Kabanata 4

73.4K 2.2K 52
                                    


Hila

Mabilis ang takbo ng oras at mas naging malapit kami ni Miko sa isa't-isa. Napapadalas din ang pag sabay ko kay Kurt sa tuwing wala si Miko para samahan ako. Habang ang mga kapatid ko naman at iba pa nilang kaibigan e hindi ko masyadong nakakasalubong sa campus.

Sabado ng umaga ay nabulabog nalang ang mahimbing kong tulog dahil sa sobrang ingay. Nakabusangot akong lumabas ng kuwarto ko at hindi na inisip pang mag-ayos. 

"Ate Yan! Manang Beth!" tawag ko sa mga kasambahay namin.

"Po?" agad akong sinalubong ni ate Yan ng makababa na ako ng hagdan.

"Bakit ang ingay? Anong mayro'n?" tanong ko at inilibot ang tingin ko sa sala.

Sa sofa ay may mga nakalagay na gamit kaya naman mas nagtaka ako. Bago pa ako masagot ni ate Yan ay dumiretso ako sa may swimming pool namin at bumungad sa'kin ang mga kaibigan nina kuya Ryan at kuya Calvin, may kasama pang mga babae.

"Oy! Nagising na ang prinsesa!" si Art na kakaahon lang at nakita agad ako.

"Ano ba naman 'yan, Kyla. Lalabas ka na nga lang may panis na laway ka pa." si kuya Calvin at agad na hinagis sa'kin ang tuwalya niyang hindi pa naman basa.

Tinakpan ko naman ang bibig ko at matalim na nakatingin sa kanila.

"Bakit kayo nandito? Ang aga-aga tapos ang iingay niyo. Nakakaistorbo kayo ng tulog." 

"Bisita namin sila, matulog ka nalang ulit kung gusto mo." si kuya Ryan.

Tatalikod na sana ako para pumasok ulit sa loob ng matagpuan ng mga mata ko si Lane na nasa gilid at nakikipag-kuwentuhan sa iba pang mga babae na kasama nila.

"Pati 'yang babae 'yan bisita niyo?" tanong ko sa kapatid ko.

"Oo, bakit? May problema ba?"

"Alam niyo namang hindi ko nakakasundo 'yang babaeng 'yan tapos pinapasok niyo pa rito sa bahay. Inggetera 'yan e!" reklamo ko.

"Pumasok ka na nga lang sa loob, nagsasaya kami rito tapos umiiral na naman 'yan katarayan mo." si kuya Calvin at tinawag si ate Yan para papasukin na ako.

"Nasaan po ba si Mommy?" 

"E, maaga pong umalis. Binilin niya nalang sa'min na asikasuhin ang mga bisita nina sir Ryan at sir Calvin." sagot ni ate Yan habang sinasamahan ako sa pag-akyat papuntang kuwarto.

"Anong oras po ba aalis 'yang mga 'yan? Bakit parang madami silang dalang gamit?"

"Hanggang bukas po yata sila rito, Ma'am."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Hanggang bukas? Anong akala nila sa bahay namin, resort? May pa over night?

"Sige na po, maligo na po kayo. Saan niyo po pala gustong kumain at ihahanda ko na po ang umagahan niyo?"

"Sa tapat ng swimming pool ako kakain." 

"Pero ma'am, nando'n po sa patio table kumakain ang mga bisita nina sir."

"Sabihin mo ako ang nag-utos. Puwesto ko 'yon."

"Sige po."

Agad na akong pumasok sa kuwarto ko at nag ayos bago bumaba at dumiretso sa may swimming pool. Nando'n pa rin sa patio table naka-upo sina Lane at mga kasama niya kaya naman agad akong lumapit sa kanila.

"Alis, kakain ako rito." utos ko.

"Ang laki ng mesa niyo sa loob, bakit ka kakain dito?" si Lane.

"Pakialam mo? Gusto ko rito kaya alis." inilapag ko sa mesa ang selpon ko at hinintay silang tumayo.

"Ma'am, ito na po ang breakfast niyo." si ate Yan at inilapag na ro'n ang pagkain ko.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon