Chapter 7: His Song

4.3K 93 17
                                    


CHAPTER 7: HIS SONG

“I’m sorry, Chloe..”

 

“I’m sorry..”

 

The moment I heard those words from him, something snapped within me. “I’m sorry”? Yan ang dalawang salitang pinakaayaw kong marinig. Because those are the words that started my nightmare.

 

And the way he said it.. Napakapamilyar..

Is it possible? Posible kayang-

“Hey, kanina ka pa tahimik dyan.” Bumaling ako sa aking gilid kung saan ko narinig ang malambot niyang boses. Buntong-hininga lang ang nagawa kong isagot sa kanya at isinandal na lang ang aking ulo sa matigas at malamig na bintana ng kanyang kotse.

“Nothing.”

“Really, Chloe?”

Chloe. I squirmed when I heard him say my name. Sinasabi niya lang ang pangalan ko kapag seryoso siya o kapag sisimulan na niya akong sermunan. Siya yung lalaking gustong alamin lahat ng bumabagabag sakin. Kahit na ang pagkaliit-liit na bagay na kinaiiritahan ko, kailangan kong sabihin sa kanya.  Typical Harvey.

“Wala na bang magmamahal sakin?”

Silence. Wala akong naririnig kundi ang mahinang pagsasalita ng DJ sa radyo ng kanyang kotse. Hindi ko alam kung mao-offend ba ako sa pagiging tahimik niya o magpapasalamat na hindi niya sakin pinapamukha ang katotohanan.

I heard him clear his throat. “May mga nagmamahal sa’yo, Chloe.”

“I know. Kayo.. Kayong pamilya ko.”

Naramdaman ko ang init ng kanyang palad na bumalot sa nakakuyom ko na mga kamay. “Right. Always keep that in mind.”

Tumango ako. Pinisil niya ang kamay ko at iniwan lang na magkalapat hanggang makapunta kami sa bahay nila.

“ATE!!!”

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, boses na agad ni Joyce ang narinig ko. Natawa na lang ako nung niyakap niya ako ng sobrang higpit.

“Ang ingay." Iritadong sabi ng boses na sobrang pamilyar sa akin. "Ate, kain na. Uubusan ka pa ng baboy eh.”

Mas lalo akong natawa nung narinig ko ang boses ng kapatid kong si Benny.

“Ate, inaaway na naman ako nung masunget na yun.” bulong ni Joyce.

“Gusto mo naman!”

“OO NAMAN ATE! “

Sasagutin ko na dapat siya ng tabunan ako ng boses ni Harvey. “Tama na yan, Joyce. Bigyan mo na ng pagkain ang ate mo.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon