Kabanata 12

59.3K 1.8K 43
                                    


Private

"Babe, bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Hindi ka rin nagrereply sa'kin. Galit ka ba?" si Miko habang sinusundan ako.

Hindi naman ako nagsalita at mas binilisan pa ang lakad ko.

"Kyla, mag usap naman tayo." hinuli niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.

Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya at hindi pa rin nag salita. Kakauwi lang niya ngayong araw at hindi ko yun alam. Gaya ng sabi niya, hindi ko sinasagot ang mga tawag niya simula no'ng nalaman kong nasa Cebu sila. Kahit ang mga text niya hindi ko rin pinapansin. 

Siguro nagmumukha akong isip bata, pero hindi naman kasi gano'n kadali yun. Wala akong kaalam-alam na umalis pala siya, ni hindi niya naman sinabi kung anong klaseng emergency ang nangyari kaya biglaan silang pumunta ro'n.

"Sorry na, alam kong masama ang loob mo sa'kin. Ano bang gusto mong gawin ko para magka-bati na tayo?"

"Wala." malamig kong sabi.

"Babe, sorry na, okay? Babawi ako sa'yo--"

"Miko, masama ang loob ko kasi hindi ko alam ang mga nangyayari sa buhay mo. Sa sobrang pag aalala ko kinailangan pa naming pumunta ni Aya sa bahay niyo at mag kunwaring may project tayong gagawin kasi hindi ko naman magawang ipakilala ang sarili ko bilang girlfriend mo."

Hindi na siya nakapag-salita pa ngayon kaya naman huminga muna ako ng malalim dahil nagsisimula na namang bumigat ang pakiramdam ko.

"Hindi naman ako nagrereklamo dahil hindi mo pa ako magawang ipakilala sa mga magulang mo. Ang hirap lang na parang wala akong alam tungkol sa'yo. Sa tuwing hindi ka nakakatawag o nakakapag text sa'kin iniisip ko nalang na baka marami kang ginagawa. Tapos ngayon halos isang linggo kang wala, hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari sa'yo at sa pamilya mo. Hindi ko alam kung paano kita ico-comfort kasi wala talaga akong alam." hindi ko na napigilan pa ang umiyak sa harapan niya.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at umatras palayo sa kanya. Nakayuko naman siya sa harapan ko at tahimik pa rin.

"Hayaan mo nalang muna na mawala yung sama ng loob ko bago tayo mag usap." sambit ko at babawiin na sana sa kanya ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak dito.

"Sorry, Kyla. Hindi ko rin kasi alam kung saan ako magsisimula. Magulo pa sa ngayon. Ang dami ko pang kailangan ayusin bago kita maipakilala sa kanila."

"Kaya kong mag hintay kung kailan mo ako ipapakilala sa kanila. Pero hindi ibig sabihin no'n ayos lang na parang sarado yung pinto mo para sa'kin. Na para bang ayaw mo akong papasukin sa buhay mo. Na wala akong alam na kahit ano tungkol sa'yo. Pa'no kapag nasa punto ka ng buhay mo na gusto mo ng sumuko? Anong magagawa ko kung wala akong alam? Tutunganga lang ako? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo, wala akong alam, Miko. At yun ang hindi ayos sa'kin kasi nandito ako para damayan ka pero ayaw mo."

Binawi ko na agad ang kamay ko sa kanya at aalis na sana ng makasalubong ko ang Papa niya.

"Ms. Delos Reyes, magkasama pala kayo ng anak ko." aniya sabay tingin kay Miko na nasa likuran ko ngayon.

"Goodmorning po, sir Laviero."

"Goodmorning." aniya sabay ngiti sa'kin. Bumalik naman ang atensyon niya kay Miko saka nagsalita. "Miko, nandito ang Mama mo. Gusto ka raw niyang makausap."

"Pa, puwede po bang mamaya na? Susunod nalang po ako--"

"Importante ba ang pina-uusapan niyo ni Ms. Delos Reyes? Tungkol ba sa project niyo?" makahulugang tumingin sa'kin ang Papa ni Miko kaya naman mas lalo akong kinabahan.

"Hindi po, Pa. Pinag-uusapan po namin yung tungkol sa'min." 

Napatingin naman ako kay Miko dahil sa gulat. Napabalik lang ang tingin ko sa Papa niya nang magsalita ulit ito.

"Tungkol sa inyo? Ano bang mayro'n sa inyong dalawa?"

"Wala po. Wala pong kung anong mayro'n sa'min ni Miko. May tinatanong lang po talaga ako sa kanya pero hindi naman po yun mahalaga. Sige po, mauna na po ako." walang preno kong sabi at agad na umalis doon.

Nang tuluyan na akong makalayo ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Humigpit din ang hawak ko sa mga librong dala habang inaalala ang pag-uusap namin kanina. Lunch break pa pero wala naman akong ganang kumain kaya dumiretso nalang ako sa lugar kung saan walang makakakita sa'kin.

Nang makarating ako sa likod ng campus ay umupo nalang ako agad sa damuhan at doon tahimik na umiyak. Ang bigat ng pakiramdam ko, araw-araw hindi ko maintindihan yung sarili ko. 

Bakit kaya ganito yung epekto nito sa'kin? Hindi lang naman siya nakapag-paalam sa'kin, hindi niya lang nasabi sa'kin yung mga nangyayari sa buhay niya  pero parang ang lala ng dulot no'n sa'kin.

Gusto ko siyang intindihin, gusto ko siyang patawarin agad, pero may parte sa'kin na ayaw ko muna. Na gusto ko munang maintindihan niya kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko munang hayaan niya akong pumasok sa buhay niya.

Kahit paunti-unti lang. Gusto kong mas makilala siya, gusto ko may alam ako tungkol sa kanya. Gano'n ba ka pribado ang buhay niya na pati ako hindi puwedeng malaman ang kung ano mang nangyayari sa kanya?

"Bakit kasi pumayag kang private relationship ang inyo, ayan tuloy umiiyak ka." 

Napakunot nalang ang noo ko ng may biglang nag abot sa'kin ng panyo at nagsalita. Nang iangat ko ang tingin ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni Troy.

"Anong ginagawa mo rito?" 

"Napadaan ako rito, tapos nakita kita." aniya at hinagis sa'kin ang panyo niya. "Punasan mo 'yang mga luha mo, hindi bagay sa'yo ang umiyak."

"Hindi ko kailangan ang panyo mo--"

"Nagmamatigas ka pa talaga." bigla siyang lumuhod sa harapan ko at kinuha ang panyo niya saka pinunasan ang mga luha sa pisnge ko.

Hindi na ako nakagalaw pa dahil sa ginawa niya at tinitigan na lamang ang mukha niya. Kunot ang noo niya habang tahimik na ginagawa 'yon. Nang matapos niya ng punasan ang pisnge ko ay tinitigan niya naman ako pabalik.

"Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Dapat ba may rason?" aniya sabay upo sa tabi ko.

"Hindi ka dapat mabait sa'kin. Dapat nga natutuwa ka kasi umiiyak ako. Pero bakit iba ang ginagawa mo ngayon?"

"Kapatid ka ng mga kaibigan ko. Parang kapatid na rin ang tingin ko sa'yo. Binubwesit lang naman kita dahil nakakatuwa kang tingnan. Pero hindi ibig sabihin no'n matutuwa na ako kapag nasasaktan ka." aniya

Hindi na ako nagsalita pa at pareho na kaming tahimik ngayon. Sumandal naman ako sa katawan ng punong nasa likuran namin at pumikit. Kumpara kanina mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa tahimik na paligid at dahil na rin siguro sa may kasama ako rito.

Tumagal kami roon ng ilan pang minuto bago ako nagdesisyon na umalis na dahil may pasok pa ako. Nang tumayo na ako ay tumayo na rin siya.

"H'wag mo sanang sabihin sa mga kapatid ko ang nakita mo ngayon. Ayaw kong gumawa na naman ng kung ano ang mga yun dahil sa'kin."

"Hindi ko sasabihin sa kanilang umiyak ka dahil kay Miko, pero sana h'wag na 'tong maulit."

Tipid nalang akong ngumiti sa kanya at umalis na ro'n.



Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon