Kabanata 41

49K 1.4K 87
                                    


Iwas

Ilang araw akong hindi makatulog ng maayos kakaisip kay Troy. Simula kasi no'ng araw na yun hindi na siya bumisita rito. Kapag tinatanong naman ni Cara sina Dale lagi rin nilang sinasagot na hindi nila alam. Hindi raw kasi nagparamdam si Troy sa kanila. Napabuntong hininga nalang ako nang makitang ala una na ng gabi. Napatingin naman ako sa katabi kong mahimbing ang tulog.

Gusto ko na rin matulog! Bumangon muna ako at kinuha ang lumang selpon ni Cara na pinahiram niya muna sa'kin. Ito ang gamit ko simula no'ng nakituloy ako rito. Hindi naman ito gano'n ka luma, sadyang may bago lang talagang ginagamit si Cara kaya sa'kin niya muna pinahiram 'to.

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta ng kusina para sana uminom ng tubig ng bigla nalang tumunog ang selpon na hawak ko dahil sa isang tawag. Nang tingnan ko ito ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Troy ang tumatawag! Dali-dali ko itong sinagot at itinapat sa tainga ko.

"H-Hello?" 

Jusko, Kyla! Ayusin mo nga 'yang boses mo at halatang kinakabahan ka!

"Troy?" 

Napakunot nalang ang noo ko ng wala akong marinig na nagsasalita sa kabilang linya. May bumuntong hininga pero walang nagsasalita. 

"Troy, mag salita ka naman oh?"

Wala pa ring nagsalita hanggang sa naputol nalang ang linya. Saglit akong napatitig sa selpon ko. Bakit kaya gising pa siya hanggang ngayon? Hindi ko rin naman masasabing nasa bar o club siya dahil hindi naman maingay ang paligid niya. Baka hindi rin siya makatulog?

Kainis ka naman Troy e! Hindi mo talaga ako papatulugin ngayong gabi kakaisip sa'yo! Kahit madaling araw na ay walang pagdadalawang isip akong lumabas sa bahay ni Cara at humanap ng taxi na puwede kong sakyan papunta sa bahay ni Troy. Baka sakaling nando'n siya ngayon kaya pupuntahan ko na lang para makausap.

Nahirapan ako sa paghahanap ng puwedeng sakyan dahil nga madaling araw na. Mahaba ang nilakad ko bago ako nakakita ng taxi kaya pinara ko na agad. Dahil nga ilang beses na akong nakapunta sa bahay ni Troy, nakabisado ko na kung saan yun. Halos kalahating oras bago kami nakarating do'n. Walang ilaw na nakabukas sa loob ng bahay at madilim din ang paligid dahil wala namang kapitbahay si Troy na malapit. 

"Miss, bayad mo po?" tanong ng driver.

Kukuhana sana ako sa bulsa ko ng pera nang maalala kong hindi pala ako nakapag-dala sa sobrang pagmamadali! Nalintikan ka na talaga Kyla! Ang tanga mo na naman!

"Ah, manong, saglit lang ha? K-Kukuha lang ako ng pamasahe sa bahay na 'yan." sabay turo ko sa bahay ni Troy.

"Ah, sige po." 

Dali-dali akong bumaba ng taxi at tumakbo para kumatok sa pinto ng bahay. Kinabahan ako lalo ng walang nagbubukas ng pinto! Jusko, paano kung wala si Troy dito? Patay ka talaga, Kyla! Nag taxi ka pa wala ka naman palang pamasahe! 

Nilingon ko saglit ang driver ng taxi na ngayon ay napapakamot na ng ulo sa sobrang tagal kong bumalik. Sa sobrang kaba ay mas lalo kong nilakas ang katok sa pinto. Para ko na ngang sinusuntok yung pinto para lang may bumukas. 

Sa kasamaang palad dahil sa lakas ng katok ko, nang bumukas ang pinto ay diretso sa mukha ni Troy ang kamay ko! Nalaglag nalang ang panga ko dahil alam kong masakit ang pagkakatama ng kamay ko sa mukha niya! Agad niya namang hinuli ang kamay ko at matalim na nakatingin sa'kin.

Anak ng tipaklong ka, Kyla!

"Miss?! Matagal pa ba yung pamasahe mo?" naiinip na sigaw ng driver.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon