Kabanata 29

52.4K 1.6K 81
                                    


Bakasyon

"Mauna na kayo sa van, may kukunin lang kami sa loob ng bahay." si Mommy sabay sunod kay Daddy papasok ng bahay. 

Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa dala kong gamit. Ngayon ang punta namin sa bukidnon para mag bakasyon. Dahil marami kami, van na ang ginamit namin para sabay-sabay na.  Napatingin nalang ako kay Aya na ngayon ay inaayos ang gamit niya sa loob ng van gaya ng ginagawa nina kuya.

"Kyla, akin na ang gamit mo, ako na maglalagay niyan dito." si Kurt sabay lapit sa'kin.

Agad ko namang binigay sa kanya ang gamit ko at tiningnan silang lahat na ngayon ay abala sa paghahanda. Napatingin naman ako kay Dale na ngayon ay may kausap sa selpon. Hindi dapat siya sasama sa'min dahil nga may mga bata sa bahay niya, pero dahil nagawan naman ng paraan, e, makakasama siya sa'min ngayon.

Habang masaya ang lahat, ako naman 'tong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Ayaw ko kasi talagang pumunta sa bukidnon. Pakiramdam ko babangungutin na naman ako tungkol sa mga nangyari dati. At ang malala pa, baka makita ko ang dating kababata ko ro'n. 

Nang makabalik na sina Mommy at Daddy ay agad na kaming pumasok sa van para makaalis na. Magkasunod kaming pumasok ni Aya sa van, akala ko si kuya Calvin ang nasa tabi ng bintana pero natigilan nalang ako ng makita si Troy. 

"Kyla, umupo ka na." si Aya na nasa likuran ko ngayon. 

Tumikhim muna ako at umupo na sa tabi ni Troy. Ginawa ko lahat ng makakaya ko na iwasan siya nitong mga nakaraang buwan. Naging malamig din ang pakikitungo ko sa kanya at mas madalas ko siyang hindi pinapansin. Nang makaupo na si Aya sa kaliwa ko ay napatingin naman siya kay Troy na nasa kanan ko. Bigla nalang syang ngumiti kaya kunot ang noo ko siyang nilingon .

No'ng umiwas ako kay Troy, sila naman ni Aya ang napalapit sa isa't-isa. Hindi ko alam kung aksidente lang ba na naging close sila o baka sinadya na naman niyang makipag close kay Troy gaya ng ginagawa niya sa pamilya ko. 

Nakasimangot nalang akong sumandal sa upuan ko at pumikit habang nilalagay sa tainga ang earphones. Tahimik lang ako habang ang mga kasama ko naman, sobrang ingay at malilikot. Nasa bandang harapan kasi sina kuya habang ang iba naman ay sa likuran. Napapagitnaan kami kaya yung mga galaw nila ramdam namin. Nanatili akong nakapikit hanggang sa may naramdaman nalang ako sumandal sa balikat ko. Parang sinabayan tuloy ng kaba ko ang kantang pinapakinggan ko.

Gustong-gusto kong dumilat at makita si Troy na nakasandal sa balikat ko pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil ayaw kong mapansin yun ng iba pa naming kasama. Hindi rin tumagal ay bumigat ang ulo niya na nasa balikat ko, mukhang napahimbing na talaga ang tulog niya. Masakit na ang kanang balikat ko pero hindi ko pa rin inalis ang ulo niya. Hindi ko alam kung bakit basta ayaw kong maistorbo ang tulog niya. Baka kasi pagod siya at kailangan ng pahinga.

Isang oras na kami sa biyahe nang maramdaman ko ang pag angat ni Troy sa ulo niya. Sobrang nangangalay na ang balikat ko no'n pero nanatili pa rin akong nakapikit para isipin niya natutulog lang ako. Kanina inaantok naman talaga ako dahil kulang din ako sa tulog kakaisip kung paano ko siya lalayuan habang nasa bakasyon kami. Pero ngayon na alam kong katabi ko siya, hindi na talaga ako dinalaw ng antok.

Halos pigilan ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang kamay ni Troy sa ulo ko at dahan-dahan itong sinandal sa balikat niya. Nakapikit ako at hindi ko kita kung may nakapansin ba sa ginawa niya. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na nagtutulog-tulugan ako ngayon. Gusto ko sanang alisin ang ulo ko sa balikat niya pero isinandal niya naman sa ulo ko ang ulo niya. 

Anak ng tipaklong naman! Puwede bang makipag-palitan ako kay Aya ng upuan ngayon? Hindi ko nagugustuhan itong mga nangyayari. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. Para na naman akong aatakihin sa puso!

Parang tinawag ko na lahat ng santo ng maramdaman ko ang pag tigil ng sasakyan at ang pagiging malikot ulit ng mga kasama namin. Nag kunwari nalang ako bagong gising at tumingin-tingin sa paligid.

"Nandito na ba tayo?" tanong ko sabay kusot ng mata.

"Oo!" nakangiting sabi ni Aya at nauna nang lumabas sa van.

Hindi ko naman nilingon pa si Troy at sumunod na ako sa paglabas. Nasa harap ko na ngayon ang malaking bahay nina lola at lolo. Kumpara sa huling punta ko rito, mas gumanda ito ngayon. Napatingin naman ako sa paligid na ngayon ay mas dumami pa ang pananim ni lola. Mahilig kasi siya sa rosas, kaya kahit saan ka lumingon dito, mamamangha ka nalang sa sobrang lago ng mga bulaklak.

"Sofia! Apo ko!" 

Napatingin nalang ako kay lola na ngayon ay masayang lumabas ng bahay para salubungin ako ng yakap. Lumapit naman ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Lola, I miss you!" 

"Akala ko hindi ka na naman sasama sa pagpunta rito. Ang ganda-ganda talaga ng prinsesa namin." aniya at hinawakan ang mukha ko.

Lumapit naman si lolo sa'kin at hinalikan ako sa noo. Tahimik lang itong nakatingin sa amin ni lola na nag uusap habang ang mga kasama naman namin ay bumati na sa kanya.

"Ang gu-guwapo naman ng mga kasama niyo. Isa pa itong magandang 'to, siya ba yung kaibigan mo, Sofia?" si lola sabay tingin kay Aya.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Nag mano naman sila kay lola at lolo. Huling nag mano sa kanila si Troy pero nagulat nalang ako nang hawakan ni lola ang kamay ni Troy at tinitigan itong mabuti.

"Anong pangalan mo, hijo?"

"Ah, Troy po." 

"Pasensya ka na, may naaalala lang kasi ako sa'yo. Ang guwapo mo namang binata!" puri ni lola sa kanya.

Napatingin naman si Troy sa'kin kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nang makapasok na kami sa bahay ay agad namang tinuro ng mga kasambahay kung saan ang magiging kuwarto ng mga bisita. May sarili akong kuwarto rito gaya nina kuya Calvin at kuya Ryan. Habang ang mga bisita naman ay sa guest room. 

Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay hindi ko mapigilang malungkot dahil sa mga nangyari no'ng huli kong punta rito. Sobrang linis pa rin nito at halatang hindi pinapabayaan nina lola kahit ang tagal ko ng hindi pumupunta rito. Nilagay ko nalang ang mga gamit ko sa kama at nilibot ulit ang kuwarto.

Dumungaw ako sa may bintana at tiningnan ang magandang paligid. Hindi magkaka-dikit ang mga bahay rito. Hindi rin gaano karami ang mga bahay na malalaki dahil simple lang naman ang pamumuhay nila. Isa rin sa gusto ko rito yung sariwang hangin at kahit wala kang gamit na electric fan o airconditioner, malamig talaga lalo na kapag gabi.

Napatingin nalang ako sa duyang nakatali sa malaking puno ng mangga na nasa gilid lang ng bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nasisira. Dati palang ako na yung nag duduyan diyan habang yung kababata ko namang lalaki ang tumutulak sa'kin. Lagi yung nagpupunta rito para makipaglaro sa'kin, pero no'ng araw na iniwan niya ako sa gitna ng kakahuyan, yun yung araw na sobra akong nasaktan sa murag edad ko pa lang.

"Kyla, tara na sa sala. May meryendang hinanda ang lolo at lola mo." biglang sulpot ni Aya sa kuwarto ko.

Bumuntong hininga nalang ako bago tumango sa kanya at sumunod. 

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon