Kabanata 14

59.5K 1.7K 76
                                    


Kababata

"Nag-away na naman kayo, 'no?" si Aya habang kumakain.

Hindi naman ako nagsalita at nakatingin lang sa pagkain ko na hindi ko pa rin nagagalaw hanggang ngayon.

"Ano na naman ba ang pinag-awayan niyo ngayon? Akala ko ba nag date kayo kahapon dahil valentine's day? Bakit hindi na naman kayo magkasama?"

"Hindi siya pumasok ngayon."

"Ay hindi ba? Bakit daw?"

"Malay ko."

Nang tingnan ko si Aya ay kunot ang noo niyang nakatitig sa akin.

"Parang dati kapag wala si Miko halos mabaliw ka kakaisip kung anong nangyari sa kanya, bakit ngayon parang iba yata?"

"Nasanay na ako e. Nasanay akong lagi siyang nawawala, lagi siyang umaalis agad kahit na magkasama kaming dalawa, nasanay akong walang alam sa kung ano mang ginagawa niya."

"Ayos ka lang?"

Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya at agad nang tumayo. Kinuha ko na rin ang gamit ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Mauna na ako, may gagawin lang." sambit ko sabay lakad palayo.

Tulala akong naglakad at hinayaan nalang ang mismong mga paa ko na dalhin ako kung saan. Mahaba pa naman ang oras bago ang susunod kong klase kaya ayos na rin sigurong maglakad-lakad muna para makapagisip-isip.

"Hi!" 

Natigil nalang ako sa paglalakad ng may biglang sumalubong sa'kin na babae. Napatitig naman ako sa kanya dahil parang pamilyar ang mukha niya sa'kin.

"Ah, ikaw ba si Kyla?" tanong niya sa'kin habang nakangiti.

"Oo, bakit?"

"Ako nga pala si Leika Mariano, kababata ni Miko." aniya sabay abot ng kamay niya sa'kin.

Napatingin naman ko sa kamay niyang nasa harapan ko. Kaya pala pamilyar siya sa'kin, siya pala yung babaeng nasa picture na nakita ko kagabi sa bag ni Miko. Hindi ko agad na tanggap ang kamay niya kaya naman wala siyang ibang nagawa kung 'di ang bawiin nalang ito.

"Nakita mo ba si Miko?"

"Hindi siya pumasok kanina, hindi ko rin alam kung pumasok ba siya ngayon."

"Sabay kaming pumunta rito ngayon, sinama kasi ako ng Mama niya. Nawala lang talaga siya bigla kaya hinahanap ko."

"Ahh, subukan mong tingnan sa library. Madalas do'n siya tumatambay."

"Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot dito, puwede mo ba akong samahan?"

Hindi ko alam ang isasagot ko, kung tatanggi ba ako o papayag. Hindi rin naman kami magkabati ni Miko para ihatid ko siya sa kanya. Pero bago pa ako makapag-desisyon ay bigla na siyang humawak sa braso ko at hinila na ako.

"Tara na!" aniya habang nakangiti.

Wala naman akong nagawa kung 'di ang samahan nalang siya dahil mukhang gusto niya talagang puntahan si Miko. 

Habang naglalakad kami papunta sa library ay bigla nalang siyang nagsalita.

"Alam kong girlfriend ka ni Miko. Sinabi niya sa'kin." aniya at tumingin sa'kin.

Hindi naman ako nakapag-salita dahil sa sinabi niya. Tahimik lang ako at hinahayaan siyang dumikit sa'kin.

"Alam mo ba, ikaw lang yung babaeng lagi niyang kinu-kuwento sa'kin. Walang araw na hindi ka niya bukambibig. Sa tuwing kinu-kuwento ka niya sa'kin kitang-kita ko kung gaano ka niya kamahal. Pero kahit ako nalulungkot dahil sa hindi niya pa rin magawang sabihin kina tito Mike ang kung ano mang mayro'n sa inyo."

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon