Kabanata 50

47.7K 1.4K 70
                                    


Pahinga

"Kaya kong gamutin ang sarili ko, Troy." sambit ko at hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Dalawang kamay mo ang may sugat, ako na ang gagamot." aniya sabay pasok sa kuwarto.

"Hindi na nga kailangan, 'di b--" natigilan na lang ako nang makita ko ang mga pasa sa mukha niya.

Hindi ko 'to napansin kanina no'ng nakita ko siya kasama si Cara. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya habang seryoso niyang nilalagay sa side table ang mga kakailanganin para sa sugat ko. 

"Hali ka muna, huhugasan muna natin 'yang sugat mo." aniya sabay hawak sa pulso ko.

Pumasok kaming dalawa sa banyo at doon na sa lababo hinugasan ang kamay ko. Maingat siya sa bawat kilos niya hanggang sa matapos kami sa paghuhugas. Pinaupo niya naman ako sa kama habang siya, nakaluhod sa harap ko at nagsisimula ng gamutin ang kamay ko.

Mas lalo kong tinitigan ang mukha niya lalo na ang mga pasa niya. Parang bago lang 'to. May nakaaway ba siya? Bakit parang malala yata ang pagkakabugbog sa kanya? Hindi ba niya pinagtanggol ang sarili niya?

"Hindi ka muna magtatrabaho bukas, ako na rin ang kukuha ng mga gamit mo sa restaurant kung saan ka nagtatrabaho." aniya habang maingat na iniikot ang bandage sa kamay ko. "Sa ngayon, kumain ka muna at magpahinga."

Tumango lang ako kahit alam ko namang nasa kamay ko ang buong atensyon niya. Nang matapos niya nang gamutin ang isang kamay ko, lumipat naman siya sa isa. Kahit mahapdi at masakit talaga ang mga sugat ko, hindi ko na yun pinansin at patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. 

"Sana sinabi mo sa'kin na trabaho pala ang dahilan kung bakit kayo nagkita ni Miko no'ng nakaraan."

Ngumuso na lang ako at nag iwas muna ng tingin. Guilty ako dahil mali naman talagang hindi ko sinabi sa kanya yun. Maiintindihan ko rin kung may sama ng loob siya sa'kin dahil sa tinago ko yun sa kanya.

Hindi na naman siya nag salita kaya tinitigan ko ulit siya. Nakakunot na ang noo niya ngayon habang nakatingin sa kamay ko. Ano kayang iniisip ng isang 'to?

"S-Sinong nakaaway mo? Bakit may mga p-pasa ka?" kinakabahan kong tanong.

Tumigil siya saglit sa ginagawa niya at tiningnan ako. Umiwas naman ako agad ng tingin dahil sa sobrang kaba.

"Mga kapatid mo." maikling sagot nito at bumalik at tingin sa kamay ko.

Kunot noo ko naman siyang nilingon dahil sa pagtataka. Bakit naman siya bubugbugin ng mga kapatid ko? May ginawa ba siya? 

Teka lang...huwag mong sabihing sinabi niya kina kuya Ryan ang tungkol sa'min kaya siya nabugbog? Nanlaki na lang ang mga mata ko at nilingon siya ulit. 

"H'wag mong sabihing sinabi mo na sa kanila ang tungkol sa atin?" 

Bumuntong hininga siya at tumingin ulit sa'kin.

"Sinabi ko na nga sa kanila."

"Baliw ka ba? Dapat hindi mo muna sinabi! Tignan mo tuloy, nabugbog ka pa."

"Wala akong pakialam kung masira pa ang mukha ko dahil sa mga suntok nila. Gusto ko lang naman matanggap nila tayo. Gusto kong malaman nila na ikaw ang mahal ko." 

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot bago siya nag iwas ng tingin. Natahimik ulit kaming dalawa at pinagpatuloy niya na ang pag gamot sa'kin. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. May mga tinago ako sa kanya. Tapos hindi ko pa siya nabibigyan ng sapat na oras.

Nang matapos siya sa paglalagay ng bandage sa isa ko pang kamay, agad na siyang tumayo at ibinalik sa lalagyan ang mga ginamit niya para sa sugat ko.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon