Kabanata 11

60.9K 1.8K 88
                                    


Text

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ng mga kapatid ko. Nagmamadali pa akong pumunta sa classroom dahil akala ko nakarating na rin si Miko pero wala. Akala ko nga late lang siya pero umabot nalang ang lunch time kahit anino niya hindi ko nakita.

"Kyla!" 

Napalingon nalang ako sa likuran ko ng marinig ko ang tawag ni Aya.

"Mag-isa ka yata? Nasaan si Miko?" tanong niya habang sinasabayan akong maglakad papunta sa canteen.

"Ah, hindi siya pumasok e." walang gana kong sagot.

"Hindi pumasok? Bakit?"

Napayuko nalang ako at malungkot na ngumiti sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Kahapon pa ako naghihintay na tumawag o kahit mag text man lang siya pero wala ni isa."

"Hala? Bakit naman kaya? Hindi mo ba pinuntahan sa kanila?"

Umiling ako sa kanya kaya naman pati siya ay napaisip din kung ano ang puwedeng dahilan kung bakit wala si Miko ngayon.

Nang makabili na kami ng kakainin namin ay agad naman kaming humanap ng mauupuan. Mabilis kumain si Aya pero ako halos hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko.

"H'wag ka na ngang malungkot diyan! Baka abala lang talaga si Miko kaya hindi nakapag text sa'yo o kahit tawag. Malay mo mamaya tumawag na yun sa'yo tapos mag explain." aniya

"Hindi lang kasi ako sanay. Kahit gaano kasi siya kaabala dati, hahanap pa rin siya ng paraan para makausap ako. Nitong nakaraang araw lang talaga nagsimula na parang lagi siyang busy at hindi nakakatawag."

"Sa tingin mo, anong dahilan?"

"Hindi ko rin alam, wala naman kasi akong alam tungkol sa mga nangyayari sa kanya."

"Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin nasasabi sa mga magulang niya na kayo na?"

"Oo e, lagi rin kasing wala ang Mama niya dahil may inaasikasong negosyo. Siguro sa pasko puwede na niya akong maipakilala. Dalawang buwan bago ang pasko, makakapaghintay naman ako."

Tumango-tango naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Bumuntong hininga naman ako at susubo na sana ng pagkain ko ng bigla may tumabi sa'kin at umakbay.

"Kyla!" si Peter at may malaking ngiti sa labi.

Kunot naman ang noo ko habang inaalis ang kamay niyang nakaakbay sa'kin. 

"Ano ba naman 'yan, Peter. Umalis ka nga, dikit ka nang dikit sa'kin." naiirita kong sabi at inusog na ang upuan ko para makalayo sa kanya.

Babaliwalain ko na sana siya ng mapansin kong nakatitig siya ngayon kay Aya. Nang tiningnan ko naman si Aya ay natataranta itong tumayo at kinuha ang mga gamit niya.

"Oh, Aya, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Ah, Kyla, may kailangan kasi akong gawin ngayon. Pasensya na ha, mauuna na ako. Kain ka lang diyan. Puntahan nalang kita sa classroom mo mamayang uwian." aniya at nagmamadaling umalis.

Napatingin naman ako kay Peter na ngayon ay tulala na. Bakit parang may kakaibang nangyayari rito? 

"Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang?" tanong ko kay Peter.

Nang matauhan na siya ay ngumiti ulit ito at tumango sa'kin.

"Oo naman!"

"Bakit parang  iba yung tingin mo sa kaibigan ko?"

"Ah, ngayon ko lang kasi siya nakita." aniya sabay iwas ng tingin.

"Ngayon lang? Sa bilis mong makabingwit ng mga babae, ngayon mo lang talaga napansin si Aya?"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon