Kabanata 23

55.2K 1.7K 31
                                    


Birthday

Tahimik ako sa biyahe namin papunta sa beach resort kung saan magcecelebrate ng birthday ang dalawa kong kapatid. Sila ang kasabay ko sa sasakyan habang si momy at daddy naman ay nasa isa pang sasakyan namin kasama si Aya.

Oo, kasama na naman si Aya. Wala namang kaso sa'kin yun, hindi ko lang alam kung bakit nando'n siya sa sasakyan ng mga magulang ko at ako nandito sa mga kapatid ko. 

"Napapadalas yata ang pag tahimik mo? Umiiwas ka rin lagi kina mommy. May problema ka ba?" si kuya Calvin.

"Wala lang ako sa mood, kuya." sambit ko at pumikit nalang para isipin niyang inaantok ako.

Biyernes ng gabi ngayon at bukas pa naman talaga ang birthday ng dalawa. Ngayong gabi lang talaga kami pupunta ro'n para mas lalong mapag handaan. Imbitado rin naman ang mga kaibigan nina kuya kaya siguradong maraming tao.

Malalim na ang gabi nang makarating kami ro'n. Handa na rin naman ang mga hotel rooms na gagamitin ng mga bisita kaya hindi na problema. Magkatabi lang ang kuwarto namin ni Aya at ng pamilya ko, habang ang mga bisita naman ay nasa ibabang palapag ng hotel. May mga kuwarto kasi sa ibabang palapag na puwede para sa lima hanggang walong tao kaya napagdesisyonan na ro'n nalang sila.

"Ang ganda pala talaga rito gaya nang sinabi ni tita." si Aya habang inaayos ang gamit niya. 

Magkatabi ang kama namin kaya gusto ko siyang iwasan. Hindi ko alam kung paano yun gagawin pero hindi kasi talaga ako nagiging komportable sa kanya ngayon. Parang bumibigat lang lalo ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.

"Alam mo ba, dati no'ng mayaman pa kami? Sa ganitong lugar din ako nagcecelebrate ng birthday ko. Binibigay lagi ng mga magulang ko ang kung ano mang gusto ko. Pero ngayon iba na talaga." malungkot niyang sabi.

Napatikhim nalang ako at tipid na ngumiti sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko. Ayaw kong magsalita kasi baka may hindi ako magandang masabi sa kanya.

"Tahimik ka na lagi ah? Ayos ka lang?" tanong niya sabay lapit sa'kin.

Agad namang akong tumayo at lumayo sa kanya.

"Ah, magpapahangin lang muna ako sa labas. Babalik din ako mamaya." sambit ko at agad na lumabas ng kuwarto. 

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan ang mga paa ko kung saan nila ako gustong dalhin. Habang naglalakad-lakad sa gilid ng dalampasigan ay may nakikita akong mga grupo ng kabataan na masayang nagkukwentuhan. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan lang. Ang saya siguro kapag gano'n, 'no? Hindi ko pa kasi nararanasan yung ganyan dahil nga palagi akong umiiwas sa kahit sino lalo na ngayon.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang malamig na hanging yumakap sa'kin. Hinarap ko ang dagat at tinitigan nalang ang repleksyon ng buwan dito. Ilang minuto akong nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa may napansin akong lalaki sa hindi kalayuan na gano'n din ang ginagawa, nakatayo sa harap ng dagat na para bang malalim ang iniisip.

Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil hindi naman gaanong maliwanag sa lugar kung saan kami nakatayo ngayon. Tinitigan ko lang siya ng mabuti hanggang sa bigla nalang itong lumingon sa akin. Agad akong kinabahan ng makilala ko kung sino ang lalaking yun.

Pagkatapos niya kaming makita ni Dale no'ng nakaraang araw, iniwasan niya na ako. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing nagkakasalubong kami sa eskwelahan ay humahanap siya agad ng puwedeng pag likuan. Kapag naman pumupunta sa bahay ang grupo nila, siya ang laging wala. Siguro nga sinasadya niya talagang umiwas sa'kin pero hindi ko naman alam kung bakit.

Kahit na kabado ay nag lakas loob akong lapitan siya. Napansin niya yun kaya naman aalis na sana siya ulit pero agad ko siyang hinarangan.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong ko sa kanya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon