Kabanata 15

58.1K 1.7K 49
                                    


Anniversary

Ginawa nga ni Miko ang pangako niya sa'kin. Bumawi siya sa'kin at araw-araw niyang pinaparamdam yung pagmamahal niya. Kapag naman may mahahalaga siyang ginagawa at hindi siya nagkakaroon ng oras para tawagan o itext ako ay si Leika nalang ang tinatanong ko. Alam ko kasing mas may alam siya kaya naman siya nalang ang inaasahan kong makakasagot sa mga tanong ko.

"Kaano-ano ba ni Miko yung babaeng laging pumupunta rito kasama Mama niya?" tanong ni Aya.

Nasa library kami ngayon ni Aya at Kurt dahil si Miko pinatawag ulit ng Papa niya. Napatingin naman ako kay Aya na interesado talagang malaman ang mga nangyayari sa'min ngayon.

"Kababata niya, si Leika."

"Alam mo maganda siya." 

"Sakto lang." singit naman ni Kurt na abala sa pagbabasa ngayon.

"Anong sakto? Sobrang ganda kaya! Ang ganda ng purmahan, halatang mayaman." 

"Palibhasa kasi galing sa ukay-ukay 'yang damit mo." 

"Ukay-ukay? Hindi 'no! Sadyang binenta ko lang ang mga mamahalin kong gamit para may pang gastos ako." bulong ni Aya na hindi namin masyadong narinig.

"Ano?" naguguluhang tanong ni Kurt sa kanya.

"Wala! Magbasa ka na nga lang diyan, nakikisingit ka pa talaga e."

"Tumigil nga kayong dalawa, baka kayo pa magkatuluyan niyan." makahulugan akong tumingin sa kanila.

"Pandirian ka nga sa sinasabi mo, Kyla! May iba akong gusto." si Aya sabay irap kay Kurt.

"May iba rin akong gusto kaya h'wag kang umasa."

"Hindi ako umaasa!"

Bago pa makasagot si Kurt sa sinabi ni Aya ay agad ko ng tinakpan ang bibig nilang dalawa.

"Tumahimik na nga kayo, baka mapagalitan pa tayo dahil sa kaingayan niyong dalawa."

"Siya kasi e." matalim na nakatingin ngayon si Aya kay Kurt.

"Pero maiba tayo. Sabi mo kababata siya ni Miko, 'di ba?" seryosong nakatingin ngayon si Kurt sa'kin.

"Oo, bakit?"

"Bakit kakaiba ang trato ng mga magulang ni Miko sa kanya? Ibig kong sabihin, bakit parang sobrang iniingatan nila ang Leika na yun? Lagi pa nilang dinadala rito at pinapasama kay Miko."

"Oo nga, akala tuloy ng ibang estudyante hiwalay na kayo ni Miko at si Leika na ang bagong girlfriend niya."

"Hindi ko alam. Baka anak lang talaga ang turing nila kay Leika lalo na dahil nagiisang anak lang naman si Miko. At isa pa, kahit ano namang isipin ng iba wala naman silang alam e. Bumabase lang sila sa kung anong nakikita nila."

"Sabagay, tama ka nga naman." si Aya habang tumatango-tango pa.

Pero dahil sa usapang yun ay hindi ko rin maiwasang isipin kung bakit nga ba? Bakit iba ang trato nila kay Leika? Bakit lagi nilang pinapasama kay Miko si Leika? Gustong-gusto ng mga magulang ni Miko na mas mapalapit silang dalawa sa isa't-isa sa puntong sa lahat din nang lakad namin ni Miko, kailangan nando'n si Leika para hindi kami mahalata.

Para lang mabigyan kami ng oras ni Miko na magkasama na kaming dalawa lang, dumidistansya lang si Leika. Kasama siya pero nakasunod lang siya sa'min. Tapos ihahatid nalang nila ako sa bahay at silang dalawa nalang ang natitirang magkasama.

Ilang ulit pa akong binagabag ng mga katanungang 'yon pero sinusubukan ko nalang na h'wag pansinin dahil ayaw kong mag isip ng masama lalo na kay Leika. Siya mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng oras ni Miko na magkasama. Wala siyang pinapakitang masama kaya alam kong malinis ang intensyon niya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon