Kabanata 58

47.3K 1.3K 38
                                    


Desisyon

"Ma'am, sigurado po ba kayong dito lang kayo?" tanong ng driver sa'kin.

Tumango ako sa kanya at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. Dito ako nag pahatid sa eskwelahan. Hindi pa kasi tapos ang klase ni Cara at kailangan ko muna siyang hintayin bago kami makapunta sa prisinto kung nasaan si Troy.

Pagkatapos kong mag pasalamat sa driver nina lola Ressa, nag lakad na ako para makapasok sa campus. Oras pa naman ng klase pero may mga estudyanteng nasa labas na ng mga classrooms nila at nakatambay na lang sa field. Habang naglalakad ako papunta sa classroom ni Cara, pansin ko ang mga tingin sa'kin ng ibang estudyante. 

"Bakit siya nandito?"

"Kinidnap ba talaga siya? Bakit mukhang wala namang nangyari sa kanya?"

"Hindi ba siya 'yong dahilan kung bakit dinukot ng mga pulis si Troy kahapon dito?"

"Akala ko ba girlfriend siya ni Troy? Bakit pinakulong si Troy ng mga magulang niya?"

"Totoo kayang buntis siya at nag tanan sila pero inakalang kinidnap siya ni Troy?"

"Balita ko hindi naman talaga siya buntis at hindi naman talaga sila nag tanan ni Troy. Pinalabas niya lang 'yon dahil nagsasawa na si Troy sa kanya at balak siyang ipagpalit kay Aya."

"Nakakaawa naman si Troy, mukhang wala naman siyang ginagawang masama pero bakit siya kinulong?"

Kinuyom ko na lang ang kamay ko dahil sa mga naririnig ko sa kanila. Gusto ko silang patulan. Gusto kong itama ang mga sabi-sabi na kinakalat nila, pero wala na akong oras para gawin 'yon. Hindi naman sila mahalaga para bigyan ko ng oras. Mas kailangan kong puntahan si Cara ngayon para masamahan niya ako papunta kay Troy.

Binilisan ko na lang ang lakad ko para maiwasang marinig ang mga sinasabi nila. Nasa hallway na ako ng bigla ko na lang makasalubong si Aya. Kitang-kita sa mga mata niya ang gulat nang makita ako pero agad din 'yong nag laho. Tumigil siya sa paglalakad pero nagpatuloy lang ako. Lalagpasan ko na sana siya nang magsalita siya.

"Tama pala ang hinala ko na saka ka lang magpapakita ulit kapag may nangyari na kay Troy." 

Natigilan ako dahil do'n.

"Bakit hinintay mo pang makulong siya para bumalik ka rito, Kyla? Gusto mo ba talaga siyang pahirapan sa kulungan?"

Matalim ang tingin ko nang lingunin ko siya. Nakatingin na rin siya sa'kin ngayon habang nakangisi. 

"Siguro kung ako si Troy, pinagsisisihan ko nang minahal kita. Pinagsisisihan kong sumama ako sa'yo dahil kulungan din pala ang bagsak ko. Hindi ka kasi nag iisip, Kyla. Kung sana pumunta ka na lang sa Spain at iniwan si Troy dito, hindi na niya kailangan pang makulong. Kasalanan mo lahat ng 'to. Ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan si Troy ngayon sa kulungan!"

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinantayan ang galit niyang tingin sa'kin.

"Bakit? Ikaw naman ang dahilan ng lahat ng 'to, 'di ba? Kung hindi ka pumasok sa buhay ko, hindi magiging magulo ang lahat. Hindi masisira ang pamilya ko at hindi ako mapupunta sa sitwasyon na 'to! Akala mo hindi ko alam na ikaw ang nag sabi sa mga magulang ko na papuntahin ako sa Spain? Na iwan ko si Troy?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Nananalantay na talaga sa dugo mo ang pagiging desperada at mangaagaw. Gagawin mo talaga ang lahat para makuha ang mga bagay na hindi naman sa'yo. Handa kang sirain ang buhay ng iba para maging masaya ka."

"Akin naman kasi talaga dapat si Troy. Ako ang una niyang naging ka-close. Ako ang lagi niyang kasama dati. Mahalaga ako sa kanya pero dahil malandi ka, napunta na sa'yo lahat ng atensyon niya! Sa tingin mo ba inuto ko ang mga magulang mo dahil gusto ko lang? Ginawa ko 'yon para masira ka. Para maagaaw lahat sa'yo at maisip ni Troy na wala ka ng kuwenta! Ginawa ko lahat para mawala sa'yo ang pamilya mo at si Miko kasi gusto kong magdusa ka. Gusto kong malugmok ka at mawala sa'yo lahat. Pero dahil magaling ka pag dating sa pagiging malandi, inakit mo pa rin si Troy. Hindi ka pa rin nadadala!"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon