Kabanata 49

47.2K 1.3K 18
                                    


Pulubi

"Kumain ka na ba?" salubong ni Cara sa'kin nang makauwi ako galing sa trabaho.

"Hindi pa." 

Pagod akong humiga sa sofa at pumikit para makapagpahinga saglit. Rinig ko naman ang mga yabag ni Cara papunta sa kusina.

"Hali ka na, sabay na tayong kumain." aniya

Bumuntong hininga na lang ako at muling dumilat. Isang linggo na ang nakalipas no'ng nakita ko si Troy at Aya na magkayakap sa likod ng campus. Hindi ko na sila ginulo pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Aya sa kanya. Hindi ko na rin muna siya kinausap dahil gusto ko munang pahupain ang galis at selos na nararamdaman ko.

"Nga pala, pumunta na naman si Troy rito kanina. Hinahanap ka na naman niya kasi gusto niya ngang magusap kayong dalawa." si Cara habang inaayos ang pagkain sa mesa.

Bumangon naman ako at lumapit sa kanya para tulungan siya sa ginagawa niya. Tahimik lang din akong nakinig sa mga sinasabi niya.

"Kailan mo ba kasi siya balak kausapin? Ilang araw na siyang pabalik-balik rito, nakakaawa nga e."

"Hayaan mo siya." malamig kong sabi saka umupo na sa upuan.

"Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sa inyo no'ng araw na yun. Pero sana naman magkaayos na kayo kasi pati ako namomroblema na rin sa inyong dalawa."

Tumango na lang ako at niligyan na ng pagkain ang plato ko. Gusto ko naman siyang kausapin, pero sa tuwing nagbabalak ako, nawawalan naman ako ng lakas ng loob. Naduduwag ako palagi. At natatakot na baka kapag tinanong ko siya kung dinadala niya ba dati si Aya sa lugar na yun, baka 'Oo' ang isagot niya. 

"Naiiwasan mo pa siya ngayon dahil hindi pa naman pasukan, pero tandaan mong nag aaral kayo sa iisang eskwelahan. Kapag nagsimula na ang pasukan, masusundan at masusundan ka na niya kung saan ka pupunta. Kaya ayusin niyo na 'yan ngayong linggo dahil nakakapagod humanap ng palusot para lang mapagtakpan ka."

Dahil sa mga sinabi ni Cara, hindi ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit kong inisip kung paano ko siya haharapin at kung ano ang sasabihin ko. Kahit no'ng nasa trabaho na ako, yun pa rin ang iniisip ko kaya naman puro kapalpakan na naman ang nagagawa ko.

"Miss, hindi ito ang order namin." sambit ng costumer.

Parang gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil napagpalit-palit ko ang mga order ng mga costumer. Matalim na rin ang tingin sa'kin ni ma'am Cherie dahil nagrereklamo na yung ibang costumer sa sobrang tagal ng order nila.

Mabuti na lang talaga at tinutulungan naman ako ng iba kong katrabaho. Makakahinga na sana ako nang maayos dahil kakatapos ko lang ibigay ang tamang order no'ng isang costumer nang biglang may tumawag na namang costumer.

"Waiter!" 

Nang lingunin ko kung saan nanggaling ang tawag na yun ay agad akong natigilan. Saglit akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Aya at Lane na magkasama. Natauhan na lang ako nang sikuhin ako ng katrabaho ko.

Taas noo akong lumapit sa kanila dala ang menu. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga makha nila nang makita nila ako. 

"Kyla?" natatawang tiningnan ako ni Lane mula ulo hanggang paa. "Nagtatrabaho ka rito?"

"Umorder na lang kayo." malamig kong sabi saka inilapag sa mesa nila ang menu.

"Tignan mo nga naman oh. Ang dating buhay prinsesa, waitress na lang ngayon." aniya sabay tawa.

Napatingin naman ako kay Aya na nakatitig lang din sa'kin. Masaya siguro siyang nakikita akong nagtatrabaho bilang waitress habang siya, nagpapakasarap na.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon