Kabanata 24

54.2K 1.6K 87
                                    


Adobo

Napabuntong hininga nalang ako ng makitang wala ng laman ang bote ng alak na iniinom ko kanina pa. Nasa gilid na naman ako ng dalampasigan ngayon at mag isang umiinom. Malalim na ang gabi kaya naman wala ng masyadong tao sa lugar kung nasaan ako. 

Nilagay ko nalang sa gilid ang bote at tinitigang mabuti ang maliwanag na buwan sa harapan ko. Napapikit nalang ako maabot ng tubig dagat ang paa ko dahil sa maliliit na alon. Nang dumilat ako ulit ay malungkot nalang akong ngumiti habang nakatingin sa repleksyon ng buwan sa karagatan.

Pangalawang gabi namin dito pero magisa pa rin ako. Walang kausap at laging nakatambay sa dalampasigan. Sinubukan ko namang makisali sa kasiyahan kanina, pero para lang akong tanga na nakikisali sa kanila. Kapag nagkakaroon naman ako ng pakakataon na makausap ang mga pinsan at iba pa naming kamaganak, laging naaagaw ni Aya ang atensyon nila.

Gustong-gusto kong sumabog sa inis kanina habang nakatayo lang sa gilid at pinapanood silang nagkakatuwaan. Kahit si mommy at daddy hindi man lang ako naalala. Hindi ko naman puwedeng istorbohin ang mga kapatid ko dahil nagkakatuwaan din naman sila ng mga kaibigan niya. Para akong nakikisingit kahit ako naman yung kapamilya nila.

Dahil nga sa wala akong makausap do'n ay uminom nalang akong magisa at dito nalang tumambay para mabawasan naman yung bigat na nararamdaman ko. Ayaw kong umiyak nalang nang umiyak dahil sa kanila. Kahit naman maubos pa yung luha ko kakaiyak wala namang mangyayari.

Kahit na nakakaramdam na ako ng pagkahilo at hindi na nakakapag-lakad ng maayos at lumapit pa rin ako sa dagat at ibinabad ang kalahati ng katawaan ko ro'n. Malamig pero mas gusto kong ganito dahil para makapakalma ko lalo ang sarili ko.

Habang binabasa ko ang sarili ko ay may nahagip ang mata kong isang babae at isang lalaki sa hindi kalayuan na magkayakap at nakatingin din sa buwan. Natigilan nalang ako dahil may naaalala ako dahil sa kanila. 

Kumusta kaya siya? Masaya kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa nila ni Leika? Nasaktan niya ako pero hindi naman maiiwasang mangulila sa kanya. Kahit papaano may pinagsamahan kami. Sabihin man nating kasinungalingan lahat ng 'yon, pero sumaya pa rin ako sa kanya. Malungkot akong ngumiti at iniwas nalang ang tingin ko sa dalawang taong yun.

Huminga ako ng malalim at lumakad papunta sa mas malalim na parte ng dagat. Yakap-yakap na ng malamig na tubig ang buong katawan ko, niyakap ko nalang ang sarili ko at nag ipon ng hangin bago pumikit at inilubog ng tuluyan ang sarili sa dagat.

Nang dumilat ako ay kitang-kita ko ngayon kung gaano kaganda ang buwan habang nasa ilalim ako ng tubig. Hindi pa ako nakakatagal do'n ay bigla nalang akong nakaramdam ng hawak sa baywang ko at hinila ako. Dahil sa gulat, ang kaninang pagpipigil ko ng hininga ay natigil kaya pumasok sa ilong at bibig ko ang tubig. Ang taong humila naman sa'kin ay inihaon ako sa dagat.

Patuloy pa rin ako sa pag ubo habang nanghihinang nakaluhod sa buhangin ngayon dahil sa sakit ng lalamunan at ilong ko. Hinahabol ko pa ang hininga ko nang tumingala ako at masamang nakatingin sa taong humila sa'kin. Dahil yata sa nangyari, e, panandaliang nawala ang epekto ng alak sa'kin.

"Ano bang problema mo?" galit na nakatingin sa'kin ngayon si Troy.

"Ako dapat ang mag tanong sa'yo niyan!" sigaw ko at naubo ulit. Pinilit kong tumayo at kunot noong nakatingin sa kanya. "Ano bang problema mo? Balak mo ba talagang painumin ako ng tubig dagat?"

"Niligtas lang kita!"

"Niligtas saan? Nananahimik lang ako ro'n, oh! Pinapakalma ko lang ang sarili ko tapos bigla-bigla kang manghihila!"

"Pinapakalma?"

"Oo, pinapakalma ko lang ang sarili ko. Tapos bigla ka nalang nanghihila kaya tuloy napainom at napasukan ng tubig yung ilong ko!"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon