Kabanata 34

48.8K 1.4K 48
                                    


Sandalan

"Ha? Hindi ba kakauwi niyo lang galing sa bakasyon? Bakit biglang gusto mo na agad uminom? May nangyari ba habang nasa bukidnon kayo?" si Cara sa kabilang linya.

Halos isang linggo kong hindi maintindihan ang sarili ko. Parang pinagsisihan ko tuloy na naging chismosa ako no'ng araw na yun. Kasi hanggang ngayon, ramdam ko yung naramdaman ko no'ng araw na narinig kong umamin si Aya sa nararamdaman niya kay Troy. Para akong nasasaktan na hindi ko alam.

"Wala naman, gusto ko lang uminom." 

"Hindi ka naman palainom dati ah? Dalawang linggo lang kayong nag bakasyon sa bukidnon, tapos pag balik mo inaaya mo na agad ako. "

"Ayaw mo ba? Kasi kung ayaw mo, puwede naman akong pumunta sa bar mag-isa."

"Sigurado kang walang nangyari habang nagbabakasyon kayo sa bukidnon? Pakiramdam ko kasi may kakaiba e."

"Wala nga. Pakiramdam mo lang yun. Sunduin mo ako mamaya rito ha? 6pm dapat nandito ka na."

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Nang ibaba na ni Cara ang linya ay bumuntong hinga nalang ako at inayos ang gamit ko. Kanina habang bumabyahe kami pauwi, imbis makatulog, gising na gising ako. Hindi kasi gaya no'ng papunta kami sa bukidnon, si Aya saka Troy na ang magktabi no'ng pauwi kami. Napansin ko rin na lagi silang nag-uusap na silang dalawa lang. 

Mukhang alam ko na ang sagot ni Troy sa tanong ni Aya no'ng umamin siya. May chance nga sigurong maging sila kung sakali. Napatingin nalang ako sa selpon ko ng sunod-sunod ang tunod nito dahil sa may nag text. Nang buksan ko ito ay bumungad sa'kin ang text nina Art, Dale at Kurt.

Art: Hi! Pagod ka siguro sa byahe. Mag pahinga ka ng maayos ha? Sabihan mo nalang din ako kung kailan mo gustong magpaturo sa pagluluto para mapaghandaan ko.

Dale: Kakauwi ko lang pero ikaw agad ang hanap nina Angelo hahaha. Tinatanong nila kung kailan ka raw makakadalaw sa kanila ulit, hindi ko alam ang isasagot kaya tinext na kita kahit alam kong nagpapahinga ka ngayon. Mag sabi ka kung kailan ka puwede ha? Miss na miss ka na ng mga bata e.

Kurt: Naiwan mo sa'kin yung earphones mo, ihahatid ko nalang bukas sa inyo.

Bumuntong hininga ulit ako at hindi na muna nag reply sa kanila. Wala ako sa mood makipag-text. Habang inaayos ang mga gamit ko ay napansin kong may panyo pala akong naitabi sa bag. Ito yung galing kay Troy na tinali niya sa paa ko habang nasa kakahuyan kami. Nakalimutan kong ibalik sa kanya, wala rin akong lakas ng loob na harapin siya. Itinago ko muna ang panyo para malabhan bago ibalik sa kanya kapag kaya ko na.

Habang naghahanda ako para sa lakad namin ni Cara, hindi na ako nagpaalam pa kay mommy at daddy. Hindi na rin naman kami nag-uusap. Simula no'ng araw na nasigawan ko si Aya, parang naging anino nalang ako sa paningin nila. Hinahayaan ko nalang dahil ayaw kong makipag-talo. Nang mag text si Cara na nasa labas na siya ng bahay ay dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko para makalabas na.

Pagka-bukas ko ng gate ay bumungad naman sa'kin ang mukha ni Aya. Gulat siya ng makita ako pero inirapan ko lang siya at nilagpasan. Hindi ba talaga nababawasan ang kakapalan ng mukha niya? Parang dito na siya nakatira ah? Kung gusto pala nila si Aya na palaging nandito sa bahay, sana inampon nalang nila.

"Oh? Bakit nakabusangot ka riyan?" si Cara ng makapasok na ako sa sasakyan niya.

"Wala 'to. Mag maneho ka na lang." malamig kong sabi.

"Oo na, ito na nga e."

Tahimik lang ko hanggang sa makarating kami sa bar kung saan laging pumupunta si Cara. Nang makapasok kami ay may dalawang babae namang sumalubong sa kanya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon