Chapter 18: The Voices

2.6K 64 19
                                    

CHAPTER 18: THE VOICES

“Stop it, Kris.”

“I won’t stop ‘til you tell me what’s with that blind girl doing in your private place?!”

Bahala kayong magtalo dyan. Ako? Aalis na ako dito. Chief Verzosa was lucky dahil hindi niya maririnig ang eksenang nangyayari sa labas ng kwarto ko. Gusto ko na ring umalis. Hindi ko alam kung bakit sobrang sama ng loob ko sa mga nalaman ko. May girlfriend na pala ang walanghiyang iyon.

“What are you doing?” 

Napaigtad ako pagkarinig ko sa boses niya at sa pabalyang pagbukas ng pinto. Akala ko wala ng katapusan ang pagtatalo nila sa labas ng kwarto ko, nagkamali pala ako.

“Leaving.” Kalmado ngunit sarkastiko kong sabi habang dahan-dahang nilalagay ang mga damit ko sa aking malaking bag.

“You’re not going anywhere, Chloe.” he said with finality in his voice.

Hindi ko siya pinansin bagkus pinagpatuloy ko lang ang pagsalpak ng mga damit ko. Ayokong may taong gumagawa ng issue tungkol sa’kin – not that I care ‘bout what others think of me – ayoko lang talaga nang may nagagalit sa’kin. Ayoko nang may poproblemahin pa asides being blind and everything. Madadagdagan na naman ba ang problema ko? Ugh, I hate this life.

 “I said,” sabay hablot sa damit na nasa kamay ko. “You’re not going anywhere.”

“You’re just my doctor.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “I’ll take care of Kristine, okay? She’s just.. that.”

I rolled my useless eyes. “She’s obssessed with you, can’t you see?”

I heard him say my name but he was cut off by the shrieking  voice of well, you-know-who. “You dare turn your back on me!”

Sayang at hindi  ko makita ang mukha niya. How can a famous super model act like this? I always thought of them as a demure one not this childish one. Medyo masakit na din sa tenga ang pagsigaw niya.  

“Shut up, Kristine!” dumagundong ang boses ni Martin sa buong kwarto. Ayoko mang aminin, medyo kinabahan din ako sa tono niya.

“D-don’t forget Martin,” Hindi rin mapapagkailang nabahag din ang buntot ng babaeng yun dahil na rin sa halatang pangangatog ng boses niya. “malaki ang utang na loob mo sa’kin.”

“Malaki din ang kasalanan mo sa’kin so we’re quits, right? Now get out! Go to that old man’s house!”

“He’s..” bumuntong-hininga muna siya bago magsalita ulit. “He’s in London.”

“So that’s why.”

I don’t mean to eavesdrop but they’re talking or rather fighting infront of me!

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon