Kabanata 37

47.6K 1.4K 74
                                    


Alaga

Nagising nalang ako na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang init ng katawan ko pero sobrang nilalamig naman ako. Sobrang sakit din ng ulo ko at mahapdi ang mga mata. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nasa kuwarto pa rin naman ako ni Troy. Nakahiga ako ngayon sa kama niya at nakabalot naman ang kumot sa'kin hanggang leeg. Napatingin nalang ako sa may pinto ng bigla itong bumukas.

"Gising ka na pala." si Troy habang may dalang tray.

Nabibigatan ako sa ulo ko ngayon pero pinilit ko pa ring bumangon at umupo sa kama. 

"Anong nangyari?"

"Hinimatay ka kanina, saka ko lang nalaman na nilalagnat ka na pala. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot para makapag-pahinga ka na ulit." aniya sabay lagay ng tray sa side table at umupo sa tabi ko.

May dala siyang lugaw, gamot saka tubig. Napatingin naman ako sa kanya na seryosong hinahalo muna ng mabuti ang lugaw at hinihipan ito dahil mainit pa.

"Kailangan mong maubos 'to." 

Nagulat nalang ako ng biglan iyang inilapit sa bibig ko ang kutsarang may lugaw. 

"Hindi naman ako bata para subuan. Kaya ko nama--" aagawin ko sana sa kanya ang kutsara pero agad niyang inilayo yun sa'kin.

"Ako na. Ngumanga ka nalang para makain mo na 'to." 

"Pero Tro--"

"Hayaan mo akong alagaan ka habang nandito ka sa bahay ko. H'wag ka nang makulit para makapag-pahinga ka na." aniya at inilapit ulit sa bibig ko ang kutsara.

Wala naman akong ibang nagawa kung 'di ang hayaan nalang siyang subuan ako. Parang bata pero ano bang magagawa ko? Wala akong sapat na lakas para makipag-talo sa isang 'to. Nang maubos ko ang lugaw na pinakain niya sa'kin ay saka niya naman pinainom sa'kin ang gamot na dala niya.

"Ayan, makakapag pahinga ka na rin." aniya at inalalayan akong makahiga ulit.

Inayos siya naman ang kumot at siniguradong hindi ako lalamigin. Inaantok na ako habang siya naman ay nakaupo sa tabi ng kama. May kinuha naman siyang basang bimpo at inilagay yun sa noo ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Siguro ito yung dahilan kung bakit ako nagkakagusto sa kanya. Yung pagiging maalaga niya kahit palagi ko siyang tinatarayan at minsan pa iniiwasan.

"Nakatitig ka na naman sa guwapo kong mukha, Kyla. Hinay-hinay baka matunaw ako." nakangising sabi niya.

Inirapan ko nalang siya bago pumikit. Panira talaga 'tong kahanginan ng isang 'to. Ayos na yung moment ko e! Inaamin ko na sanang nagkakagusto ako sa kanya kaso umaandar ang kahanginan niya ng wala sa oras!

Mabilis akong hinila ng antok hanggang sa mapahimbing na naman ang tulog ko. Nang magising ako ay gano'n ulit ang ginawa ni Troy. Pinakain ako at pinainom ng gamot bago pinatulog ulit. Gano'n ulit kinabukasan hanggang sa medyo gumaan na ang pakiramdam ko kumpara kahapon.

"Buti naman medyo bumaba na ang lagnat mo." aniya bago tinabi ang pinagkainan ko.

"Bumaba nga ang lagnat ko, sumasakit naman ang puson ko." 

"Ha? Bakit? May UTI ka ba?"

"Wala, saglit lang pupunta lang ako ng banyo." isa lng talaga ang naiisip kong dahilan kung bakit masakit ang puson ko.

Mabagal ang bawat kilos ko dahil hindi pa naman ako gano'n kagaling. Nang makapasok ako sa banyo ay saka ko lang nakumpirma nagkaroon na nga ako. Wala akong damit tapos wala rin akong sanitary pads! Wala rin naman akong pambili dahil wala naman akong dalang pera. Paano kung umutang muna ako kay Troy? May pera naman ang isang 'to e.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon