Chapter 11: His Wish

3.7K 87 28
                                    

CHAPTER 11: HIS WISH

Nasundan pa ang pagkikita namin ng madami pang pagdalaw ko sa opisina niya dahil sa check-ups. Halos araw-arawin na nga niya ang pagpapapunta sa’kin sa ospital. Same routine: pupunta ako doon ng mga alas-otso ng umaga, hihintayin niya ako sa entrance, pagbati ng mga tao na patuloy pa din niyang hindi pinapansin, pagtingin niya sa mata ko, pagtatanong ng kung ano-ano tungkol sa sakit ko, at ang panlilibre sa’kin ng ice cream.

You read it right. Pagkatapos ng session ko sa kanya, lagi na lang niya akong niyayayang lumabas. At ang lagi niya pang binibili sa’kin ay yung ice cream na CORNETTO.  Look how generous he is! Gusto kong matawa sa sobrang kakuriputan niya.

At sa isang buwan ko ba namang kasama ang doktor na ‘yon, madami akong nalaman sa kanya, lalong-lalo na sa personalidad niya. Malalaman mo kaagad ang kaibahan kapag nasa work place na siya. Kapag alam kong nakasuot na siya ng damit – pandoktor.. napakaseryoso na niya sa kanyang ginagawa. He is very goal-oriented. Kapag nasa opisina, tumataas talaga ang respeto ko sa kanya lalo na sa tuwing ginagampanan na niya ang kanyang propesyon.

Kung gaano naman siya kaseryoso sa loob ng ospital, ganun naman siya kahappy-go-lucky sa labas. Nandyan yung nagiging mahangin na naman siya, pagiging kuripot niya, pati yung mga pangungulit niya na akala mo eh kilalang-kilala na naman ang isa’t-isa.

Masasabi ko na rin sigurong magkakilala na kami. Lagi kaming nag-uusap eh. Pero lahat ng pinag-uusapan namin ay may kinalaman sa sakit ko.

You’re more important than them.”

 

Hindi lang isang beses niya sinabi ang mga salitang ‘yan. Marami na rin.. And that’s when I realized that I’m important to him because he wants to know more about me, or should I say, my sickness.

He’s obsessed in finding that cure.

At buti na lang, matagal ko nang naturuan ang sarili ko na hindi magbigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay. Kundi baka.. nevermind.

“Here.” Narinig ko na naman ang boses niyang nakadisenyo na ata para magbigay ng otoridad.

“Not again.” I grumbled. I lifted my right hand and as what I expected, his hand started to surround me, making me hold the ice cream that he bought.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. Nakarinig pa ako ng mahinang pagtawa bago siya magsalita. “Alam mo bang maganda sa katawan ang ice cream?”

“Kasi nagiging masaya ka, kapag nakain ka nito?” Sinimulan ko nang kainin ang ice cream – which is Cornetto, as usual.

“Hindi lang ah! Nakakadagdag din ito ng bigat. Pumapayat ka na, Chloe. Nakakakain ka ba ng maayos sa apartment mo?”

Tumingin ako sa kabilang direksyon. Aaminin ko, simula nung napagdesisyunan ko na manirahan mag-isa, naging mas mahirap sa’kin ang lahat. Hindi naman ako pwedeng umasa kay Harvey na pinagkakakasya sa napakabusy niyang schedule ang pagpunta sa’kin.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon