Kabanata 6

66K 2.1K 77
                                    


Misteryoso

Nangalahati na ako sa mga sulat ni Miko sa'kin sa sumunod na araw. Ngayon din umalis ang mga kabarkada nina kuya Ryan kaya naman hindi na masyadong maingay. 

Habang patuloy na nagbabasa ay hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa misteryosong lalaking laging nababanggit ni Miko sa sulat. Hindi lang kasi isang beses o dalawa niyang nabanggit na may sumusunod sa'kin.

Tinanong ko na rin sina Mommy at Daddy kung may inutusan ba silang tauhan para pasundan ako dati pa pero wala naman daw. Ngayon imbis na sumaya ako dahil sa nalaman ko na kung paano nagkagusto si Miko sa'kin, e, ang dami ko tuloy tanong kung sino ang sumusunod sa'kin.

Nang mag lunes ay maaga akong pumasok. Bumungad sa'kin sa classroom ang bulaklak na binigay ni Miko para sa'kin. Naging maganda naman ang simula ng araw ko pero hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko ang lalaking tinutukoy ni Miko sa mga sulat.

"May tanong nga pala ako." sambit ko habang umuupo kami pareho.

Nasa canteen kami ngayon at may pagkain na sa harap namin nang maglakas loob akong magtanong.

"Ano yun?" aniya habang inaayos ang pagkain ko at yung kanya.

"No'ng binasa ko ang mga sulat mo sa'kin dati, napansin kong lagi kang may nababanggit na lalaking nakasunod at nakabantay sa'kin lagi. Kilala mo ba kung sino? O nakita mo na ba yung mukha?" 

Napaisip siya saglit bago umiling.

"Lagi siyang may suot na itim na face mask tapos hoodie o sumbrero. Kahit saan ka pumunta, kasama mo man ang mga kapatid mo o hindi, nando'n siya lagi. Kaya inisip ko baka tauhan niyo yun at pinapabantayan kayo." paliwanag niya.

"Ahh, gano'n ba?" mas lalong gumulo ang mga nasa isip ko dahil sa sinabi ni Miko.

Ni minsan hindi pa naman ako nakaramdam na may sumusunod sa'kin. At kung may masamang balak naman siya sa'kin, dapat dati pa siya may ginawang hindi maganda. Sino ba ang lalaking yun? Bakit niya ako sinusundan? May kailangan ba siya sa'kin?

"Ayos ka lang?" tanong ni Miko nang mapansin niyang nakatulala lang ako.

"Ah, oo. Pasensya na, may iniisip lang." tipid akong ngumiti sa kanya at kumain na.

Nang matapos kaming kumain ay plano na sana naming umalis at bumalik ng classroom ng biglang nagkagulo sa canteen.

"Ang tanga mo naman!" sigaw ng isang babae.

Nagsi-lapitan na ang mga estudyante roon kaya naman hindi ko na rin napigilan pa ang sarili na lumapit din at tingnan kung ano ang nangyayari.

"Hindi ko naman kasi sinasadya. Lalabhan ko nalang ang uniporme mo--" hindi na natapos pa ng babae ang sinasabi niya ng bigla siyang itulak ng babaeng nakabangga niya yata.

"Hindi ko kailangang palabhan 'tong damit ko sa'yo. Kaya ko 'tong palitan kahit kailan ko gusto. Ang kinabubwesitan ko lang ay 'yang katangahan mo at 'yang pagmumukha mo. Ano ka ba rito? Janitress? Hindi nababagay ang mga katulad mo sa lugar na 'to." sambit ng babae at biglang kumuha ng juice para ibuhos sa babaeng kaaway niya.

Napakunot naman ang noo ko at tiningnan ang mga tao sa paligid. Nakita ko nalang si Troy sa likuran ng babaeng maldita na 'to at mukhang magkasama pala sila.

Agad akong sumingit at hinarap ang babaeng yun saka tinaasan ng kilay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya saka humalukipkip habang taas noong nakatingin sa kanya.

"Tinuturuan ng leksyon ang mga taong tatanga-tanga na nga, pangit pa." 

"Hindi ako janitress, estudyante po ako rito. At humingi naman ako ng pasensya e, nagmamadali lang naman talaga ako kaya kita nabangga." mahinhin na sabi ng babaeng nasa likuran ko na ngayon.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon