Kabanata 9

64K 1.9K 31
                                    


Imbita

"Pasensya na kung hindi na kita natawagan ulit no'ng sabado tapos kahapon na rin. Marami lang talaga akong kinailangan gawin." si Miko habang nilalapag yung pagkain namin sa mesa.

Tumango nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko sa bintana. Kahapon halos hindi ako makatulog ng maayos sa sobrang takot na baka bigla akong pasukin sa kuwarto habang tulog ako.

"Babe, ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa tahimik ah. May nangyari ba? O galit ka ba sa'kin?" 

"Ah, hindi. Wala naman. Kulang lang yata ako sa tulog, ang dami ko kasing tinapos kahapon kaya napuyat ako." palusot ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Mamayang alas dos hanggang alas tres wala tayong pasok, gusto mo samahan kita sa library para maka-idlip ka man lang? Tahimik do'n kaya mas makakapag pahinga ka." 

Tumango ulit ako sa kanya at ngumiti. "Sige."

Nang matapos ang klase namin ay dumiretso kami sa library. Kumuha si Miko ng mga librong babasahin niya habang ako ay ginamit ang dalawang brasong nakapatong sa lamesa para gawing unan. Sinubukan kong umidlip habang tahimik na nagbabasa si Miko pero hindi ko magawa.

"Hindi ako makaidlip." sambit ko at umupo ng maayos sa upuan ko.

"Hindi ka ba komportable sa posisyon mo kaya hindi ka makaidlip?" si Miko at itinabi muna ang librong binabasa niya.

"Hindi naman. Siguro hindi lang talaga ako inaantok. Kukuha nalang ako ng babasahin ko para pareho na tayong may binabasa." sambit ko saka tumayo at tumingin-tingin ng mga libro sa bookshelves.

Habang kinukuha ko ang librong gusto kong basahin ay bigla na lang akong nakarinig ng kung anong bulungan sa isang sulok. Dahan-dahan akong pumunta roon at bigla nalang bumungad sa'kin si Troy at Trisha na naghahalikan.

Hindi ako nakakilos agad habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nang mapansin ako ni Troy ay agad niyang tinulak si Trisha palayo at umiwas ng tingin. Tumikhim naman ako at agad na tumalikod sa kanila. Nag kunwari akong may hinahanap na libro para sana ituloy nalang nila ang ginagawa nila pero biglang may humila sa braso ko dahilan para mabitawan ko ang dala kong libro.

"Kyla," 

Napakurap-kurap nalang ako sa sobrang lapit ng mukha ni Troy sa'kin. Agad kong binawi ang braso ko sa kanya at umatras para makalayo.

"Ano 'yon?"

"Tungkol do'n sa nakita mo--"

"Pasensya na kung nakaabala ako sa ginagawa niyo. H'wag mo nalang isipin na nakita ko yun. Ituloy niyo nalang kung gusto niyo." sambit ko at tatalikod na sana sa kanya pero hinawakan na naman niya ang braso ko.

"Pero kasi--"

"Ano ba, Troy? Wala nga akong pake sa ginagawa niyo ng babaeng yun. Kahit ituloy niyo pa yun at gumawa kayo ng milagro rito sa library, ayos lang." nang binawi ko ulit ang braso ko sa kanya ay agad kong pinulot ang mga nahulog kong libro saka dali-daling bumalik sa puwesto namin ni Miko.

"Ayos ka lang?" tanong niya no'ng umupo na ako sa tabi niya.

"Ah, oo." sambit ko at nagsimula nang magbasa.

Habang sinusubukan kong intindihin ang binabasa ko ay bigla nalang nahagip ng mata ko si Troy na dumaan sa harapan namin. Nakatingin lang siya sa'kin kaya naman iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagbasa ulit.

Paulit-ulit ko nang binasa ang isang page pero wala pa rin akong maintindihan. Napabuntong hininga na lamang ako at itinabi na ang librong binabasa.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon