si Gwen ngunit katulad ni Greg, hindi pa rin ito pumapasok.

"Captain, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Dana. Lumingon naman ako sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Ayos lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Mukhang hindi ka ayos Captain, balisa ka." Puna niya sa akin. Marahan kong inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya ngayon, kung bakit hindi pa siya nagpaparamdam sa akin at kung bakit hindi man lang niya sinasagot ang mga text o tawag ko.

"Captain, may problema ba kayo ni Greg?" Tanong niya sa akin. Yes, she knew everything between us. After all, she is my bestfriend and she has the right to know.

"Hindi ko alam Dana, pero parang may mali sa kanya." Ikamamatay ko na siguro kung wala pa akong pagsasabihan ng problema ko. Problema ko nga ba?

"Nag-away ba kayo?" Tanong niya sa akin.

"No, hindi kami nag-away."

"Eh ano?" Tanong niya. Napatingin ako kay Dana.

"Nag-usap sila ni Gwen then he came to my apartment, things suddenly changed." I said.

"Nagpupunta na siya sa apartment mo?!" Gulat na tanong ni Dana sa akin.

"O—Oo, natulog na siya katabi ko." Pag-amin ko kay Dana. Hindi ko kasi naikukwento sa kanya na natulog na si Greg sa apartment ko.

"Oh my gosh! Don't tell you two had sex?!" Sabi niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Gaga, hindi ako ganoon kababang babae! Natulog lang siya at normal lang iyon  dahil boyfriend ko naman siya." Sabi ko sa kanya kahit na nakatulog na si Greg sa apartment ko kahit hindi pa kami on.

"Siguraduhin mo lang Raisse! Kung hindi talaga masasabunutan kita." Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako ng tinawag niya ako sa pangalan ko. Tinatawag lang akong ganoon ni Dana kapag galit o naiinis na siya sa akin.

"Alam ko." Sagot ko sa kanya. Binalot ulit ng katahimikan ang paligid namin.

"Talk to him." She said.

"How? Ni hindi nga siya nagpaparamdam sa akin. Hindi rin siya pumapasok so paano ko siya kakausapin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw mismo ang lumapit sa kanya. Puntahan mo siya sa unit niya, hindi ba't may spare key ka ng unit niya?" Bigla akong natigilan. Tama si Dana, pupuntahan ko siya sa unit niya.

"Dana, minsan pala may pakinabang ka 'no?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at dali daling inayos ang mga gamit ko.

Nasa labas na ako ng school ng mamataan ko ang isang pamilyar na sasakyan at hindi ako nagkamali sa hinala ko ng lumabas siya mula sa roon.

"Andrew."

"Hi, it's nice to see you again." He said while smilling very broad.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Pinagtitinginan ka tuloy ng mga estudyante." Sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa paligid.

"Gwapo ako, magagawa ko?" Pagmamayabang niya.

"Oo na, gwapo ka na kung gwapo. Pero ano bang sadya mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yayain sana kitang mag meryenda. Ayos lang ba sa'yo?" Sabi niya sa akin. I looked at my wrist watch. Alas singko pa lang naman ng hapon at makapaghihintay pa si Greg.

"O—Okay, saan ba?"

"Sa Starbucks na lang, don't worry my treat." He said then he smiled. Agad akong pumasok sa kotse niya at umalis kami roon.

****

"Wala ka bang ibang kaibigan dito? O tropa man lang?" Tanong ko sa kanya.

"I have, but not all the time I am with them and they are with me." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. He is right, hindi lahat ng taong mahalaga sa'yo ay nasa tabi mo lagi. Minsan akala mo nandyan pa sila para sa'yo, pero magugulat ka na lang wala na pala sila.

Huminga ako ng malalim.

"May problema ka ba ngayon?" He asked. I just stared at him.

"Wala." I said to him.

"It's him, right?" He asked. Napatitig lang ako sa kanya.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito na lang ang epekto sa akin ni Greg na dati naman ay wala akong pakielam sa kanya? Bakit ganoon na lang kalaki ang nawala sa akin ng umalis siya? Paano kapag dumating iyong araw na iwan na talaga niya ako? May matitira pa ba sa akin?

"You don't need to tell me, it's written all over your face." He said.

"Ganito pala kapag nagmamahal 'no? Nakakatanga." Sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina.

"Oo, sabi kasi ng lolo ko kapag nagmahal ka raw para kang nasa tuktok ng bundok. Masarap sa pakiramdam, nakaka relax pero lagi mong tandaan na maaari kang mahulog pababa at tandaan mo. Lahat ng nahuhulog, nasisira at nasasaktan." Napatitig ako sa mga mata ni Andrew.

And I saw pain.

"Nagmahal ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Unfortunately yes. But we rush things so we ended hurting each other. Kaya 'wag na 'wag mong mamadaliin ang lahat. Just always remember that if things were really destined to each other, you don't need to rush things because it will end up together. No matter what happened." He said then he gave me a smile.

"Ang makata mo ah!" Pagbibiro ko sa kanya. Kahit papaano nawala ang lungkot ko dahil sa kanya. Minsan pala masarap din itong kasama.

"I am not. I'm just stating the fact." Sabi niya sabay higop sa kape niya. Tinawanan ko lang siya.

I looked at my wrist watch and it's already late.

"Kaylangan ko ng umalis Andrew, sa susunod na lang ulit."

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

"No, I can handle this." Sabi ko sa kanya.

"I insist, ano ba naman iyong inistorbo kita. Sige na, hahatid na kita. Sige ka, kapag hindi ka pumayag magtatampo ako." Sabi niya. He pouted.

Oh c'mon! Sinong hot na lalaki ang mag popout ng ganito? But he still managed to be handsome.

"Oo na, sige na." Sabi ko sa kanya at tsaka ngumiti.

Ihinatid niya ako sa harap mismo ng building na tinutuluyan ni Greg.

"Salamat. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko sa kanya bago siya iwan. Tumango lang siya at ngumiti sa akin.

Pumasok na ako sa loob ng building at sumakay sa isang elevator. Hinintay ko lang na tumunog ang elevator at tsaka ako lumabas pero hindi ko inaasahan ang nadatnan ko ng makalabas ako sa elevator.

It's Gwen and Greg.

"See you tomorrow, okay? I had a great time with you." Rinig kong sabi ni Gwen. Pakiramdam ko ay naging manhid ang buo kong katawan at tumigil ang paligid ko sa nakikita at naririnig ko.

"I had too, you're so great. Are you going here tomorrow?" He asked her while smilling very broad. Wala itong suot na pang-itaas at tanging jersey shorts lang nito ang suot. Nasa labas sila ng unit ni Greg at mukhang paalis na si Gwen.

"Kung gusto mo ba pupunta ako." Sabi ni Gwen.

"I will be happy if you are here." Sagot naman ni Greg at doon ay parang pinalaso ng ilang ulit ang dibdib ko.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko sa mga pisngi ko. Naiyukom ko ang mga palad ko sa galit.

"Then I'll be here tomorrow to be with you again. I need to go." She even smiled at him.

"Let me kiss you first before you leave." Then Greg kissed her and I feel so fool, so stupid for believing him.

She left and when he is going to close the door, our eyes met.

"I hate you Greg, I hate you."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...
4.5K 195 4
People who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
718K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...