Chapter 10: Her Value

4K 99 32
                                    

CHAPTER 10: HER VALUE

Hindi na ako dinapuan ng antok. Masyadong bumagabag sakin ang tawag na ‘yun. Hindi pa rin nawawala yung kaba sa dibdib ko. Sino siya? Ba’t ganun ang boses niya? Sobrang… hirap na hirap.

Kararating lang po ng balita, dalawang babae ang natagpuang patay sa iisang hotel room. Pinagsususpetsyahang ang sinasabing “serial killer”-

 

Inabot ko ang radyo sa gilid ng kama ko at pinatay iyon. Ang bigat na nga ng nasa isip ko, dadagdagan pa ng mga balitang stress lang ang dinudulot. Siguro dahil ayoko ding matakot. Serial killer? Nakakatakot kayang isipin na may gumagala-galang ganung tao sa panahon ngayon.

Buti na lang nandito si Miracle.

Sinuklay ko ang kamay ko sa kanyang balahibo at dinama ang init ng kanyang katawan. Natawa ako ng mahina nung nilagay ko ang kamay ko sa mukha niya at dinilaan niya ito. Masaya ako at kahit papano may kasama ako sa maliit na kwartong ito.

“Gutom ka na?” Pansin ko kasi na hindi siya mapakali sa kandungan ko. Iaalis ko na sana siya sa katawan ko nang may marinig akong kaluskos sa labas. Nanahimik ako. Anong oras na ba? Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko at may pinindot doon.

12:15 a.m

 

Malinaw sa pandinig ko ang mala-robot na pagkakasabi nito.

H’wag kang mag-isip ng kung ano-ano dyan, baka naman kapitbahay mo lang. Like a snap of a finger, that thought vanished instantly from my mind, when I heard a knock. Agad na lumukso mula sa kandungan ko si Miracle. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero base sa mga pagkalmot sa pinto, paniguradong nasa may pintuan siya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan. Hindi pa rin tumitigil ang mahinang pagkatok niya.

Nilapat ko ang aking kamay sa malamig na kahoy ng pintuan. “Sino ka?”

“Chloe.”

Napabuga ako ng hangin. Ngayon ko lang napansin na nagpipigil ako ng hininga. With a smile on my face, binuksan ko ng pagkalawak-lawak ang pinto at patalong yumakap sa kanya.

“Woah.” Ginulo-gulo niya ang tuktok ng buhok ko. “You really missed me that much, my baby?”

Natutuwa ako’t nandito siya pero medyo nalungkot ako nung marinig ko ang pagod niyang boses. Pumunta pa talaga siya dito? S-sa ganitong oras?

“Harvey, hindi ka na dapat-“

“-lulutuan pa kita ng sinigang diba?” He cut me off. Tuly-tuloy lang siyang pumasok sa apartment ko. Sinundan ko siya pagkatapos kong ikandado ang pintuan.

Hinalughog niya ang kusina ko, base na din sa pagkakalampag ng mga bagay-bagay. Hindi ko na alam ang ginagawa niya basta ako, nakatayo lang at pinakikinggan siya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot. Masaya kasi nandito siya o malungkot dahil sobra sobra na ang sakripisyo niya sakin.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon