Sightless Love [COMPLETE]

由 QueenV301996

143K 3.3K 618

[ROMANCE/ MYSTERY /THRILLER STORY] An accident change Chloe Nacional's life. It stole something in her. It to... 更多

Sightless Love
Chapter 1: His Voice
Chapter 2: His Name
Chapter 3: Her Shield
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: His Vow
Chapter 6: His Agenda
Chapter 7: His Song
Chapter 8: His Gift
Chapter 9: The Call
Chapter 10: Her Value
Chapter 11: His Wish
Chapter 12: The Suspect
Chapter 13: His Silence
Chapter 14: Her Fight
Chapter 15: Her Reason
Chapter 16: Her Fear
Chapter 17: His Girlfriend
Chapter 18: The Voices
Chapter 19: His Story
Chapter 20: His Surprise
Chapter 21: Her Savior
Chapter 22: The Return
Chapter 23: The Confession
Chapter 24: The Evidence
Chapter 25: His Proof
Chapter 26: Her Safety
Chapter 28: The Voicemail
Chapter 29: The Killer
Chapter 30: Her Plea
Chapter 31: Her Rescue
Chapter 32: His Loss
Chapter 33: Her Trust
Chapter 34: Her Lovers
Chapter 35: Her Challenge
Chapter 36: Her Promise
Chapter 37: His Past
Chapter 38: The Message
Chapter 39: His Proposal
Chapter 40: The Apology
Chapter 41: The Revelation
Chapter 42: The Invitation
Chapter 43: Her Life
Chapter 44: His Life
Epilogue

Chapter 27: Her Superman

1.8K 63 13
由 QueenV301996

CHAPTER 27: HER SUPERMAN

“Trust me, Chloe. You’re not safe here.”

I jerked my arm away from him. Nagkumpol – kumpol sa dibdib ko ang halo – halong emosyon dahil sa sinabi niya. My face turned into a surprise, incredulity, fear and now... anger.

“How could you say that to me?!” Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko upang matabunan ang panginginig ko. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya. And for the first time, I felt afraid of him. I never knew this day will come wherein I will doubt him; moreover, removed my trust in him.

Simula pagkabata, siya na ang pinakapinagkakatiwalaan ko. He’s my brother from another mother. He is always there for me whenever I need him. We became distant when Carl came into the picture but after the accident, he came rushing back to me. Harvey is my protector, my singer, my cook, my listener, my bestfriend, my big brother.

Ngunit nang maging suspect siya sa pagkakabangga sa’kin six years ago, bigla na lang siyang nawala. I felt betrayed by my own bestfriend. I needed him! God knows how much I longed to call him but I always stop myself from doing so because I know that he will not be there.

And here came, Martin…

‘Yung lalaking isang tawag ko lang ay nandyan na para sa’kin. ‘Yung lalaking naging tagapagligtas ko. ‘Yung lalaking handa akong pasayahin. ‘Yung lalaking nagbigay muli ng pag-asa sa puso ko.

Naramdaman ko ang masuyong paghampas ng hangin sa mukha ko. I chilled, realizing that the night seems cold today. Malamig tulad ng nararamdaman ko ngayon.

Narinig ko siyang bumuntong – hininga.

“How can I trust you again?” The lump on my throat began to form as I looked back on the memories that we’ve shared. Sobrang dami ng alaala namin that I began to question myself why did this happen to us.

“You’re my little sister, remember?”

Bumigay ang naninigas kong mga balikat sa sinabi niya. Parang may invisible force na humigop ng lahat ng energy ko sa katawan upon hearing those words. Little sister? It felt eons ago the last time I heard that from his mouth. Surprisingly, it made me quite happy.

Uupo na sana ako sa malamig na lupa nang hawakan niya ulit ako, this time sa may siko.

“Kailangan na nating magmadali, Chloe. Sumama ka sa’kin.” Nakita niya ata ang hesitation sa mukha ko dahil nagbago ang tono ng boses niya from stern to tender tone. “Please.”

“Pero, si Martin – “

“Don’t mention his name to me!”

Medyo nagulat pa ako nang marinig ko ang bitterness at irritation sa tono ng boses niya nang banggitin ko ang pangalan ni Martin.

“Please, Chloe. Lahat gagawin ko maialis ka lang dito.”

Nag-aalangan man ngunit ramdam ko ang totoong pag-aalala sa’kin ng tinuring kong kapatid. Marahan akong tumango sa kanya na nagresulta ng pagbuga niya ng hangin – sign of relief siguro. Kinuha niya ang kamay ko at ang tanging nagawa ko na lang ay sumunod sa kanya at i-assure ang sarili ko na tama ang ginagawa ko. Still, I made a mental note to myself on prying him about Martin.

“You know that I don’t fully trust you at this moment, right?”

Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa’kin ngunit hindi ito yung tipong masakit. “I know.” The pain in his voice is so audible. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko pero kailangan kong magpakatatag. Mahirap na muling magtiwala. Sabi nga nila, trust once broken can be hard to rebuild.

“Kaya kung may balak ka mang masama sa’kin, I know some self –defense that will surely knock you down!”

Which is not true and he knew that. Pinagsisihan ko na hindi ako nag – aral ng mga activities na may kinalaman sa pagtatanggol ng sarili. I’m too enclosed in my grief and sorrows that I forgot to do something which will make me productive and useful. Masyado din kaming na-engrossed kakahanap ng solusyon sa kapansanan ko.

He let out a soft chuckle.

“I miss you.”

Kung hindi niya lang siguro ako hila – hila baka napatigil na ako sa paglalakad. I actually miss him, too. But abandonment and betrayal overlap all the positive feelings I have for him.

Ilang minuto rin kaming naglakad bago ako nakarinig ng pagbukas ng pintuan.

“Pasensya na at kailangan kitang palakarin ng ganon kahaba. I have to park this far para hindi niya malaman na nandito ako.”

I stopped entering his car when he said that. Again, I felt a shiver run down my spine.“Sino?”

“Let’s talk about this later.”

Naramdaman kong nakapwesto na rin siya sa driver’s seat kaya ibinulalas ko na ang unang tanong na pumasok sa isip ko.

“Where are you taking me?”

Hinawakan niya ang kamay ko at masuyo itong pinisil. “Somewhere safe, my baby.”

***

It got chillier by the time we arrived on our destination. Pagkababang – pagkababa pa lang namin sa kotse, agad ko nang pinagkrus ang mga braso ko at niyakap ito.

“Take this.” Harvey said, soothingly. Naramdaman ko na lang ang pagdantay ng medyo makapal na tela sa balikat ko. Hinawakan ko ito at napagtanto kong jacket niya ang nakapulupot sa’kin. My nose unconsciously caught his scent that’s currently lingering on this jacket. Wala pa ring pinagkaiba. Ang amoy niya na lumiliyo sa mga babae back in the old times and I guess, until now. Hindi ko lang talaga mawari kung bakit wala pa rin siyang pinapakilala sa’min na babae.

It’s odd and unbelievable, really. By the looks and attitude of him, he can swoop every girl’s feet in a snap. And guess what? He belongs to NGSB club. Yeah right, No Girlfriend Since Birth.

Ilalabas ko na sana yung stick na laging nasa bulsa ko nang hablutin niya ang kamay ko at iikot iyon sa braso niya at nagsimula nang maglakad.

Medyo tahimik ang paligid namin bago kami pumasok sa tintirhan niya. Too be honest, it’s eerily quiet. Pagkapasok na’min sa loob, una kong narinig ang pagsara – bukas ng bintana na mukhang kinakalawang na at malapit nang maalis ang kapit sa pader base na rin sa tunog nito.

I heard Harvey switched on the light. Nairita ang pandinig ko dahil gumawa ng tunog ang pagbukas ng ilaw. Parang may kung anong bubuyog ang ayaw mawala sa ere.

“Sorry about that. Luma na kasi ‘to kaya konting tiis lang sa ingay.” sabi niya habang inaalalayan ako sa pag-upo. Na-sense niya ata ang pagkairita ko.

“Since then, dito ka na tumira?” I asked him, ignoring the few cottons I’ve touched when I roamed my hands on the sofa I’m sitting on.

Tumabi siya sa’kin. “I have no choice.”

Pagod na pagod siya. Halata mo naman sa boses niya. Ang dami kong tanong sa kanya pero parang nahawa na rin ako sa mood niya. Thinking of all the things that happened on this day, I felt drained.

“Gusto ko nang matulog, Harvey.”

“As you wish, my princess.” Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nun. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad kong nabawi ang kamay ko.

“I-I’m sorry. Hindi ko dapat ginawa ‘yun.”

“It’s okay.” Hinawakan ko ang kamay ko na hinalikan niya at inilagay iyon malapit sa dibdib ko and then, I looked at the side opposite from him.

“Hindi ka ba nagugutom? Ipapagluto kita ng sinigang.”

Sinigang. Ang paborito naming dalawa.

Umiling ako. “I just need to rest.” I said, breathlessly.

Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa kanyang pagkakaupo. “Ihahanda ko lang ang hihigaan mo. Pasensya na at foam bed lang ang meron ako ditto sa apartment.”

Pilit akong ngumiti sa kanya. Right now, I just want to rest my mind. I want to take a break from all this mess. Kung sana panaginip lang lahat ng ito, paggising ko…  normal na ang lahat.

But Martin is not part of my normal life. Aaminin ko na simula nang makilala ko siya, mas naging kumplikado ang buhay ko.

“Chloe?”

Umangat agad ang ulo ko mula sa pagkakayuko. “Yeah?”

“Humiga ka na dito. Baba ka lang dyan sa sofa at mararamdaman mo na yung foam.”

I obeyed him. Saktong pagkahiga ko ay ang pagkawala rin ng bubuyog na tunog. Pinatay na niya siguro ang ilaw. Sobrang tahimik ng paligid ko na tipong ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang paglangitngit ng bintana.

Bigla akong natakot.

I feel alone and I hate the feeling.

Akala ko sanay na ako sa dilim at katahimikan. Nagkamali ako.

And there’s this one name that automatically slipped through my mind.

Martin…

“Gusto mo bang tumabi ako sa’yo?”

Dahan – dahan niyang inalis ang mga daliri kong mahigpit na nakakapit sa unan. Hindi ko man lang namalayan na hawak - hawak ko 'to na parang dito nakasalalay ang buhay ko.

“I don’t trust you.” bulong ko.

Ginulo niya ang buhok ko. “Uupo na lang ako sa tabi mo. Matulog ka na… o baka gusto mong kantahan pa kita?”

Oo nga pala, Harvey love singing me a lullaby kapag inaatake ako ng insomnia lalo na nung unang mga taon ng pagkabulag ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit nang matulog. “Wag na.”

Akala ko wala na siyang sasabihin pero bumukas muli ang mga mata ko nang bigla siyang magsalita. “Don’t push me away, Chloe.  Forever Superman mo ako diba?”

Those last words triggered the warm memories of ours. That time when we first met. That time when he first declared to the world that he is my Superman.

“Hello!” Kumaway pa ang payatot na lalaking katabi ko sa panibagong seating arrangement. Nginitian ko lang siya at binalik na ang atensyon sa tinuturo ni Ma’am. Kailangan maging Top 1 ulit ako ngayong Grade 4 kasi sabi ni Mama kapag Grade 6 na daw ako magkakaroon ako ng medal basta maging consistent lang.

“Ba’t ang taba mo?”

‘Eto ang unang beses na may nagsabing mataba ako. Tumingin muli ako sa kanya nang naka-puff na ang mga pisngi ko. “Hindi ako mataba! Malusog ako!” sabay pukpok ko pa sa lamesa ko.

“Ms. Nacional!” Agad akong napaayos ng upo paharap nang tinawag ako ng teacher namin. “Gusto mo bang isulat kita sa NOISY?!”

“Ayoko po.” Narinig ko ang pagkabasag ng aking boses sa huling salita. Nakakainis! Dahil sa lalaking ito kaya papanget ang tingin sa’kin ni Ma’am!

Pangako ko talaga. Hindi ko na papansinin ang payatot na ‘yun! MALNOURISHED!

Ngunit hindi niya pa rin ako tinantanan sa pangalawang araw na magkatabi kami. Kakatunog lang ng bell para sa uwian kaya inayos ko na ang gamit ko. Napaatras ako nang pagkalingon ko ay yung mukha na agad ni chaka doll ang bumungad sa’kin.

“Eh?” Biglang nawala ang picture ni chaka doll sa paningin ko at mukha na agad ni malnourished ang pumalit. “Hindi ka natakot?”

“Ba’t ako matatakot sa manika?” sabi ko at nilagpasan na siya.

Nainis ako nang naramdaman ko siya sa tabi ko. “Oy taba! Anong pangalan mo?!”

Hindi ko siya pinansin.

“Ako nga pala si Harvey!!!” Kumaway ulit siya sa harap ko na puno ng sigla. Aaminin ko, nakakahawa ‘yung ngiti niya.

“Kung sasabihin ko ba ang pangalan ko, hindi mo na ako tatawaging taba?”

Nakangiti lang siya sa’kin habang kumakaway pa rin ang kamay. Abnormal ata siya.

“OY! MALNOURISHED! Kung sasabihin ko ba – “ uulitin ko na sana ang deal ko nang nagsalita na naman siya.

“AYE, AYE CAPTAIN!” Nakatayo na siya ngayon ng sobrang tuwid habang nakasalubong ang kilay at nakalagay ang kamay sa noon a parang sumasaludo.

Napabuntong – hininga ako. Matalino ako at ayoko sanang makipagkaibigan sa mga weirdo pero mukhang nakakatuwa naman ang isang ‘to.

“Kapag narinig ko pang tinawag mo akong taba, ako mismo ang magsusulat ng pangalan mo sa NOISY!”

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. Buti na nga lang at binaba niya na yung kamay niya kasi mukhang pinagtitinginan na rin kami. Ang lakas pa ng boses niya. Ugh! “OKAY!”

“I’m Chloe.”

Kinabukasan, ginulat na naman niya ako nang may pinakita ulit siya sa’king picture ng bungo habang nagwawalis ako sa classroom. Parehas kasi kaming cleaners nung araw na ‘yun.

“Hindi ka na naman natakot? Ang weirdo mo naman.” sabay kamot niya ng ulo.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Ako pa talaga ang sinabihan niya ng weirdo! “Hindi ako weirdo! Matalino ako!”

“Sige nga… kung matalino ka, saan ka natatakot?”

Itinigil ko ang pagwawalis ko. Yumuko ako at nahihiyang sumagot sa kanya. “Ipis.”

Pagka-angat ko ng ulo, nakita kong bahagyang kumislap ang mata niya sa nadiskubre. Anong meron? Pagkatapos nun, bigla na lang siyang tumakbo sa gilid ng classroom na para bang may hinahanap. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko. Ang hirap talaga ng may kaibigang weirdo.

“Eto ba?”

“AAAAAAHHHHH!!!” Naibagsak ko ang walis at nagtitili at nagsisitalon sa loob ng classroom. Nagulat din ang iba kong kapwa cleaners sa reaksyon ko. Tumakbo agad ako sa likod ni Harvey na ngayo’y may seryosong mukha. Akala ko tatawanan niya ako pero hindi ko inaasahan na mukha siyang sasabak sa laban.

Nasa sahig na ang ipis na kanina lang ay nasa kamay ni Harvey. Nakabaliktad ito kaya kitang – kita ko ang katawan niyang nagpupumiglas bumangon. Feeling ko masusuka ako na ewan.

Kinuha ni Harvey ang walis na nabitawan ko. Pinukpok niya ang ipis gamit ang ulo ng walis kung saan nandun ang mga buhok.

“HA! YOU CANNOT KILL US! HINDI MO MAKUKUHA SI CHLOE! HINDI KA NA MAGEEVOLVE SA STAGE 4 MO NA ANYO!” Patuloy niya yang sinasabi sa ipis habang walang awang pinupukpok ito gamit ang walis.

Sa huli, nakawala ang ipis. Paano naman kasi... ulo ang pinangpukpok. Heller! Baka mamatay talaga ang ipis niyan.

Aalis na sana ako sa likod niya nang iharang niya ang kamay niya sa harapan ko. “Wag ka munang aalis. Alam kong marami pa sila. Kaya kailangan muna nating makasiguro.”

Sumilip ako sa mukha niya at nakita kong seryoso talaga siya.

“Simula ngayon, ako na ang Superman mo.” Lumingon siya sa’kin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko.

“Ako ang Forever Superman mo!”

Forever Superman.

Totoo pa rin ba ‘yun, Harvey? Ang hirap nang maniwala eh.

继续阅读

You'll Also Like

849 145 19
[PUBLISHED Under Ukiyoto Publishing] A teenager woman named Flaire Oliveros who fell in love with a man she just met on the internet. Andrix Elyazer...
2.7K 226 34
Let's travel Palawan in Douglas' eyes. Douglas Alejandria, a son of Cuyo's Vice Mayor, decided to leave their hometown and live alone and work his as...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion