Chapter 20: His Surprise

2.7K 74 18
                                    

CHAPTER 20: HIS SURPRISE

“I won’t stop bugging you.” Walang kahit anong pahiwatig na nagbibiro siya sa pagkakasabi niya ng mga katagang 'yun. He’s dead serious. Ni wala nga atang balak umalis ang lalaking ‘to mula sa kama ko. Aba! For his information, nasa kwarto ko siya. Oh, I guess. Kwarto niya nga pala ‘to. Nakikitira lang ako.

“Stop the crap, Martin.” sabay hikab ko.

“Di kita papatulugin hangga’t di ka pumapayag.”

Tinakpan ko na ng unan ang ulo ko. ANG KULET! Ganun na ba kahirap intindihin ang salitang AYOKO?! I need to sleep!

“Tss. Irritating.” bulong ko at ihahanda na sana ang pagtulog nang may umagaw sa unan ko. “HEY!” Napaupo ako at pilit kinukuha ang unan sa kawalan. ARGH! Taking advantage na ‘to! He’s using my weakness! YOU BASTARD!

“Wala ka nang kahit anong unan! HAH!”

“ANO BA! VERY CHILDISH!”

Tumawa lang siya sa harapan ko o sa gilid ko? Ba’t ba ang hirap hirap para saking tanggapin ang alok niya? I don’t know. Maybe because.. that date may change something between us. At ayoko yun. Ayokong may magbago sa’min.

Natatakot ako na maging mahalaga na siya sa’kin to the point na ayaw ko siyang mawala. Ngunit ang totoo nyan, dahil sa kundisyon kong ito, lahat ng lalaking dadaan sa buhay ko ay mawawala rin kalaunan.

Humiga na lang ako kahit walang unan. I can manage! Kaya kong matulog kahit wala yan! Upon that realization, I smirked. Kala mo ha?

Akala ko susuko na siya ngunit mukhang pursigido nga siya sa hindi pagpapatulog sa’kin dahil sa bago niyang pakulo. Nagpatugtog lang naman siya ng malakas sa tapat pa talaga ng tenga ko!

“MARTIIIIIIN!!!” sigaw ko habang tinatakpan ang na-murder kong tenga. Medyo natatawa na ako dahil sa sobrang pagkaisip-bata niya. The oh-so serious Martin is this childish? Mukhang hindi ko pa talaga siya lubusang kilala.

Magkaiba sila ni Harvey. Ang bestfriend kong ‘yun kung kakausapin mo parang bata pero ang totoo niyan, seryoso siyang tao.

Wait. Why do I even compare the two of them?! Kailangan ko na nga talagang matulog pa.

“Just say yes,” bumuntong-hininga siya. “or else, I will kiss you.”

Napaupo kaagad ako. What the heck?!

“DON’T YOU DARE!” sigaw ko sabay takip sa bibig ko.

He chuckled and with his pronounced husky voice he said,“No use. Sa lips lang ba? I can kiss whatever parts of your body, Chloe.”

Nanindig ang balahibo ko. Kabahan ka talaga kung isang Martin Cristobal na ang nagsalita, dahil ginagawa niya talaga ang sinasabi niya.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon