Kabanata 1

118K 2.9K 150
                                    


Party

Nang makarating ako sa classroom ay wala pang guro kaya naman magulo pa ang mga kaklase ko at ang iba ay nakikipag-usap kay Miko. Agad akong dumiretso sa upuan ko ng makita kong may ibang babae ang nakaupo roon. 

"Alis." humalukipkip ako at tumingin sa babaeng nasa upuan ko.

"Mamaya na, nag-uusap pa kami ni Miko. Sa ibang upuan ka muna." aniya at ngumiti ulit kay Miko.

Napatingin naman si Miko sa'kin. Tinaasan ko ng kilay ang babae sabay sipa ng upuan.

"Aalis ka o kakaladkarin kita? Madali akong kausap kaya pumili ka na." 

Napatingin ulit siya sa'kin busangot na umalis sa upuan ko. Agad akong umupo roon at hindi na muna umimik. 

"Ayos ka lang?" tanong ni Miko sa'kin.

Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Napano 'yang tuhod mo?"

Napatingin naman ako sa tuhod ko na namumula pa rin hanggang ngayon.

"Nadapa lang ako kanina, hindi ko kasi napansin yung bato sa daan." pagsisinungaling ko.

Naalala ko ulit ang paa ni Troy. Imposible kasing hindi masakit yun lalo na yung katawan niya, sinalo niya ako e. Hindi naman sa nag-aalala ako sa unggoy na yun, pero kasalanan ko kasi kung bakit yun nangyari sa kanya.

"Tulala ka na naman, ayos ka lang ba talaga?" si Miko ulit.

"A-Ah, oo." sagot ko at yumuko.

Ilang minuto ang lumipas ay saka lang namin nalaman na walang guro ang papasok sa klase dahil sa biglaang meeting. Pinatawag naman ulit si Miko ng papa niya kaya wala ulit akong kausap. Lumabas ako at pumunta ng canteen para sana bumili ng meryenda ng makasalubong ko si Cara.

"Hi Kyla!" sabay kaway niya sa'kin.

"Hello." maikling sagot ko sa kanya.

"May party kaming pupuntahan mamaya, gusto mong sumama?"

"Party? Anong klaseng party?"

"Birthday party ni Peter. Sama ka, kaibigan naman ni Ryan at Calvin si Peter e kaya siguradong puwede ka ro'n."

"Sige, sasabihin ko kina kuya. Sana makasama ako para hindi ako mabagot sa bahay."

"Makakasama ka! Magagamit mo naman yung pictures na sinend ko sa'yo para pagbantaan 'yang mga kapatid mo. Magpa-ganda ka ha? Malay mo invited yung crush mo." aniya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.

Umiling na lamang ako habang tumatawa.

"Sige na, mauna na ako. Bye! See you later!" aniya at umalis na.

Dumiretso naman ako sa canteen at bumili na ng meryenda ko.

"Oy! Kala!" 

Nagulat nalang ako ng may biglang  umakbay sa'kin.

"Ano ba!" nang harapan ko ito ay agad bumungad sa'kin ang mukha ni Peter.

"Ang taray mo na naman." aniya at biglang pinisil ang pisnge ko.

"H'wag mo nga akong hawakan!"

"Ngumiti ka rin kasi minsan, laging nakataas 'yang kilay mo sa tuwing nakikita mo kami."

"Nakakabwesit kasi mga pagmumukha niyo. Hindi mo alam 'yon, 'no?" umirap ako sa kanya at kinuha na ang meryenda ko.

Umupo ako sa bakanteng lamesa at doon na kumain, tumabi naman si Peter sa'kin.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon