Kabanata 32

50.6K 1.5K 61
                                    


Ahas

Halos hindi na ako huminga habang nakatingin sa gumagapang na ahas. Hindi na rin ako nag balak na gumalaw sa takot na baka bigla akong tuklawin. Ayaw ko pang mamatay! Sayang ang ganda ko kung kabaong lang din ang bagsak ko! 

Buong katawan ko na ngayon ang nanginginig at kung kanina ay nakakasigaw pa ako, ngayon wala na talaga akong lakas para makasigaw pa. Para akong napako sa kinatatayuan at nawalan ng boses. Paano ako makakaligtas dito ngayon? Nanlaki nalang ang mga mata ko ng gumapang ang ahas papalapit sa akin. 

"Hindi. Lumayo ka sa'kin. Shoo! Hindi tayo friends kaya lumayo ka!" bulong ko.

Gusto kong tumakbo pero wala akong matatakbuhan! Mabagal ang gapang ng ahas pero pakiramdam ko katapusan na ng buhay ko ngayon!

"H'wag mo akong kagatin, gusto ko pang mabuhay! Tulong! Tanginang ahas 'to, tulungan niyo ako!" nag lakas loob akong sumigaw.

Wala ng ibang paraan, kung gusto ko pang mabuhay, kailangan kong sumigaw ng mas malakas para may makarinig sa'kin.

"Tulong! Mommy! Kuya! Tulungan niyo ako! Gusto ko pang mabuhay!" sigaw ko pero hindi pa rin gumagalaw.

Baka isang galaw ko lang matuklaw ako ng biglaan. Napatingala nalang ako ng marinig ko ang tunog ng mga natatapakang tuyong dahon. Baka may tao!

"Tulong! Kung sino ka man, tulungan mo ako! May ahas! Ayaw ko pang mamatay! Tulong!" 

Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon dahil baka may makatulong na sa akin na makaalis ako rito. Hindi ko na rin napigilan pa ang pangingilid ng luha ko habang sinusubukang silipin kung may tao bang paparating.

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ko si Troy na kunot noong nakatingin sa hukay kung nasaan ako. Bumigat nalang bigla ang pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mga mata niya nang makita ako. 

"Troy! Troy, buti dumating ka! Iligtas mo ako! May ahas dito! Troy, ayaw ko pang mamatay!" 

Dali-daling gumawa ng paraan si Troy para hindi na makalapit ng tuluyan sa akin ang ahas. Agad siyang kumuha ng malaking bato at ibinagsak yun sa ulo ahas dahilan para maipit at mamatay ito. Nang inabot na ni Troy sa'kin ang kamay niya ay agad ko itong hinawakan para makaakyat na.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" tanong niya ng tuluyan na akong makaalis sa hukay.

Nanghihina akong napa-upo sa lupa at hinayaan ang mga luha kong tumulo. Nang tiningnan ko si Troy ay mas lalo lang lumakas ang bawat hikbi ko. Lumuhod naman si Troy sa harapan ko.

"Akala ko mamamatay na ako! Akala ko wala nang tutulong sa akin! Akala ko tutuklawin na ako ng ahas!" umiiyak kong sabi.

"Shh, tahan na. Ligtas ka na." aniya sabay yakap sa'kin.

Ilang minuto kaming nanatiling nasa gano'ng posisyon. Hindi ko rin kasi makontrol ang emosyon ko sa ngayon sa sobrang takot at kabang naramdaman ko kanina. Nang medyo kumalma na ako ay agad akong kumawala sa yakap ni Troy at umiwas ng tingin.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang pinupunasan ang pisnge ko.

"A-Ayos na ako." 

"H'wag ka nang umiyak, okay? Nandito na ang poging tagapag-ligtas mo." aniya sabay ngiti.

"Ang hangin mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Pogi? Ang pangit mo kaya. Tapos ang tagal mo pang dumating, ang sakit ng lalamunan ko kakasigaw kanina." sabay irap ko sa kanya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon