Kabanata 5

66.3K 2.1K 69
                                    


Bulaklak

"Ano ba kasing nangyari? Nagulat nalang ako bigla ka nang nahulog sa pool kanina tapos nagtalo na kayo ng mga kapatid mo." si Kurt habang tumatabi sa'kin ngayon sa sofa.

"Naglalakad lang naman kasi ako sa gilid ng pool tapos biglang may humawak sa paa ko saka ako hinila. Muntikan pa akong malunod." galit kong sabi.

"Sino naman sa tingin mo ang humila sa'yo?"

"Sino pa nga ba? Malamang yung bruhang Lane na 'yon! May araw rin sa akin ang babaeng yun, anong akala niya? Aatrasan ko siya?"

"Kumalma ka nga, kapag galit ka ng ingay mo masyado." 

"E, sino ba ang lumapit sa'kin at nag tanong? Hindi ba ikaw? Hindi ko na kasalanan kung naiingayan ka sa'kin." inirapan ko nalang siya at ininom ang juice ko.

"Hindi rin naman kasi ako makasabay sa kanila. Masyado silang masaya para makisali ako sa usapan." aniya sabay tingin kina kuya na nasa swimming pool pa rin at nagkakatuwaan.

"Ibig mo bang sabihin, e, kaya ka nandito sa'kin kasi mukhang malungkot ang buhay ko? Mukha akong miserable gano'n?"

"Hindi, baliw." aniya at mahinang tumawa.

Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanyang nakangiti. Bihira ko lang talaga siyang makitang nakangiti. Pero kahit medyo magkalapit na kami, wala pa rin akong alam sa buhay niya.

"Bakit nga pala bihira ka lang ngumiti? Tapos ang hilig mo rin umiwas sa mga tao. Kahit sa mga kabarkada mo hindi ka masyadong sumasabay. Ano ba talagang mayro'n sa buhay mo?" 

Natigilan siya dahil sa tanong ko. Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa niya ang kung ano mang iniisip ko ngayon. Tinitigan ko naman siya pabalik pero wala akong kahit anong emosyon na nakikita sa mga mata niya.

"Masyadong magulo ang buhay ko para pasukin ng isang katulad mo." aniya at umiwas na ng tingin.

Magtatanong pa sana ako ulit ng bigla na namang sumulpot si ate Yan sa harap namin.

"Ma'am, may bisita po kayo."

"Sino?"

"Miko raw po. Nasa labas po siya ngayon." 

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil muntikan ko ng makalimutan na pupunta pala rito si Miko. Agad akong tumayo at dumiretso sa labas ng bahay para salubungin si Miko.

"Hi!" bati niya sa'kin ng makita niya na ako.

"Pasensya na, muntikan ko na kasing makalimutan na pupunta ka pala rito ngayon." 

"Ayos lang, ako nga dapat ang humingi ng pasensya kasi inaabala pa kita ngayon."

Dumapo naman ang tingin ko sa mga dala niya. Sa kaliwang kamay niya ay dala niya ang libro ko habang sa kanan naman ay bulaklak. 

Bulaklak? Para sa'kin ba 'yan?

"Ah, ito nga pala yung libro mo na nasa akin." aniya sabay abot sa'kin nito.

"Salamat."

"Tapos ito rin." sunod niyang inabot sakin ang dala niyang mga bulaklak.

"Para sa'kin?" nakangiti kong tanong habang tinatanggap ito.

"Ah, oo. Gusto ko lang sanang magpalaam na--" 

Hindi niya na natapos pa ang sasabihin ng biglang sumulpot ang mga kapatid ko at nagtatakang nakatingin kay Miko.

"Anong mayro'n dito? Bakit may bulaklak?" si kuya Ryan habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.

"Kuya, puwede ba? Nakikisawsaw na naman kayo." naiiritang sabi ko.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon