Kabanata 43

48.2K 1.4K 58
                                    


Agawan

"Hala? Totoo? Oh my god! Kyla, ang haba ng buhok mo!" sigaw ni Cara ng maikwento ko sa kanya lahat.

Parang gusto ko na lang maiyak ngayon! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Apat na sila! Ayaw kong maging dahilan para masira ang pagkakaibigan nila!

"Grabe, dinaig mo si pa si Rapunzel sa haba ng buhok mo oh!" aniya sabay tawa. "Akalain mo, may Troy, Dale, Art, Kurt at Miko ka! Anong klaseng dasal ang ginawa mo at lima talaga ang naghahabaol sa'yo ngayon?"

"Cara naman e! Stress na nga ako kakaisip kung anong gagawin ko ngayon. Magkakaibigan yung apat, at ayaw kong ako ang maging dahilan para magkagulo sila."

"Alam mo, hindi mo dapat pinoproblema 'yan."

"Bakit naman?"

"Magkakaibigan sila at pareho silang may gusto sa'yo. Nasa kanila ang desisyon kung sino ang magpaparaya at kung sino ang magpapatuloy. Kung sakaling magkasir-sira man sila, hindi mo kasalanan yun. May choice naman silang umatras, nakadepende lang talaga sa kanila kung pipiliin ba nila ang pagkakaibigan nila o ikaw."

"Pero hindi pa rin maganda sa pakiramdam yun, Cara."

"Bakit naman kasi no'ng umulan ng kagandahan, sinalo mo lahat?"

Napabuntong hininga nalang ako. Natatakot tuloy ako sa puwedeng kalabasan nito. Ang dami ko ng problema, madadagdagan pa talaga.

Matagal na naman akong nakatulog kakaisip sa mga nangyari. Gusto ko nalang talagang mahimlay ngayon din. Kinaumagahan ay naistorbo nalang ang tulog ko dahil kay Cara. Hindi pa nga ako nakakatulog ng tatlong oras ginising na ako ng babaeng 'to.

"Kyla! Gumising ka riyan! Jusko kang babae ka!"

"Bakit ba?" inaantok kong tanong sa kanya.

"Nakapila na sa labas ang mga manliligaw mo!"

Agad na nawala ang antok ko nang marinig ko ang sinabi ni Cara. Dali-dali akong bumangon at tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto. Nang buksan ko ang pinto ng bahay ay bumungad sa'kin sina Miko, Art, Dale at Kurt na may dalang bulaklak. Ang iba namang kaibigan nina kuya ay nasa likuran at nagtataka kung bakit may dalawang bulaklak ang apat na lalaking nasa harapan ko.

"Ang haba talaga ng buhok mo." bulong ni Cara sa'kin.

"Ang dami ko pa lang ksabay sa panliligaw sa'yo." si Art at tiningnan ang tatlong lalaki sa tabi niya.

"Grabe, alam kong attractive si Kyla pero hindi ko talaga naisip na manligaw sa takot ko kina Ryan at Calvin." si JB sabay iling.

"Lakas ng loob niyo tol ah!" natatawang sabi naman ni Grey.

"Gusto ko sanang humabol kaso baka ilibing ako ng buhay ni Ryan!" si Duke naman.

"Ano ba naman 'yang mga dala niyo, puro bulaklak. Magmumukha ng flower shop itong bahay ko dahil sa inyo! Hindi naman makakain ni Kyla 'yang mga pabulaklak niyo, dapat pagkain nalang dinala niyo dito." si Cara naman na nasa tabi ko at nakahalukipkip.

"Tama! Praktikalan dapat!" singit naman ni Peter.

"Pasensya na sa biglaang pag punta ko rito, Kyla. Inisip ko kasing sapat na yung oras na naibigay ko sa'yo para makapagisip-isip ka." si Miko naman ngayon ang nag salita.

"Bakit ka pa kasi bumalik-balik? Dapat hindi mo na lang iniwan yung babae mo sa Canada." sambit ni Art.

"Ano bang pakialam mo?" binalingan naman ni Miko si Art.

"H'wag nga kayong magulo, nanliligaw kayo pero ganyan ang asal niyo." si Dale nama nngayon.

"Nag mamagaling ka ba?" kay Dale naman nakatingin si Art ngayon.

"Tumigil na kayo." awat ni Kurt.

"Isa ka pa, Kurt. Nalaman mo lang na aamin na ako kay Kyla kagabi, umamin ka na rin." galit na sabi ni Art kay Kurt.

"Mauuna naman talaga dapat akong umamin kung hindi ka lang epal." sagot naman ni Kurt.

"Oh my gosh! Mag susuntukan na ba sila? Hoy kayo sa liko, awatin niyo nga 'tong mga 'to!" tawag ni Aya kina JB.

"Ha? Bakit kami? Wala naman kaming kinalaman sa kanila." si Grey sabay talikod.

"Ako? Epal? Baka ikaw!" nag simula ng tumaas ang boses ni Art.

Sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ko dahilan para mapatingin silang lahat sa'kin.

Napayuko naman ang apat na lalaking nasa harapan ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga 'to. Mga sakit sa ulo. 

"Walang manliligaw. Wala akong sasagutin ni isa sa inyo. Isa pa, ang daming babae sa mundo, bakit ako pa ang pinagkakaguluhan niyo? Ang dami ko na ngang problema tapos dadagdagan niyo pa. Magsi-uwi na nga kayo!"

"Kyla, sorry na." nakangusong sabi ni Art.

Mahina namang nagtatawanan ang apat pang lalaki sa likod. Mga baliw talaga. Habang nakikinig ako sa mga sorry nina Art ay may napansin akong lalaki sa hindi kalayuan. Napaawang nalang ang bibig ko ng makilala ko kung sino ito.

Nakatayo sa malayo si Troy at may hawak din na bulaklak. Seryoso lang siyang nakatingin sa'min. Para namang may kung ano sa loob ko na gustong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya pero pinipigilan ko nalang. 

Nakaramdam na lang ako ng lungkot nang makitang pumasok nalang ulit siya sa sasakyan niya at umalis. Bakit hindi siya tumuloy rito? Dahil ba baka magkagulo lalo? Kasi naman e! Hindi naman ako mamomroblema ng ganito kung siya lang yung umamin sa'kin. Kaso tatlo sa mga kaibigan niya ang umamin din! Dumagdag pa si Miko. 

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng tuluyan na namin silang mapauwi. Nanghihina akong napa-upo sa sofa at tiningnan si Cara.

"Pinag-aagawan ka na talaga. Pati tuloy ako na-sstress dahil sa nangyayari sa'yo!"

"Nakita ko si Troy kanina." sambit ko at malungkot na tumingin kay Cara.

"Talaga? Bakit hindi siya pumunta rito?"

"Hindi ko rin alam. Gaya nina Dale, may dala rin siyang bulaklak. Kaso bigla nalang siyang umalis. Hindi ko nga alam kung bakit."

"Baka nawalan ng lakas ng loob dahil na rin apat na yung pumunta rito kanina?"

"Hindi ko rin alam e."

"Siya talaga yung mahal mo 'no? Ibang-iba ka pag dating kay Troy. Masasabi ko talagang sa kanya ka tinamaan."

"Ginayuma yata ako ng isang yun. Hindi ko naman yun gusto dati. Sarap nga katayin no'n e!"

"Naniniwala na talaga akong, 'The more you hate, the more you love'. Kita mo 'yan, ayaw na ayaw mo sa kanya dati, tapos ngayon sa tuwing nakikita mo siya parang wala ng ibang tao sa paligid mo. Parang ibang Kyla tuloy ang kaharap ko ngayon. Yung Kyla dati, kung sino-sino ang tinatarayan. Akala mo may galit sa mundo. Lagi pang napapaaway sa campus. Pero ngayon, yung Kyla na nakikita ko, kahit mataray nagiging malambot naman. Paunti-unti, mas nakikilala kita. Nabago mo ang sarili mo dahil may taong nagpalambot diyan sa puso mo."

"Napaka-mabulaklak mong mag salita pero wala kang lovelife. Baka sumpa 'yan, Cara?"  biro ko sa kanya.

"Gaga! Nag dadrama ako rito panira ka naman e!" 

"Ikaw kasi!"

"Hay naku, umalis ka na nga! Puntahan mo na si Troy sa bahay niya. Baka nag tampo na yun sa'yo sa dami mong manliligaw!" 

Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Siguro ito na talaga yun. Ito na yung araw na pipiliin ko si Troy kahit ang daming gustong manligaw sa'kin. May kakaiba sa kanya na hindi ko makita at maramdaman sa iba. Kahit kay Miko na minsan kong minahal, hindi ko yung maramdaman.

Sabihin na nating masyadong mabilis ang mga bagay. Pero oras ba talaga ang basehan para masabing mahal mo ang isang tao? O yung pinapakita at pinaparamdam niya sa'yo na alam mong kokompleto sa lahat ng kulang sa buhay mo?

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon