Kabanata 17

57.4K 1.8K 111
                                    


Donut

Tahimik ako lang ako habang nagmamaneho si Troy. Pinilit niya kasi akong umuwi nalang dahil sa nangyari kaya hinatid niya na ako. Nang makarating kami sa bahay at saktong papaalis na sana ang mga kapatid ko para pumasok pero agad ding tumigil at bumaba sa sasakyan para lapitan kami.

"Bakit ka nandito, Troy? At bakit sakay mo si Kyla?" tanong ni kuya Ryan kay Troy ng mauna itong bumaba.

Dali-dali naman akong bumaba at tatakbo na sana papasok ng bahay pero agad akong hinarangan ni kuya Calvin at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang dami mong kalmot at ang dulo pa ng buhok mo? Napaaway ka ba, Kyla?" tanong nito sa'kin.

Hindi ako umimik at umiwas nalang ng tingin sa kanya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo kung anong nangyari, hayaan niyo muna siyang pumunta sa kuwarto niya." sambit ni Troy.

Napatingin naman ako sa kanya bago umalis doon dahil hindi na rin naman ako pinigilan ng mga kapatid ko. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay saka ko lang napansin na kanina po pa pala pinipigilan ang hininga ko. 

Itinabi ko muna ang mga gamit ko saka nag bihis. Napatingin naman ulit ako sa braso ko at muling naalala ang mga nangyari kanina. Nanghihinang napaupo ako sa kama habang umiiyak.

Gusto ko nalang isipin ngayon na bangungot lang lahat ng 'to. Na hindi totoong nangyayari 'to at kailangan ko lang gumising para bumalik lahat sa dati. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ni Miko sakin 'to. Nagawa niyang magtago sa'kin. Nagawa niyang lokohin ako. Nagawa niyang saktan at iwan ako.

Gusto kong magalit. Gusto ko siyang kausapin at sigawan. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa harap nila ni Leika. Nag mukha akong tanga sa harap niya. Ang dami kong pinaniwalaan pero hindi naman totoo.

Napatingin nalang ako sa kahon kung saan nakalagay ang mga sulat ni Miko sa'kin. Katabi rin nito ang iba niya pang binigay sa'kin. Aabutin ko na sana 'to ng biglang may kumatok sa pinto.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa pisnge ko bago tumayo at binuksan ang pinto. Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Troy na may hawak na first aid kit.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa umaalis? May pasok ka, 'di ba?"

"Lilinisn ko muna yung mga kalmot mo sa--"

"Hindi na kailangan. Malayo naman 'to sa bituka. Umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase niyo."

"Hindi. Lilinisin natin 'yan sa ayaw man o gusto mo." aniya at biglang pumasok sa loob ng kuwarto ko at siya na rin mismo ang nag sara ng pinto.

Hinila niya naman ako at pinaupo sa kama ko. 

"Hindi na nga kailangan, 'di ba?"

"Lilinisin ko nga lang."

"Kaya ko namang linisin magisa 'to. Akin na 'yan, ako na ang gagawa. Pumasok ka nalang." aabutin ko na sana ang hawak niyang bulak pero agad niyang inilayo 'to sa'kin.

"H'wag ka ngang makulit."

"Ikaw ang makuli-- aray!" halos ilayo ko ang kamay ko sa kanya sa sobrang diin ng pagkakadampi niya sa bulak na may alcohol sa braso kong may kalmot.

"Oh, kita mo na. Ang kulit mo kasi. H'wag kang gumalaw kung ayaw mong madiinan ko." aniya at seryosong nakatingin sa braso ko.

Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko habang nililinis ang mga kalmot ko sa braso. Kunot din ang noo niya at maingat na dinadampi ngayon ang bulak sa balat ko. 

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon