Chapter 1: His Voice

7.9K 169 8
                                    

CHAPTER 1: HIS VOICE

I was able to adapt to this kind of smell – the undeniable scent  from the disinfectants that is commonly used in this establishment or as what they call it, the "hospital smell".

"Don't lose hope, Chloe." Once again, I heard the soft voice of my mother. The way she said those words was filled with too much positivity. Napabuntong - hininga na lang ako.

Anim na taon na kaming umaasa, at patuloy na umaasa na balang-araw ay makakakita ulit ako. Anim na taon na din kaming nabibigo.

"This vitretomy procedure can surely bring your vision back," she kissed the top of my head. "so don't give me that look!"

Humiwalay ako mula sa pagkakasandal sa kanya. Habang tumatagal kami sa labas ng opisina ng aking doktor, mas lalo akong nayayamot.

"Hindi ba kayo napapagod, Ma? They'll just say the same things over and over again!" Napayuko ako. "I'm tired to hear those things.. that my surgery doesn't always work in my condition, that it doesn't guarantee normal vision, and worse, I may not be cured any-"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "-sshh! Don't you ever say that, Chloe! Mga tao lang sila! They don't know what miracles God can do! That's why you must always trust in Him, believe in Him. He loves you.."

"If He loves me then why am I suffering?" I felt hot liquid, spreading freely inside my closed eyes. "Bakit niya hinayaang maaksidente ako?!"

I felt her warm hands enveloping my now-shaking fists and gently squeezed it. "He has a good plan for each of us, Chloe."

"Well, I don't understand!" Irritation's evident in my voice. Tumayo ako. "I need some fresh air. Just.. just wait for me here, I can manage."

Naging pangalawang tahanan ko na ang ospital kaya naman masasabi kong alam ko na ang bawat sulok nito. At ngayon, pupuntahan ko ang lugar kung saan lagi akong nakakahanap ng katahimikan.. kapayapaan. Away from the "hospital smell", away from the air of fear, hopelessness, anxiety and loneliness.. Away from the reality.

Sinuot ko ang aking shades na nakasabit lang sa shirt ko upang hindi ako makaramdam ng mga pagtitig mula sa mga tao. Although I can't see the way they looked at me, I can clearly feel their pity on me.

Pagkadating ng elevator sa unang palapag, agad akong sinalubong ng iba't – ibang ingay ng tao. May mga umiiyak na sanggol, nagtatawanan na mga kababaihan, mga nagtsitsismisan, at mga  natataranta't umiiyak.

Kinuha ko sa bulsa ng aking dyaket ang nagsisilbing matalik kong kaibigan simula nang sinakop ako ng kadiliman. I shook the handle once and automatically, it showed its full length.

TAK. TAK. TAK.


This sound has been my guide. Nasanay na ako sa ritmikong ginagawa ng tungkod sa sahig. Anim na taon ko na 'tong ginagamit bilang mata ko sa tuwing ako'y umaalis.

Fresh air welcomed me when I step out of that suffocating place. Binilisan ko ang lakad ko hanggang maamoy ko na ang pamilyar na halimuyak ng mga bulaklak.

Sana napansin ko ang ganda ng mga ito nung ako'y nakakakita pa. Sana mas matagalan ko itong natitigan.. Kung alam ko lang na mangyayari sa akin ito, sana kinabisa ko na ang mga itsura nila. Si Mama na kapag ngumingiti ay lumalabas ang mga linya sa gilid ng kanyang mga mata. Si Papa at ang pagkunot nito sa tuwing hindi niya nagegets ang joke ko. Ang kanang dimple sa pisngi ng nakababata kong kapatid na si Benny.

Sana pinahalagahan ko na sila nung hindi pa Niya kinukuha ang paningin ko. Hindi man lang ako nakapaghanda. Hindi ko man lang naisip na baka isang araw hindi ko na yun makikita.

Natatakot ako.. Natatakot ako na baka makalimutan ko ang mga itsura nila. That they all will become a memory.

I opened my eyes. Wala ding nagbago. Itim pa din ang nakikita ko. Kaya mas gusto kong pinipikit ang mga ito para kahit papano maisip kong kaya madilim ay dahil sa nakasara ang mga mata ko.

Pumikit ako muli and right there and then, a memory flashed into my mind..

Stormy night. My decision to go through that storm just to watch my boyfriend's recital. The approaching car. The force I exerted to the steering wheel to avoid the impact. The shattering of the glass. The smell of my own blood and  the salty taste of the cement filled with cold water as I felt my lips connect to it.


The figure of a man beside me. The way he reached for my hand but just manage to get hold the tips of my fingers.


And his voice that had become a blur as darkness engulfed me. "I'm sorry.."



"Ang gaganda nila, diba?"

Muntik ko ng mabitawan ang tungkod na hawak-hawak ko nang makarinig ako ng boses sa gawing kanan.

"O-oo."

"But I think you're more beautiful."

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon