Kabanata 2

91.8K 2.6K 151
                                    


Ngiti

Abala ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kakilala nila habang ako naman ay naiwan sa lamesa namin. Hindi ko alam kung naaalala pa ba ako ng mga kapatid ko dahil biglaan nalang silang umalis at nakipag-kuwentuhan sa iba nilang kakilala. 

Marami na ang bisita nang mag alas sais na ng gabi. Natagpuan naman ng mga mata ko si Miko na nakatayo sa hindi kalayuan at may kausap na mga babae. Nanliit naman ang mga mata ko ng mapansin kong pasimpleng hinahawakan ng isa ang braso ni Miko.

"Sa dami ng lalaki rito siya pa talaga ang binabalak mong harutin?" mahina kong sabi.

"Bakit kasi hindi mo unahan." si Cara at biglang tumabi sa'kin.

"Ang tagal mo naman dumating." reklamo ko.

"Alam mo, kung babagal-bagal ka sa pag harot kay Miko, baka maunahan ka pa ng ibang babae. Alam mo namang habulin ng babae 'yang crush mo."

"Ayaw ko namang isipin niyang desprerada ako."

"Hindi ba?" aniya sabay tawa.

Inirapan ko nalang siya sabay inom ng juice ko.

"Hindi lang naman si Miko ang guwapo sa campus, 'di ba? Tignan mo 'yang mga kaibigan ng mga kapatid mo. Walong lalaki ang puwede mong pagpilian, sila nalang kaya?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Cara? Mga kapatid ko nga sakit na sa ulo, 'yang mga kaibigan niya pa kaya? Ayaw kong madamay sa mga gulong pinapasok nila, masyado akong maganda para mastress sa mga pangit na 'yon."

"Pangit? Naririnig mo rin ba ang sarili mo, Kyla? Kung si Miko na simple lang, hinahabol na ng mga babae. Ano nalang ang grupo ng mga kuya mo? Lalo na si Troy? Kahit saan mo 'yan ilagay, may aaligid na babae! Kagabi nga kasama 'yan ng mga kapatid mo, may mga babaeng nagpapapansin sa kanya pero binabalewala niya lang."

"Puwede ba, Cara? Wala akong interest sa mga 'yon. Kahit maubos pa lahat ng lalaki sa mundo, hinding-hindi ako papatol sa kahit isa sa kanila, lalo na riyan sa Troy na tinatawag mong guwapo kahit hindi naman."

"O sige, sabi mo e. Basta ako? Sigurado akong isa sa kanila ang magiging boyfriend ko." aniya at ngumiti sa'kin.

"Ewan ko talaga sa'yo." 

"Kyla," biglang sulpot ni kuya Ryan.

"Hello, Ryan!" masiglang bati naman ni Cara sa kanya.

Hindi siya pinansin ng kapatid ko kaya naman nagsalita nalang ako at hinarap ito.

"Bakit?"

"Nakita mo ba ang selpon ko?" aniya habang tinitingnan ang ilalim ng mesa.

"Hindi, wala naman akong pakialam sa gamit mo e."

"Pahiram na nga lang ng selpon mo." 

"Ayaw ko nga. Kay kuya Calvin nalang hiramin mo."

"Hindi ko nga siya mahanap, ewan ko ba kung saang lupalop na naman ng mundo napunta ang isang 'yon. Kahit sa kotse e wala ang selpon ko, baka naiwan ko sa bahay."

"Hindi ko kasalanan kung naiwan mo sa bahay ang selpon mo, basta hindi ako magpapahiram." sabay irap ko sa kanya.

"Magpapahiram ka o sasabihin ko kay Mommy na nagpumilit kang sumama rito?" aniya at inilahad ang kamay niya sa'kin.

"Puwede ko namang ipakita kay Mommy yung pictures niyo kagabi na umiinom para makaligtas ako."

"Hindi ka makakaligtas, papagalitan ka pa rin kasi nagpumilit kang sumama sa amin kahit alam mong hindi ka papayagan. Kaya pumili ka, magpapahiram ka o malalagot ka mamaya?" aniya sabay ngisi.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon