Kabanata 40

46.3K 1.3K 20
                                    


Traydor

Nang makabalik ako sa bahay ni Cara ay kadarating lang din niya. Nagtaka pa siya kung saan ako nanggaling kaya pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko na naman maintindihan 'tong nararamdaman ko. Galit dapat ako e. Pero ayaw talagang mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Troy kanina at kung paano siya umalis na lang bigla. Parang no'ng umalis siya, sumama sa kanya yung isip at puso ko. Kaya ito ako ngayon, parang tangang tulala pagkatapos mag kuwento kay Cara.

"Alam mo? Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ginagawa ni Aya sa'yo lahat ng 'to. Wala ka namang ginawa sa kanya, 'di ba? Tinutulungan mo pa nga siya. Pero bakit iba ang binabalik niya sa'yo?"

Napatingin nalang ako kay Cara na ngayon ay napainom na ng tubig sa kakaisip. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya.

"Baka naiingit siya sa'yo? Halos nasa sa'yo na kasi lahat, Kyla. Magandang buhay, masayang pamilya, buhay prinsesa ka. Habang siya at ang pamilya niya, nagkautang-utang dahil sa pag bagsak ng negosyo nila. Baka kaya niya ginagawa lahat ng 'to, e, gusto niyang maranasan ulit ang marangyang buhay."

"Hindi sapat na rason yun para sirain niya yung buhay ko. Hindi sapat na rason yun para agawin niya sa'kin ang pamilya at buhay ko. Hindi rason yun para pagkaitan niya akong malaman yung totoo tungkol kay Miko. Naging mabuti ako sa kanya at sa pamilya niya. Tapos ganito ang gagawin niya sa'kin? Ang bait-bait niya kapag kaharap ko siya, pero ilang beses niya na pala akong sinaksak sa likod no'ng hindi ako nakatingin."

"Kahit gaano ka pa kabait sa isang tao, kung may balak siyang traydurin ka, wala ka talagang magagawa. Ang traydor ay traydor, mukha man silang mabait, lagi 'yang may tinatagong kulo sa loob."

Napabuntong hininga nalang ako at pareho na kaming natahimik ni Cara. Malalim din yata ang iniisip niya. Pareho nalang kaming napatingin sa pinto ng may marinig kaming kumatok. Lumapit naman si Cara do'n para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

"Cara, sino 'yan?" tanong ko dahil hindi ko makita kung sino ang tao sa labas.

Hindi siya nag salita kaya naman ako na mismo ang lumapit do'n. Napakunot nalang ang noo ko habang nakatingin kay Aya na seryosong nakatayo sa tapat ng pinto. Bakit siya nandito? Hindi pa ba siya nakuntento sa sampal ko kanina at gusto na niya agad dagdagan ko?

"Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto kitang maka-usap." 

Napataas nalang ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Parang ibang Aya yata ang kaharap ko ngayon. Matapang at seryoso. Malayong-malayo sa Aya na bait-baitan kapag may ibang tao. 

"Bakit ko naman sasayangin ang oras ko ngayon sa'yo? Mahalaga ka ba?"

"Kyla, gusto kitang maka-usap tungkol sa mga nangyayar--"

"Gusto mo lang makipag-usap pero sigurado akong wala kang balak humingi ng tawad, tama ba ako?"

"Paano kung oo? Ni isa sa mga ginawa ko, wala akong pinagsisihan. Dapat lang naman sa'yo yun. Masyado kang mayabang. At ngayon? Nasa akin na lahat ng mahalaga sa'yo."

"Ang kapal ng mukha mo."

"Gusto ko lang naman kasing linawin sa'yo ang tungkol kay Miko. Dapat nga mag pasalamat ka sa'kin na hindi ko binigay yung sulat niya sa'yo. Nakapagmove-on ka nga dahil sa ginawa ko. Kung gusto mo pa rin mabasa yung sulat, pasensya na pero sinunog ko na kasi. Puwede mo namang kausapin si Miko na gawan ka ng bago tapos maging tanga ka ulit sa kanya."

"Ang lakas ng loob mo, 'no? Wala kang utang na loob. Kung alam ko lang na ganyang klaseng tao ka, sana hinayaan ko nalang na mabully ka sa campus. Hindi ka naman pala worth it ipagtanggol."

"Sayang nga 'no? Kasi ang bilis mong mauto. Tatanga-tanga ka kas--"

Malakas na sampal ang binigay ko sa kanya at tinulak siya dahilan para halos mapahiga siya sa lupa. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata niya.

"Ang tapang-tapang mo kasi akala mo hindi kita lalabanan?" yumuko ako at mas sinamaan pa ang tingin sa kanya. "Grabe 'no? Proud na proud kang traydor ka. Proud ka na lahat ng nasa sa'yo ngayon, inagaw mo lang sa'kin. Sa ginagawa mo, masasabi kong mukha kang pera. Baka nga kapag tumagal, pati katawan mo ibenta mo na para lang sa pera."

Pagkatapos kong sabihin ang salitang yun ay nagulat nalang ako ng may palad na dumapo sa pisnge ko. Gulat akong napatingin sa taong sumampal sa'kin. Si Aya naman ngayon ay inaalalayan na patayo. 

"Tita Kris!" gulat din si Cara sa biglaang pag sampal sa'kin ni mommy.

Hindi ko inaasahan yun. Hindi ko inaasahan ang pag dating nila ni daddy. Saglit akong natulala habang nakatingin sa galit na mukha ni mommy. Natauhan nalang ako nang hilahin ako ni Cara paatras.

"Pumunta ng maayos si Aya dito tapos maaabutan nalang namin na minamaliit mo na siya?"

"Pumunta ng maayos?" mapait akong tumawa habang nakatingin sa mga magulang ko. "Narinig niyo ba talaga nang usapan namin sa simula pa lang? Narinig niyo ba talaga lahat nang sinabi ng traydor na 'yan sa'kin? Hindi naman, 'di ba?"

"Hindi na talaga kita kilala, Kyla."

Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi ni mommy. 

"Hindi naman bago yun sa'kin. Bakit niyo pa ba ako makikilala kung nakatuon sa anak ng iba ang atensyon niyo? Pinagpalit niyo ang sarili niyong anak sa hindi niyo naman kadugo at hindi niyo rin kilala. Sinasaktan at pinapahirapan niyo ako habang nagbubulag-bulagan kayo sa mga ginagawa ng babaeng 'yan!"

"Sa'yo naman na nanggaling, Kyla. Na ayaw mo na kaming maging magulang. Ikaw ang unang nag bitaw nang salita kaya hindi na namin kasalanan y--"

"Talaga po? Iba ka rin Aya, pati mga magulang ko naging makitid na rin ang utak kagaya mo. Ang galing mo talaga mag paikot ng tao." 

Nagulat sila sa sinabi ko pero at balak sana akong sampalin ulit pero agad na pinigilan yun ni Cara. 

"H'wag mo siyang pigilan, Cara. Malaya siyang sampalin ako dahil hindi naman na nila ako kinikilalang anak."

"Mawalang galang na po, tita Kris. Hindi naman po sa nanghihimasok ako sa problema niyo pero hindi na po kasi tama. Magulang po kayo ni Kyla, dapat po kayo ang mas nakakaintindi sa kanya. Nasaktan niyo po ang anak niyo. Nawalan po kayo ng oras sa kanya. Naibaling niyo po sa iba ang atensyon niyo. Nakalimutan niyo pong anak niyo siya dahil puro si Aya nalang ang inaalala niyo. Magulang po kayo, hindi niyo lang po obligasyon ang buhayin ang anak niyo. Obligasyon niyo rin pong intindihin sila at ang nararamdaman nila. Sana po bago niyo pag buhatan ng kamay si Kyla, inisip niyo muna kung gaano kasakit sa parte niya na pinagpalit siya sa anak ng iba at itinakwil siya ng sarili niyang mga magulang."

Hindi nakapag-salita si mommy at daddy dahil sa sinabi ni Cara. Parang gusto kong maiyak hindi dahil sa ginawa ni mommy sa'kin kung 'di dahil sa sinabi ni Cara sa mga magulang ko. Nag lakas loob siyang sabihin ang mga yun para sa'kin. Hindi niya inalalang puwede siyang madamay dahil gusto niya lang magising sa katotohanan ang mga magulang ko.

Saglit na katahimikan bago sila tuluyang umalis. Hinarap naman ako ni Cara at do'n lang tuluyang bumigay ang mga nagbabadya kong mga luha. 

"Shh, nandito lang ako para sa'yo." aniya at niyakap ako nang mahigpit.

Kung sino pa yung taong hindi ko masyadong nakakausap dati, siya pa yung laging handang makinig sa'kin. Kung sino pa yung hindi ko gaanong nakakasama, siya pa yung nananatili sa tabi ko. Sana pala si Cara nalang talaga ang pinagkatiwalaan ko ng sobra, baka sakaling hindi ganito ang kinalabasan ng lahat.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon