Chapter 2: His Name

6K 147 29
                                    

CHAPTER 2: HIS NAME

Tumawa ako. Tumawa ako ng mapakla. That guy surely doesn’t know what he’s saying! Hindi ko alam kung bakit hindi mapigil ang pagtawa ko, to the point na nakakaramdam na ako ng pananakit sa tagiliran. Dahil ba sa kabaliwang sinasabi ng lalaking ito? O marahil gusto kong pagtakpan yung munting pagtalon ng puso ko the moment he said those words.

  

“What’s so funny?”

I wipe away the little tears that came out of my eyes due to excessive laughing. Umiling lang ako at hindi sinagot ang tanong niya. Ni hindi niya pa nga nakikita ang mga mata ko tapos sasabihin niyang maganda ako? LIES.

Tatapikin ko na sana ang sahig gamit ang tungkod ko nang bigla akong binalutan ng hiya. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman - ang mahiya dahil sa kapansanan ko. Akala ko manhid na ako but this guy.. this guy makes me feel ashamed of this curse all over again.

Unti-unti kong tinago ang tungkod ko sa likod ko at dahan-dahang tinupi ito gamit lang ang isang kamay.

“But the view is incomplete, can I see your eyes?”

His voice..  Yung boses na kapag narinig mo’y manliliit ka, very commanding and sexy at the same time. I wonder what he looks like.

“May gusto ka ba sakin? ‘Cause if you are, sorry but I don’t have an ample of time to entertain you.” mariin kong sagot sa katanungan niya. Sa mga nangyari sa buhay ko? I’ve learned so many things. At isa sa mga bagay na yun ang hindi agad magtiwala sa mga salita ng ibang tao.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa, his laughter.. Lalaking-lalaki ang pagtawa niya.

“Hindi dahil sinabi kong maganda ka, nangangahulugan nang gusto kita. I’m only telling the truth, appreciating the wonders in this world.”

Napahiya naman ako dun. Nakakainis! Ba't ko hinahayaang mapahiya ang sarili ko sa harapan ng lalaking ito?! The nerve of him!

Hinanda ko na ang pag-alis ko. I tried to walk like any normal person would. Yung paglalakad ko noon kung saan may nakikita pa ako. Yung hindi na kailangang kumapa sa gilid at gumamit ng tungkod upang gawing gabay sa dinadaanan.

But I failed because when I started to take my fourth step, fear crept inside me. Hindi dahil sa hindi ko alam kung saan ako pupunta, sa tinagal-tagal ko na sa ospital na ‘to, halos lahat  na ata ng sulok ay kabisado ko na rito. Hindi rin dahil sa natatakot akong matapilok o may mabanggang tao. Kundi dahil sa isipang maglalakad ako sa isang madilim na lugar na wala man lang makakapitan.

The fear is so strong that I started to double my pace upang tuluyan nang makalayo sa misteryosong lalaking iyon. Narinig ko pa siyang sumigaw na tila’y tinatawag ako ngunit hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa mabilis na paglalakad kahit na minsa’y nabubunggo na ako ng tao at nababangga sa mga nakaharang sa daan.

The “hospital smell” engulfed me as soon as I entered its door. I unfolded my stick by shaking it once.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon