Chapter 22: The Return

2.2K 70 14
                                    

CHAPTER 22: THE RETURN

“You’ll regret this!” I can clearly hear the grittering of her teeth. Dinama ko ang ulo ko na ngayo’y pumipintig dahil sa sobrang sakit. Mas pinalala pa ‘to dahil sa tunog na ginawa ng pagbalibag ng pinto.

Ilang minutong katahimikan ang nangibabaw sa’min. Sa totoo lang, wala naman akong balak na magsalita dahil mas binibigyan ko ng pansin ang ulo kong binibiyak na ata sa dalawa.

“Kaibigang babae.” he said, breaking out the silence in the air.

Minasahe-masahe ko muna ang anit ko dahil mukhang hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. “Huh?” I managed to say.

“That’s what I really meant. She interpreted it as the norm.”

“Hindi kita maintindihan.” Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kaya ganito na kapurol ang utak ko o hindi ko talaga alam kung ano ang ipinupunto niya.

“Forget it.” Nakaramdam ako ng pagdampi sa may ulunan ko. It’s something warm and soft.

“What was that?!”

He gave me a chuckle as an answer. Mabilis ding napawi ‘yun dahil naging seryoso na lang bigla ang pananalita niya. “I’ll never let anyone hurt you again, Chloe.”

Kasabay ng paghaplos niya sa kanang pisngi ko, ay ang pagkombulsyon sa loob ko. Yung kirot na kanina’y naramdaman ko ay saglit na naglaho dahil sa munting pagdampi ng balat niya sa mukha ko.

“Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Kris. She have this problem in controlling her anger.”

I scoffed. “She really needs an anger management class.”

“Chloe..” may pananaway sa tono niya. What’s with that protective tone? Kanina lang kung makapagsalita siya, parang gagawin niya lahat para lang hindi ako masaktan pa pero ano ‘tong pinapakita niya? Ayaw niyang pinagsasalitaan ng masama yung babae niya. And why am I bothered in the first place?!

I rolled my eyes and ignored him.

“She has a psychiatrist who guides her.” he continued.

“Nah..” I shoved my hand away. I don’t want to talk about her. “Gusto ko nang umuwi.”

“Gusto ko mang iuwi ka na pero may lakad pa tayo.”

O’right. Nakaplano na pala na pupunta kami sa opisina ni Chief Versoza. Medyo nawawala na rin ang pagpintig ng ulo ko kaya sinimulan ko nang kunin ang natitiklop na tungkod mula sa bag ko. Gusto ko na talagang matapos na ang araw na ‘to at nang makatulog na sa malambot na kama.

Kinapa-kapa ng tungkod ko ang sahig hanggang sa matagpuan nito ang nakasarang pinto. My hands searched the knob, found it and without a second thought, turned it. Ayokong naiiwan kaming dalawa sa isang kwarto. It’s too dangerous.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon