Chapter 3: Her Shield

5.5K 123 12
                                    

CHAPTER 3: HER SHIELD

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Binawi ko rin ang kamay kong patuloy niyang inaalog. So many questions went through my mind. P-paano niya ako nakilala? Simula pa lang ba, alam na niya na bulag ako?

“Tito ko ang tumitingin sa kalagayan mo.”

So, he knows. “Why are you talking to me? May pinapasabi ba si Dr. Dominguez?”

Dineretso ko na siya. As much as possible, ayoko ng may ine-entertain na tao, lalong-lalo na kung hindi ko naman kakilala. He’s a stranger and I doubt his intentions of being too friendly.

“None. I just wanna talk to you.”

“Tinanong mo na ba ako kung gusto kong makipag-usap? Ayokong makipag-usap sa kahit kanino lalong-lalo na sa'yo.” seryoso kong sabi. My tone isn’t that bitchy kaya siguro naman magegets niya na hindi lang ako nag-iinarte dito.

“Interesting.”

Sinabi niya yun gamit ang napakaswabe niyang boses. Ramdam ko ang paghaplos ng simpleng salitang iyon sa nagyeyelo kong kaluluwa. Gusto kong mainis at tarayan na talaga siya ngunit nakaramdam ako ng panghihina.

“Bahala ka.” Binaling ko na ang ulo ko sa aking harapan. Wala pa ding pinagkaiba. Kahit saan ako tumingin, kadiliman ang sumasalubong sakin. If you’ll ask me if I’m used to it, yes but I still can’t accept it.

Nakaramdam ako ng unti-unting pag-usog ng shades ko mula sa aking tenga.

“W-WAG!” Hinuli ko ang kanyang kamay. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Ayokong makita niya. Ayokong makita niya ang kahinaan ko.

I heard him sighed. “Why?”

Mariin akong umiling at itinulak pabalik ang kanyang kamay.

“CHLOE!”

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses niya.

“Harvey!” Automatiko akong tumayo pero hindi nakaligtas sa pakiramdam ko ang paghawak niya sa siko ko. I shoved his hand away, mentally saying, “I’m not weak. I can manage.”

“Kanina ka pa hinahanap ni Tita Mary, nandito ka lang pala!” Hinawakan niya agad ang kamay ko at kinapit iyon sa braso niya. “Kasama mo?”

“Hindi”

“Oo.” sagot niya din na naging resulta ng pagkasabay namin.

“Really, Harvey, I don’t know him. Ihatid mo na ako kay Mama.” Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Harvey at mahina siyang hinila.

“Uhh, o-kay.”

Nakakailang hakbang pa lang kami palayo sa kanya nang bigla na lang akong nakarinig ng boses. His voice..

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon