Kabanata 48

47.7K 1.3K 22
                                    


Away

Nang makauwi ako no'ng araw na 'yon, wala pa si cara sa bahay. Laking pasasalamat ko na rin na walang tao dahil baka iba pa ang maisip niya kapag nakita niyang hinatid ako ni Miko pauwi. Hindi ko rin sinabi kay Troy na nakahanap na ako ng trabaho no'ng tumawag siya. Baka kasi magreklamo na naman siya dahil bigla-bigla na lang akong nagdedesisyon ng hindi man lang siya kinakausap.

Sa tuwing inaaya niya naman akong lumabas at saktong may trabaho ako, nagpapalusot na lang ako na may gagawin kami ni Cara. Sasabihin ko naman sa kanyang may trabaho na ako e, pero hindi nga lang ngayon. Natatakot ako na baka sa oras na malaman niya, ihatid sundo niya pa ako sa restaurant. Ang wierd lang kaya no'n. Isang waitress hinahatid ng guwapong lalaki gamit ang mamahaling sasakyan.

"Ma'am, Sir, ito na po ang order niyo." nakangiting sabi ko habang nilalapag sa mesa nila ang pagkain.

Sa unang linggo ko sa trabaho, lagi akong nagkakamali. Lagi rin akong napapagalitan ni ma'am Cherie sa mga kapalpakan ko. Mabuti nga at hindi niya pa ako sinisisante e. Pero sa mga sumunod na linggo naman, naging maayos na. Kahit nakakapagod, kailangan kong kumita ng pera para hindi ako maging pabigat kay cara.

"Kyla, nasaan ka na ba? Nandito na ako sa campus." si Cara sa kabilang linya.

"Saglit lang, papunta na ako." sambit ko habang inaayos ang gamit ko.

"Sige, hintayin kita rito ah. Dalian mo riyan." aniya bago ako binabaan ng linya.

Nang matapos ako sa pagaayos ay agad akong naglakad palabas. Kayang-kaya namang lakarin mula rito papunta sa eskwelahan kaya hindi na nga kailangan pang sumakay ng jeep. Tatawid na sana ako sa kalsada nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. 

"Oy, Kyla! Saan ang punta mo?" si JB nang dumungaw ito sa bintana ng kotse niya.

"Ah, sa campus--"

"Sabay ka na sa'kin! Do'n din ang punta ko." nakangising sabi niya.

"Hindi na, JB. Puwede ko namang lakarin na la--"

"Hali ka na!" bigla siyang bumaba sa kotse niya para alalayan ako papunta sa passenger's seat.

"Per--"

"Wala ng pero-pero. Sumakay ka na at sabay na tayong pumunta sa campus."

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sumabay na lang sa kanya hanggang sa makarating kami sa campus. Marami ng mga studyante nang makarating kami. 'Yung iba tapos na sa pagpapaenroll at naglilibot na lang, ang iba naman ay hindi pa. 

Nang makababa na ako sa kotse ni JB, agad kong kinuha ang selpon ko para tawagan si Cara.

"Nandito na ako, nasaan ka ba?" bungad ko sa kanya.

"Nasa canteen kami ngayon. Dalian mo na, nandito sina Calvin at Ryan!"

"Okay." pagkatapos ibaba ang linya, nilingon ko naman si JB na nakatingin lang din sa'kin at naghihintay sa sasabihin ko. "Nasa canteen daw sila, kasama sina kuya."

Tumango naman siya sa'kin at nauna nang maglakad. Habang papunta kami sa canteen, pansin ko ang mga tingin sa amin ng ibang studyante. Siguro dahil yun kay JB, dati pa naman silang kilala sa campus kaya hindi nakakapagtaka.

Nang makapasok kami sa canteen, sinalubong agad ako ni Cara. Nakangiti pa siya habang nakahawak sa braso ko.

"Mabuti naman at hindi ka natagalan! Kanina pa kita pinagtatakpan sa kanila. Panay ang tanong nila kung nasaan ka, pasalamat ka na lang at magaling akong magpalusot." bulong niya sa'kin.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon