Kabanata 59

52.8K 1.3K 139
                                    


Hiwalay

"Ibig sabihin ba nito, iiwan mo na talaga si Troy?" si Cara na nasa kabilang linya.

"Ito lang ang naiisip kong solusyon, Cara. Ang hirap makitang na sa loob siya ng kulungan. May mga pasa at walang ibang magawa. Kasalanan ko naman kung bakit siya humantong sa gano'n e. At tama si Aya, ako rin mismo ang bibitaw kapag nakita ko si Troy na na sa gano'ng sitwasyon." umiiyak kong sabi.

Na sa kuwarto ako ngayon at kausap si Cara sa selpon. 

"Sabihin na nating nakalaya nga si Troy, pero hindi mo ba inaalala ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang iiwan mo na siya? Wala ka bang balak mag palaaman man lang? Kyla, kung ako si Troy, sobrang masasaktan ako sa desisyon mo. Pinaglaban kita e, mahal kita at kaya kong isakripisyo lahat para lang makasama ka tapos biglang isusuko mo siya? Iiwan mo siya sa ere na parang wala lang?"

"Cara, hindi mo naiintindiha--"

"Naiintindihan ko, Kyla! Na sa mahirap na sitwasyon ka. Kailangan mong piliin kung anong mas makabubuti. Pero magpaalam ka naman kay Troy. Ipaintindi mo naman sa kanya ang desisyon mo. Hindi 'yong aalis ka na lang ng hindi man lang siya kinakausap."

"Hindi ko siya kayang harapin, Cara! Sobrang nahihiya ako sa kanya. Hindi naman mangyayari lahat ng 'to sa kanya kung hindi dahil sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Pinanghihinaan ako ng loob." 

"Hindi ko rin alam kung paano mo 'to gagawin, pero kailangan mo siyang kausapin. Kahit mag paalam ka lang, Kyla."

Napabuntong na lang ako dahil sa mga sinabi ni Cara bago tinapos ang tawagan namin. Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'to o kung kaya ko bang gawin. Bukas na agad ang alis ko papuntang Spain. Nakalaya na rin si Troy kahapon pagkatapos kong kausapin sina Mommy. 

Napatingin na lang ulit ako sa singsing na na sa daliri ko. Kahapon ko pa 'to tinitignan e. Gusto ko na nga lang hilingin na sana panaginip na lang lahat ng 'to. Na sana magising na ako sa bangungot na 'to kasi sobrang sakit na. 

"Kapag ba iniwan ko si Troy ngayon, puwede pang mag tagpo ang mga landas namin sa hinaharap? Kapag ba umalis ako, may babalikan pa ako? Tutuparin niya ba 'yong pangako niyang ako lang ang mamahalin niya? Na ako lang ang pakakasalan niya?"

Kahit para akong tanga na kinakausap ang singsing sa daliri ko, wala akong pakialam. Gusto kong ilabas lahat ng tumatakbo sa isip ko. 

"Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na siyang makausap. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya." humihikbi kong sabi.

"Kung gusto mo siyang kausapin, hali ka na, sasamhan na kita papunta sa kanya."

Gulat akong napalingon sa bandang pintuan ng kuwarto ko. Nakatayo ro'n si kuya Ryan habang seryosong nakatingin sa'kin. Ni hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala siya.

"Kuya..."

"Bilisan mo na bago pa mag bago ang isip ko." 

"Pero kas---"

"Gusto mo ba siyang makausap o hindi?"

"G-Gusto ko pero kas--"

"Kung gusto mo pala, edi tara na. Ang bagal mo masyado. Iiyak-iyak ka pa, pumapangit ka lalo." masungit niyang sabi at nauna nang lumabas.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o mas lalong maiiyak dahil sa kanya. Kahit nanginginig ang buong katawan ko, tumayo ako at sumunod sa kanya. Parang kanina lang sinasabi ko kay Cara na hindi ko kayang harapin si Troy, tapos ngayon papunta na pala ako sa kanya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon