Kabanata 56

45.7K 1.3K 35
                                    


Simple

Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi muna ako bumangon agad at niyakap muna saglit ang unan na nasa tabi ko saka pumikit ulit. Narinig ko ang pag bukas ng pinto ngunit nanatili pa rin ako sa posisyon ko.

"Good morning, sunshine." 

Naramdaman ko na lang ang halik ni Troy sa pisnge ko. Napangiti na lang ako bago dumilat.

"Good morning." 

"Bumangon ka na, nakapag-luto na ako ng umagahan." 

Tumango ako sa kanya at bumangon na bago nag unat-unat. 

"Nakabili na rin pala ako ng mga kakailanganin mo. Hinanda ko na rin 'yong t-shirt saka shorts na susuotin mo kapag nakaligo ka na."

"Napaka-maalaga mo ah?" natatawa kong sabi at inayos na ang kama.

"Hindi ka pa ba nasanay?" 

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako mula sa likuran. 

"Aalagaan kita palagi, tandaan mo 'yan. Isa pa, kailangan kong pagsilbihan ang future wife ko para siguradong ako lang ang mamahalin mo."

Ngumiti naman ako lalo saka siya hinarap. 

"Ikaw lang naman talaga ang mamahalin ko. Pangako 'yan." sambit ko at hinawakan ang pisnge niya.

"I love you."

Napapikit na lang ako nang idikit niya ang noo niya sa noo ko.

"I love you too."

Ito na yata ang umagang palagi kong maaalala. Umagang siya ang bumungad sa'kin. Umagang pareho naming sinasabi sa isa't isa ang mga nararamdaman namin. Umagang masasabi kong perpekto para sa dalawang taong dati naman ay hindi magkasundo.

Ni hindi ko nga napansin na hindi ko pala maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Para bang buo na agad ang araw ko basta nandiyan siya. Randam ko na agad kung gaano ako magiging masaya kasama siya.

"Uuwi ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng umagahan.

"Uuwi saan?"

"Sa bahay mo."

"Ito na ang bahay ko." kunot noo na siyang nakatingin sa'kin ngayon.

"Hindi kasi dito. Sa siyudad kasi ang tinutukoy ko."

"Babalik ka na ba sa inyo kaya mo ako tinatanong kung uuwi ako mamaya?"

"Hindi pa ako uuwi sa amin. Tinatanong ko lang kung uuwi ka sa bahay mo mamaya kasi lunes na bukas. May pasok ka, 'di ba?" 

"Hindi muna ako papasok bukas."

"Bakit naman?"

"Hindi kita puwedeng iwan dito ng walang kasama."

Napabuntong hininga na lang ako at uminom muna ng tubig bago nag salita ulit.

"Hindi mo puwedeng pabayaan ang pag-aaral mo dahil lang sa'kin. Mas mahalaga 'yon lalo na at huling taon mo na ngayon sa kolehiyo. Kailangan mong umuwi para hindi ka mahuli sa klase mo bukas."

"May pasok ka rin naman ah? Kung uuwi ako, sasama ka sa'kin. Pareho tayong papasok sa klase."

"Iba naman kasi ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo. Kaya ako hindi papasok kasi gusto ko munang lumayo saglit sa lahat. Gusto ko munang kalimutan ang problema. Gusto ko muna rito. Pero ikaw, nandito ka lang naman dahil sa'kin. Wala kang ibang dahilan para hindi pumasok bukas. Kaya sa ayaw o gusto mo, uuwi ka mamaya para hindi ka mahuli sa klase mo bukas, okay?"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon