Kabanata 47

45.3K 1.4K 29
                                    


Trabaho

"Alam ba ni Troy na maghahanap ka ng trabaho ngayon?" si Cara habang sinusundan ako ng tingin.

"Hindi ko na sinabi. Mangungulit lang yun na samahan ako."

"Mas mabuti nga yun para makatipid ka sa pamasahe, ayaw mo pa naman magpasama sa'kin."

"Cara, ayaw ko naman makapurwisyo pa sa iba. Isa pa, may pupuntahan ka ngayon, 'di ba? Kaya ayos lang ako kahit mag-isa."

"Bakit kasi hindi mo na lang hintayin na mag bukas ang restaurant nina Art? Malapit na yun, hindi mo na kailangan mag hanap pa kasi tanggap ka na agad."

Napabuntong hininga na lang ako saka nilingon ang kaibigan. Ilang beses kong pinagisipan 'to. Kapag tinaggap ko ang trabahong inalok ni Art sa'kin, baka mailang lang ako lalo. Ngayon nga na sabay-sabay ko silang binasted, halos hindi na sila umimik sa harapan ko. Ano na lang kung makatrabaho ko pa ang isa sa kanila?

"Alam mo naman ang sitwasyon namin ngayon, 'di ba? Binasted ko siya, tapos hindi niya pa alam na kami na ni Troy. Mahihirapan ako kapag nakatrabaho ko siya, Cara. Masyado na ring marami ang naitulong nila sa'kin. Mas makakabuti na lang siguro kung ako na mismo hahanap ng trabaho ko."

"Oo na! Hindi na kita kukulitin tungkol sa bagay na 'to. Basta kapag wala ka pa ring nahanap, sabihan mo ako. Magtatanong ako sa mga kakilala ko para naman matulungan pa rin kita."

"Salamat, Cara."

"Dalian mo na riyan, mas maaga mas maganda."

Napangiti naman ako bago kinuha ang bag saka brown envelope na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa paghahanap ng trabaho. Nang makalabas na ako ng bahay ni Cara ay bigla namang tumunog ang selpon ko dahil sa isang tawag. Agad ko itong sinagot at itinapat sa tainga ko habang naglalakad para makahanap ng jeep.

"Good morning! Kumusta tulog mo?" bungad ni Troy sa'kin.

"Maayos naman. Ikaw?"

"Medyo puyat, may inasikaso lang ako kagabi. Kumain ka na ba?"

"Tapos na. Kumain ka na rin, kapag inantok ka, matulog ka na lang ulit."

"May gagawin ka ba ngayon? Parang nagmamadali ka ah."

"Ah, oo. Ibababa ko muna 'tong tawag, kailangan ko talaga kasing unahin 'to. Ako na mismo tatawag sa'yo mamaya pagkatapos ko rito. Kumain ka ha? I love you." 

Nang makakita ako ng jeep ay agad akong pumara saka binabaan nang tawag si Troy. Napabuntong hininga na lamang ako nang makasakay na ako sa jeep saka tiningnan ang hawak kong brown envelope. Sana talaga makahanap ako ng part time job ngayon, kahit janitress o waitress ayos lang sa akin. Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil wala ng ibang susuporta sa'kin.

"Goodmorning, ma'am! Ano pong order niyo?" tanong ng babaeng cashier na nilapitan ko.

Ito ang unang fast food chain na pinasukan ko. Dahil maaga pa naman, hindi pa gano'n karami ang mga customers. Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti sa babaeng nasa harapan ko.

"Hiring po ba kayo rito?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Kitang-kita ko naman ang gulat sa mga mata niya dahil sa tanong ko sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

"Ah, mag aapply ka po?" naguguluhan niya pa ring tanong.

"Oo sana. Kahit janitress o kaya waitress, ayos lang sa akin. Puwede ring dishwasher, yun nga lang hindi ako gano'n kabilis kumilos. Pero promise, sisipagan ko. Kailangan ko lang kasi talaga ng part time job ngayon."

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon