Chapter 13: His Silence

3.4K 82 18
                                    

CHAPTER 13: HIS SILENCE

“Halika na, Harvey.” Nagulat ako sa tigas ng tono ko ngunit ipinagpatuloy ko na lang din ang pagkapa sa kamay niya para mahila na siya. “Pinaglololoko lang naman tayo dito eh!”

Wala akong narinig sa kanya. Nung naramdaman ko na yung kamay niya, hindi siya nagpahila. Bakit? Mas gugustuhin pa ba niyang marinig ang mga kasinungalingang sinasabi ng lalaking yun?!

“Ms. Nacional-“

Nag-init lalo ang ulo ko nung tinawag niya ang aking pansin. With trembling hands, I stood up and shot him a deathly glare even though I know he can’t see it because of my shades. “TUMIGIL KA NA NGA! SI HARVEY?! SI HARVEY NA.. NA BESTFRIEND KO?! SINUNGALING KA!”

“Tama na, Chloe.” Bulong sakin ni Harvey kasabay ng paghawak niya sa pulsuhan ko.

“Wala pa kaming kino-conclude, Ms. Nacional. Sa kanya lang tayo magsisimula dahil sa statement na binigay sa’min ng wit-“

“I DON’T CARE!” ang hinahon ng pagsasalita niya sakin. Naiinis ako sa pagiging kalmado niya. Na parang kontrolado niya talaga ang sitwasyon when EVERYTHING’S FREAKING OUT OF CONTROL! “Halika na, Harvey.”

“Chl-“

“HALIKA NA SABE EH!”

Ni hindi ko na naisip na ilabas ang tungkod ko. Dumire-diretso ako sa alam kong pinagpasukan namin at hinanap ang pinto doon. Hindi pa ako nakakalabas nang hawakan ni Harvey ang kamay ko. Sabay kaming lumabas sa kwartong ‘yon.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung gaano katagal niya akong hihilain, wala akong pakealam dahil.. isa lang ang tumatakbo sa utak ko… isang tanong lang ang kanina pa umiikot-ikot sa loob nito.

Bakit hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo?

Napatigil kami sa paglakad-takbo. “H-hindi ko alam, Chloe.”

Nasabi ko pala ng malakas ang nasa isip ko. “Anong hindi mo alam? Harvey.. pwede mo namang sabihin na hindi ikaw yun! Pwera na lang..”

And just like that, realization dawned on me. Hindi niya maipagtanggol ang sarili niya kasi.. kasi.. Napatakip ako ng bibig. Yung galit at inis na kanina ko pa nararamdaman, nadagdagan pa ng paninibugho. Ramdam ko ang pagbigat ng ilalim ng mata ko. Ayoko ng mag-isip.. Gulong-gulo na’ko. Hindi pwede..

“S-sabihin mo sakin, Harvey.” Pinatatag ko ang boses ko kahit na alam kong kaunti na lang bago ito mabasag. I reached for his shoulder and slightly shook it. “Maniniwala naman ako eh.. basta ba, sabihin mo lang. Sabihin mo na hindi ikaw…”

Silence.

“Harvey naman eh..” Ayan na si luha, bumagsak na. Hindi ko na nakayanan. Ang sakit – sakit. “Big brother ko tapos bestfriend ko pa. Hindi ka magsisinungaling sa’kin diba?”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon