Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

Av TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... Mer

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 38

51.1K 1.4K 38
Av TheLostMemoryOfLove


Pagbabalik

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" si Troy habang nagmamaneho papunta sa bahay namin.

Balak kong kunin lahat ng gamit ko ngayon at do'n na muna makituloy kina Cara. Pumayag din naman siya at gusto niya ring malaman kung ano ba talaga ang mga nangyari. Napatingin naman ako ngayon kay Troy na seryosong nagmamaneho. Sa kanya ako tumuloy hanggang sa maging okay ako. Sobrang nakakagaan ng loob na kahit hindi naman niya obligasyong alagaan ako araw-araw, ginagawa niya pa rin.

"Sigurado na ako, Troy. Kapag nakuha ko na ang mga gamit ko sa bahay, siguro naman mababayaran na kita."

"Hindi mo na kailangang mag bayad."

"Magbabayad ak--"

"Hindi na nga. Itago mo nalang 'yang pera mo dahil mas kakailanganin mo 'yan lalo na kasi wala ka nang balak na tumira pa sa inyo."

"Sigurado ka? Medyo malaki rin ang naigastos mo para sa'kin."

"Kyla, ang pera puwedeng pagtrabahuan. Pero yung ganitong sitwasyon lalo na at ikaw yung kailangan nang tulong, wala akong pakialam kung gaano pa kalaki ang maigagastos ko o kahit mamulubi pa ako basta masigurado kong maayos ka."

"S-Salamat." 

Ang dami niya nang nagawa sa'kin. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako makakabawi sa kanya. Kapag ako yung may kailangan lagi siyang nandiyan. Kahit kailan hindi siya nag dalawang isip na tulungan ako. Ang suwerte ng babaeng mamahalin mo, Troy. Kasi lahat ibibigay mo sa kanya. Ang suwerte ng babaeng makakasama mo hanggang sa pag tanda, kasi may lalaking mananatili sa tabi niya kahit anong mangyari.

Nang makarating kami sa bahay ay gulat si ate Yan ng makita ako. Siya lang ang tao sa sala kaya siya rin ang unang nakakita sa pag dating ko. Hindi na ako nag sayang pa ng oras at dumiretso na ako sa kuwarto para kunin ang mga gamit ko. Naiwan muna si Troy sa may sala habang ako diretso ang lakad papunta sa kuwarto ko. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko habang nag iimpake pero wala naman akong magagawa, nangyayari na yung mga bagay na hindi ko naman inakalang mararanasan ko pala.

Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Sumalyap ako ro'n at nakitang pumasok sina mommy at daddy. Nakasunod naman sina kuya Ryan at kuya Calvin sa kanila. Umiwas nalang ulit ako ng tingin at mas binilisan pa ang kilos ko para makaalis agad.

"Sigurado ka na talagang lalayas ka rito? Sa tingin mo ba makakaya mong buhayin ang sarili mo, Kyla?" si daddy.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang kahit na nanginginig na ang katawan ko sa sobrang kaba at bigat na nararamdaman. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko lalo na nang marinig ko ang mga hikbi ni mommy.

"Kyla, anak, pag-usapan naman natin 'to." si mommy naman na balak pa sanang lapitan ako pero agad siyang pinigilan ni daddy.

"H'wag mo na siyang pigilan sa gusto niyang gawin. Kitang-kita naman na sigurado na siya sa desisyon niya." aniya kay mommy bago tumingin ulit sa'kin. "Hindi ba sinabi mong ayaw mo ng maging Delos Reyes? Kung gano'n, bakit mo pa dadalhin ang mga gamit na kami rin naman ang bumili? Hindi ka lalabas dito ng dala ang mga gamit mo dahil pera namin ang pinambili riyan. Ayaw mo ng maging Delos Reyes? Mag trabaho ka ng iyo, bumili ka ng gamit mo sa sariling pera mo at buhayin mo mag-isa ang sarili mo."

Natigilan nalang ako dahil sa mga sinabi ni daddy. Hindi ako nakapag-salita at dahan-dahang binitawan ang mga iniimpake kong gamit. 

"Dad! Ano ba naman kayo? Anak niyo pa rin si Kyla!" si kuya Calvin at agad na lumapit sa'kin.

"Anak? Ayaw na niyang maging parte ng pamilya natin, Calvin."

"At dahil yun sa inyo! Gano'n lang kadali sa inyo ang itakwil siya dahil plano niyo nang umampon ng iba! Hindi ko alam kung anong pagkain ang pinakain sa inyo ni Aya at nagkakaganyan kayo. Sarili niyong anak ipagtatabuyan niyo na parang walang halaga sa inyo."

"Ang lakas ng loob mong sigawan ak--"

"Dad, hindi naman kasi kayo ganyan dati. Oo at mas paborito niyo si Kyla kesa sa'min ni Calvin, pero tanggap namin yun dahil kahit kami mahal namin ang kapatid namin. Pero ngayon? Hindi na kayo yung mga magulang na nakasanayan namin. Hindi na kayo yung mga magulang na nagmahal sa'min ng buo. Kayo na rin naman mismo ang nag sabi, 'di ba? Na kahit anong mangyari dapat protektahan namin si Kyla. Kaya ngayon, poprotektahan namin ang kapatid namin sa inyo."

Napatingin nalang ako kay kuya Ryan na kalmadong nagsasalita sa harapan ni daddy. Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa mga kapatid ko. Para kaming mga aso't pusa pero kahit kailan hindi nila ako pinabayaan. Pero ayaw ko naman na pati sila madamay dahil sa galit ni daddy sa'kin.

"Kuya, hindi niyo na ako kailangan pang protektahan. Aalis na talaga ako sa bahay na 'to. Kung ayaw ni Mr. Delos Reyes na mag dala ako ng kahit anong gamit, ayos lang. Aalis ako rito ng walang kahit anong dala na galing sa kanila. Sana maging masaya kayo sa pamilyang bubuoin niyo kasama si Aya. Sana maging masaya kayo sa bagong bunso niyo. Pasensya na po sa abala." sambit ko at mabilis na nag lakad palabas ng kuwarto.

Paulit-ulit kong pinunasan ang luha ko pero lagi lang din namang napapalitan. Mas humahapdi ang puso ko habang naglalakad paalis sa bahay. Dito ako lumaki. Dito ako sumaya kasama ang pamilya ko. Dito nila ako tinuring na prinsesa. Dito ako nakikipag-talo sa mga kapatid ko. Dito ko sinasalubong sina mommy at daddy sa tuwing umuuwi sila galing sa trabaho. Ang daming masasayang alaala sa bahay na 'to na sobrang hirap iwan. 

Ni minsan hindi ko naisip dati na darating 'tong araw na 'to. Ni minsan hindi ko naisip na maririnig ko ang mga yun kay daddy. Bakit kaya biglang nagkagulo-gulo ang buhay namin? Bakit kaya biglang nagising nalang ako isang araw, hindi na ako parte ng pamilyang 'to. Bakit naman biglaan? Bakit naman sobrang sakit?

"Kyla, nasaan na ang mga gamit mo? Bakit ka umiiyak?" si Troy ng makababa na ako.

"Umalis na tayo rito." 

Lalabas na sana kami sa pinto ng bigla nalang akong tinawag ni kuya Calvin.

"Kyla!" tumakbo ito papalapit sa'min.

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatayo para hintayin ang kung ano mang sasabihin niya.

"Hahayaan mo nalang bang palitan ka ng babaeng yun? Kyla, pamilya natin 'to. H'wag mong hayaan ang kahit sino na palitan ka at sirain ang pamilya natin!"

"Kuya, narinig mo na si daddy. At ayaw ko na rin. Pinili na nila si Aya kesa sa'kin, sapat na dahilan na yun para umalis na ako rito."

"Kyla naman!" 

Pinaharap ako ni kuya Calvin sa kanya at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Mas nahihirapan ako lalo na kasi nakikita ko yung kapatid kong nasasaktan. Namumula na rin ang mga mata niya para lang pigilan ang maiyak.

"Kuya, alagaan niyo si mommy at daddy ha? Mawawala na yung palaaway niyong kapatid dito pero bisitahin niyo pa rin ako ni kuya Ryan." pilit akong ngumiti sa kanya sabay atras. "Babye po, kuya." 

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na talikuran ang umiiyak kong kapatid. Nang pumasok ako sa sasakyan ni Troy at tahimik naman siyang sumunod. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko ng tuluyan na kaming makalayo ro'n. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makarating kami sa bahay ni Cara. 

"Kyla, bakit ka umiiyak? Nasaan na ang mga gamit mo?" tanong niya sa'kin nang makapasok na kami sa bahay niya.

Saglit akong natigilan nang makita kung sino ang mga taong kasama ni Cara. Nag-aalalang nakatingin sa'kin si Art, Dale at Kurt. Nang bumalik ang tingin ko kay Cara ay mahigpit ko nalang siyang niyakap habang umiiyak. Wala na akong pakialam kung makita ako ng ibang ganito, ang gusto ko lang mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko.

Inalalayan naman ako ni Cara paupo habang si Kurt naman ay kumuha ng tubig para sa'kin. Hindi ko pa rin maawang patahanin ang sarili ko. Para bang habang tumatagal mas lalong bumibigat. Parang paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni daddy. Paulit-ulit kong naaalala ng mga nangyayari kaya mas lalo lang ako nasasaktan.

Gusto ko nalang isipin na nananaginip ako ngayon. Na sana bangungot lang 'to. Na sana pagkagising ko maayos na ulit lahat. Pero hindi talaga e. Ito na talaga yung nangyayari ngayon. Wala na yung pamilyang ilang taon kong nakasama. Tama pala talaga ang sinabi nila, lahat ng tao puwede mag bago. At sa pagbabagong yun hindi mo alam kung anong kalalabasan. Puwedeng masaya at puwede ring masakit.

Halos kalahating oras akong umiyak nang umiyak habang sila ay tahimik lang na nakatingin sa'kin. Nang medyo tumahan na ako ay saka lang sila nag tanong kay Troy kung ano ba talagang nangyari. Alam kasi nilang hindi ko magagawang magkuwento dahil tulala lang ako. Naubos yung lakas ko kakaiyak. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kung sakaling sa'kin sila nag tanong.

"H'wag kang mag alala, Kyla. Nandito naman ako e. Tutulungan kita hanggang sa maging okay ka. Ako nalang muna ang magiging pamilya mo sa ngayon." si Cara at niyakap ako ng mahigpit.

"Nandito rin kami, Kyla. Kahit alam naming hirap ka ngayon, hindi namin ipaparamdam sa'yong mag-isa ka lang." si Kurt na malungkot na ngumiti sa'kin.

Ilang minuto bago ako sinamahan ni Cara papunta sa kuwarto niya. Pinaupo niya muna ako sa kama bago siya kumuha ng damit na ipapahiram niya sa'kin para makapag-palit na ako. Nang nakapag-bihis na ako ay iniwan niya muna ako sa kuwarto niya para makapag-pahinga. Pero imbis magpahinga ay umiyak nalang ulit ako. Para akong dinurog ng paulit-ulit e. Namamanhid ang buong katawan ko pero sobrang sakit naman ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano nila ako inintindi. Ilang araw ang lumipas gano'n pa rin ako. Umiiyak at natutulala pero hindi nila ako sinukuan. Dinadalaw rin ako ng mga kaibigan ni kuya sa bahay ni Cara. Lagi rin akong inaasikaso ni Cara at minsan pa ay napapabisita rin sina Kim at Mara para subukan akong kausapin. 

Masaya namang may mga taong nagpapalakas ng loob mo. Pero hindi kasi gano'n kadaling alisin yung sakit sa puso mo e. Kailangan mo ng mahabang oras para paunti-unting gumaling. Sana nga dumating agad ang araw na yun kasi ayaw kong masayang ang oras ng mga taong pumapaligid sa'kin ngayon.

Nabalitaan ko naman kina Grey na pinagbawalan daw sina kuya Ryan at kuya Calvin na lumabas ng bahay. Lumipat na rin daw si Aya sa bahay dahil do'n na siya pinatira nina mommy at daddy. Ang bilis nilang gumawa ng desisyon. Ngayon alam ko na talagang wala silang pakialam sa kung ano man ang mararamdaman ko.

Ilang linggo ang lumipas ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nakokontrol ko na rin ang emosyon ko pero kumpara dati, naging malamig naman ang pakikitungo ko sa iba. Humingi ako ng tulong kina Cara para makahanap ng puwede kong pagkakitaan. Kailangan kong kumita para hindi ako maging pabigat sa kanya. Nahirapan kami sa paghahanap pero dahil kay Art, magkakaroon na ako nang trabaho. Kaso nga lang hindi pa ngayong buwan o sa susunod. Dalawang buwan mula ngayon saka pa lang bubuksan ang restaurant nila kaya kailangan kong mag hintay muna.

"Malapit na ang pasukan, ano nang plano mo?" si Cara habang kumakain kami. 

Napatingin naman ako sa iba pa naming kasama. Nandito ulit ngayon ang mga kaibigan nina kuya Ryan at sinasabayan kaming kumain ni Cara. Ibinalik ko naman ulit ang tingin ko sa pagkain bago nag salita.

"Siguro hindi muna ako papasok ngayong taon. Kailangan ko munang mag ipon."

"Pero sayang yung taon, Kyla." sambit ni JB.

"Wala naman akong magagawa. Wala akong pera para ipang-gastos sa pag-aaral ko."

"Pagtutulungan namin!" si Peter naman.

"H'wag na. Masyado na kayong maraming naitulong sa'kin."

"Kyla, kaibigan kami ng mga kapatid mo. Hindi ka namin puwedeng pabayaan lang." seryosong sabi ni Duke.

"Kapatid lang ako ng kaibigan niyo, pero hindi niyo obligasyon ang pag-aralin ako. May sarili kayong buhay at problema, dapat yun ang iniisip niyo."

"Tutulungan ka namin kahit ayaw mo, wala ka nang magagawa ro'n." si Troy naman ngayon ang nag salita.

At dahil siya na mismo ang nag salita, wala na talaga akong magagawa. Kinabukasan ay naiwan akong mag-isa sa bahay ni Cara. May kailangan kasi siyang bilhin kaya ako na muna rito. Wala akong ibang magawa sa bahay niya kung 'di ang mag linis, mag hugas ng pinggan, mag laba at iba pang gawaing bahay.

Nang matapos ko na lahat ng puwede kong gawin sa loob ng bahay at lumabas muna ako para tumingin-tingin sa paligid. Wala ang pamilya ni Cara rito ngayon, nasa maynila sila at siya lang ang nagpa-iwan dito. Hindi ko alam kung bakit, basta ang sabi niya lang gusto niyang tumira rito kahit mag-isa siya. Napaka masayahing tao ni Cara, hindi mo makikita sa kanya kung may problema ba siya o wala. Siguro magaling lang siyang mag tago ng totoong nararamdaman? Imposible naman kasing may taong walang problema.

Ilang minuto akong tumambay sa labas bago ko naisipang pumasok ulit sa loob ng bahay. Isasara ko na sana ang pinto ng bigla nalang may pumigil no'n. Akala ko si Cara pero laking gulat ko nang makita ang hindi ko inaasahang tao.

"Kyla,"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatingin sa kanya. Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako namamalikmata? Para akong binalikan ng lahat ng sakit na naramdaman ko no'ng iniwan niya ako.

Napailing nalang ako at napaatras sa sobrang gulat. Hindi ko na alam ngayon kung anong mararamdaman ko sa pagbabalik niya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon na mas durog ako? May balak ba siyang durugin ako lalo? May balak ba siyang paniwalain ako ulit sa mga kasinungalingan niya at iwan kapag naging tanga na naman ako sa kanya?


Fortsett å les

You'll Also Like

13.9M 430K 72
Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has...
30.1K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...
686K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
4K 81 29
Ending a poem is a dilemma, A hard decision needs to be made, Would you love a way to forever? Or acceptance is enough, it's over Poems used to fulf...