His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Twenty Three

668K 13.8K 1.7K
By SiMarcoJoseAko

TWENTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Namumuro ka na sa akin Greg Joseff Montemayor! Di ba pinagsabihan na kita? Usapan natin, kailangan mong umuwi ng rancho kahit isang beses sa isang buwan! Pero ano? Halos tatlong buwan kang hindi nagparamdam! Sinasabi ko sa'yo, kapag nalaman ko lang talaga na may ginagawa kang kalokohan sa Maynila! Pauuwiin kita dito!" Nakatingin lang ako kay Greg at sa Daddy nito na kanina pa siya pinagsasabihan. Natatawa na nga ako dahil tiklop pala siya sa Daddy niya.

"Daddy naman, nandyan 'yung asawa ko. Huwag mo naman akong ipahiya." Narinig kong sabi ni Greg. Agad naman tumingin sa akin si Tito Paul.

Katulad ni Greg, gwapo rin si Tito Paul. Kamukhang kamukha siya ni Greg sa lahat ng angulo pero sa mata lang sila nagkaiba. Kulay green kasi ang mata ni Greggy boy samantalang si Tito Paul naman ay dark brown.

"H—Hindi po niya ako asawa." Sabi ko ng umiiling. Patay talaga sa akin si Greg mamaya.

"Oo nga, hindi niya ako asawa. Pero asawa ko siya Dad." Sabi ni Greg.

"Ganoon ba 'nak? Siya ba 'yung kinukwento mo sa akin na pinopormahan mo pero hindi ka type?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng daddy niya habang nanlaki naman ang mata ni Greg sa sinabi ni Tito Paul.

"Dad!"

"Siya rin ba 'yung sinasabi mo sa akin na matagal mo ng gusto pero hindi ka makaporma? Ang ganda naman pala ng taste mo 'nak, mana kay daddy." Sabi ng Tito Paul sabay kindat at ngiti ng nakakaloko katulad ng kay Greg.

"Dad! It's a secret!"

"Aba, secret pala 'yon? Wala na 'nak, nasabi ko na eh. Ano nga ulit ang pangalan mo? Raisse?" Nagulat ako sa sinabi ni Tito Paul. Bakit alam niya ang pangalan ko?

"O—Opo, Raisse Miracle po." Sabi ko. Buti na lang talaga tatlo lang kami dito sa terasa sa kwarto ni Greg.

"Ah, kaya pala milagro at nagsama ng babae 'tong anak ko dito sa rancho. Akala ko nga bading na eh, kung hindi ko lang nakita 'yung kabalastugan niya sa cellphone niya mapagkakamalan ko na talagang bading 'tong anak ko." Gusto kong matawa sa sinabi ni Tito Paul pero baka mas lalong magalit si Greg na ngayon ay pulang pula na ang mukha dahil sa sinabi ng Daddy niya.

"Dad! Hindi ako bading! At kaya hindi ako nagsasama ng babae dito sa rancho, dahil wala naman akong gustong isama dito kung hindi ang babaeng mahal ko lang!" Bigla akong natigilan sa sinabi ni Greg. Napatitig ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

Dahil wala naman akong gustong isama dito kung hindi ang babaeng mahal ko lang.

Mahal ako ni Greg? Mahal na niya ako?

"Ohh. Sige, mukhang may hindi ako alam dito. Iiwan ko muna kayo, ikaw 'nak. I'm so proud of you. Hindi na kita baby boy, galingan mo dito kay Raisse ah? I like her for you. Basta pagkatapos n'yo diyan sumunod na kayo sa baba, okay?" Sabi ni Tito Paul at tsaka kami iniwan.

Biglang binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin. Wala ni isa ang nagsasalita sa amin at hindi siya nakatingin sa akin pero nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Para bang nalunok ko ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Pambihira naman! Si Dad kasi ang kulit!" Doon lang ako natauhan ng magsalita na siya.

"Nadulas pa ko, 'tangna!" Sabi pa niya sa hangin. Napakunot lang ako ng noo.

"Humarap ka nga sa akin Montemayor." Sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin habang magkasalubong ang kilay niya.

"Ano?!" Sigaw niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Sabi ko bang sumigaw ka?" Masungit kong sabi sa kanya.

"Hindi!" Sigaw na naman niya.

Lumapit ako sa kanya at bigla siyang binatukan.

"Next time na sigawan mo si Tito Paul, gigitilan na kita sa leeg. Maliwanag ba?"

"Oo. May magagawa ba ako? Ikaw na nagsabi at ano ba ako? Lalaki lang ako, dapat sumunod sa babaeng gusto niya." Sabi pa niya na parang hindi matanggap na kaya ko siyang pasunudin.

"May reklamo ka? Sabihin mo lang para mapag-usapan natin."

"Wala! Tangna, hirap maging under." Sabi pa niya pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

"Tara na, bumaba na tayo at nagdatingan na raw ang iba mo pang kamag-anak. Di mo ba sila na-miss?" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya inakbayan. Buti na lang talaga medyo matangkad ako.

Hindi siya sumagot, sumimangot lang siya.

"Thank you nga pala dahil dinala mo ako dito." Sabi ko at tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko na lang ginawa 'yon, kung bakit ko na lang siya biglang hinalikan sa pisngi.

Bigla namang sumilay ang ngiti sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo lang ako halikan." Sabi niya ng may ngiti sa labi.

"H—Hindi ah! I—It's a thank kiss!" Sagot ko sa kanya. Minsan talaga mahirap kapag ikaw ang gumawa ng first move sa lalaki.

"Thank kiss nga ba? Ayaw mo ba ako halikan? Pwede naman ah." Sabi pa niya sa akin.

"O—Oo, t—thank kiss lang 'yun dahil dinala mo ako dito sa rancho. Kaya hina—"

"Dami mo pang sinasabi!" Sabi niya at tsaka niya ako biglang hinalikan sa labi. Hindi na ako nakaimik pa.

Montemayor you're such a jerk.

****

"Sweetheart, dalawang oras lang naman akong late. Nagmadali naman akong pumunta dito, sorry na oh. Kiss mo na ako." Gusto kong matawa sa asawa ni Tita Freen. Kanina pa kasi ito nagmamakaawa sa kanya na pansinin siya nito pero kanina pa rin nagmamatigas si Tita Freen.

"Kung gusto may paraan, kung wala may babae." Sabi pa ni Tita Freen.

"Wala nga akong babae! Kahit pa itanong mo kay Allen! Ginawa mo na ngang lalaki 'yung secretary ko tapos nagdududa ka pa rin! Ano ba naman 'yan sweetheart, lagi na lang akong kawawa." Sabi ni Tito Levinn kay Tita Freen. Buhat ngayon ni Tita Freen si Francisco na apat na taong gulang na. Ang kambal naman ay nasa labas kalaro si Xander na anak ni Tito Arthur, Travis na anak naman ni Tito Travor at Shaun na anak ni Tito Gian, at Simon na kapatid naman ni Greg. Tuwang tuwa nga ako dahil nakilala ko na sila kanina, at nagulat din ako kasi halos lahat sila may anak na lalaki at ang mas malala pa kay Tita Freen na tatlong lalaki ang anak at samahan pa raw ng makulit na asawa.

"Tatay is loyal! Patawad mo na si tatay, mommy!" Sabi ni Francisco. He's really adorable!

"O tignan mo 'yang anak ko. Naniniwala sa akin na loyal ako sa'yo. Pansinin mo na kasi ako sweetheart." Sabi pa ni Tito Levinn.

"Ang cute nila." Bulong ko kay Greg.

"Oo nga, ang cute nila." Sabi niya. Bigla naman siyang umakbay sa akin kaya napatingin ako sa braso niyang umakbay sa akin at sa kanya. Pero hindi siya nakatingin sa akin at may ngisi siya sa labi.

"Kahit na! Pumunta na nga kami ng mga anak mo dito ng wala ka tapos hindi ka pa agad sumunod. Alam mo bang puro konsumisyon na lang ang dala n'yo sa aking apat? Ang titigas ng ulo n'yo at ang kukulit n'yo pa! Kapag napuno talaga ako, iiwan ko kayo dito sa rancho!"

"Misis naman, sorry na nga. Hindi na ako uulit, promise bebehave na kami ng mga anak ko."

"Yan! Lagi mo n'yo na lang sinasabi 'yan sa akin! Mag bebehave pero lagi kayong mga pasaway! Naku talaga Levinn! Mapapatay kita ng wala sa oras."

"Mommy, behave kami ni Tatay! Patawad mo na siya. Di ba tatay? Behave na tayo?" Sabi ni Francisco sabay ngiti. Ngumiti rin si Tito Levinn at nagulat ako ng bigla nilang halikan ng sabay si Tita Freen sa magkabila nitong pisngi. How cute!

"Patatawarin mo na ba ako Misis?" Tanong ni Tito Levinn kay Tita Freen.

"Oo na!"

"Success!" Sabi pa ni Tito Levinn sabay apir kay Francis. Magma-ama nga sila, walang duda.

"Ang cute naman ng pamilya nila." Sabi ko kay Greg. Nasa pool kasi ngayon ang karamihan sa kamag-anak ni Greg at nag suswimming at nag-iihaw. Pasado alas dos y media pa lang naman ng hapon kaya mas masarap maligo pero pinili muna namin ni Greg na dito muna sa sala at ito ang nadatnan namin.

"Sex tayo para mabuntis ka at magkapamilya na tayo. Gusto mo?" Bulong ni Greg sa akin. Bigla ko naman siyang kinurot sa dibdib niya ng malakas.

"Ouch. Masakit 'yun ah!" Reklamo niya. Manyak eh!

"Yan ka na naman kasi eh! Sabi kong i-zipper mo 'yang bastos mong bibig pero ayaw mo tumigil. Mag behave ka nga rin!" Sabi ko sa kanya.

"Aw, under si Greggy boy." Napangiti ako sa pang-aasar ni Tito Levinn kay Greg.

"Ikaw rin naman Tito, under ka. Di ba Tita Freen?" Sabi ni Greg.

"Pulos kayo mga kalokohan! Ikaw Levinn, umakyat ka na sa taas at isama mo 'tong makulit mong anak. Magbihis kayong dalawa sa taas at hahanapin ko muna 'yung mga big boys ko at baka kung saan na nagsususuot." Sabi ni Tita Freen.

"Opo, Misis." Sabi ni Tito Levinn sabay buhat kay Francisco na kanina pa kumakain.

Naiwan kami ni Greg sa sala.

"Ayaw mo bang maki-join sa kanila sa labas?" Tanong ko sa kanya. Nakaakbay pa rin siya sa akin. Binuksan niya lang ang T.V.

"Ayoko, gusto muna kitang solohin." Sabi niya sa akin. Humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin kaya mas naramdaman ko ang init ng katawan niya.

"Solohin ka diyan. Namimihasa ka kamo." Mahina ko siyang hinampas sa matigas niyang dibdib. Ang macho ng loko.

"Hindi naman, ngayon ko lang 'to naranasan kaya susulitin ko na. Baka mamaya makakita ka lang ng ibang lalaki diyan iwan mo na ako." Sabi pa niya.

"Ikaw nga 'yun eh! Babaero ka!"

"Hindi naman ako babaero. Simula kaya ng naging katulong kita wala pa akong sex." Sabi pa niya na ikinagulat ko.

"Ang baboy mo! May makarinig sa'yo at ako pa ang lokohin mo. Ikaw? Hindi mag b-breast feeding? Lokohin mo ako! Tsaka, ano pa lokohin mo. Walang nangyari sa inyo ni Gwen?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Lokohin niya pa ako.

"Wala pa nga hanggang ngayon, loyal ako sa'yo! At tsaka walang nangyari kahit isang beses sa amin ni Gwen! I respect her." Bigla ay nakaramdam ako ng selos ng sabihin niyang I respect her.

"Minahal mo ba si Gwen?" Bigla kong tanong sa kanya.

"H—Hah?"

"Sabi ko, minahal mo ba si Gwen?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi ko siya minahal. Dahil una pa lang, ikaw na 'yung laman nitong puso ko. Yung kanina, totoo 'yun. Ipinangako ko sa sarili ko na 'yung babaeng mahal ko lang ang dadalhin ko dito sa rancho." Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya sa akin pero mas tumigil pa ang mundo ko sa sunod niyang sinabi.

"At ikaw 'yung babaeng 'yun Raisse, ikaw."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
718K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
4.5K 195 4
People who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.
4.3K 19 1
A Collection of LGBT-Themed Stories #3