Chapter 40: The Apology

918 30 0
                                    

CHAPTER 40: THE APOLOGY


"Marry me."


Natigil sa pagpoproseso ang utak ko. Nang ma-digest ng sistema ko ang sinabi niya, una kong naisip si Harvey tapos si Kristine tapos si Carl.

Dinikit niya ang noo niya sa noo ko. He's staring at me. I knew it. I can feel it.

"I know it's not a good time for me to propose. Masyado pang maraming problema. Marami pang komplikasyon. Pero gusto kong malaman mo na handa akong panindigan ka dahil sobra kitang mahal, Chloe. Maniwala ka."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Siguro dahil sa pagod kaya hindi ako makapag-isip ng maayos at ang dami pang tanong na bumabagabag sa utak ko kaya nanatili akong tahimik.

"I'm sorry." he continued. Kinuha niya ang mga kamay ko at ikinulong ito sa kanyang palad. "Nanghihingi ako ng tawad hindi dahil sa nagsisisi ako sa ginawa natin kundi dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo na gagawin natin ito matapos ang kasal. Alam kong pinahahalagahan mo ito. Pero Chloe, aaminin ko sa'yo..."

"A-ano 'yun?" I managed to speak though my voice cracked in doing so.

"Natatakot ako na baka hindi na dumating ang panahong 'yun. Na... na ikakasal tayo."

Inalis ko ang kamay ko sa mainit niyang palad at inabot ang kanyang mukha. Nakapa ko ang kanyang labi, iginiya ang ulo ko papunta dito at binigyan siya ng mabilis na halik.

"Please don't think like that. We will always be together." I assured him.

Always.

***

Bago umalis si Martin sa kwarto ko ay ipinaliwanag niya sa'kin ang lahat. Mukhang kailangan nga talagang pakisamahan namin si Kristine for two reasons. One, because of the death of Martin's father, napunta ang ancestral house sa pag-aari ni Martin at ng kanyang stepmom which turned out to be Kristine.

Second reason, isa siya sa mga kasabwat ni Carl. Nagulat ako nung sinabi sa'kin 'yun ni Martin. Inamin naman ito lahat ni Kristine kay Martin noong nagkita sila kahapon. Inamin niya ngunit may kapalit. At 'yun ay ang maging maayos muli ang relasyon nila.

I don't know how Kristine and Carl came to know each other. Isa 'yun sa mga aalamin namin.

May isang pangyayari na nagpatunay ng pagiging kasabwat niya and that is the night when Martin has been shot by Carl and we, or rather Martin, sought for Kristine's help. Ang hindi namin akalain ay ang pagpunta din ni Harvey sa bahay ni Kristine dahil sa pag-uutos ni Carl. Carl has been holding Harvey's neck at that time dahil nakataya ang buhay ng mga kapatid namin. He was forced to be that psycho's puppet.

Harvey didn't know that it was Kristine's house basta ang nasa isip niya lang nun ay mailagay ang sulat sa gilid ng pintuan nito. Napatigil lang siya nang makarinig siya ng boses ng babae na tila ba may kausap sa phone. He began to panic the moment he heard my name and Carl's in the conversation.

It was Kristine on the line with Carl. Nilaglag niya kung nasaan ako. Kaya pala natagpuan ako ni Harvey nun at sobra ang pagmamadali niya na makaalis kami sa lugar na 'yun. Muntik na akong makuha ni Carl dahil sa lecheng Kristine na 'yan.

That's why, it's a great yet dangerous plan na kuhanin muli ni Martin ang loob ni Kristine. We really need to acquire information and evidences against Carl lalo na't may banta na siyang binigay sa'min.

In three days, kukuhain niya ako.

"Hindi ka ba kakain?"

I came back to my senses nang sitahin ako ni Harvey. Pa'no nga ba ako makakain?! Sige nga! Kung may naglalandian sa harap ko?!

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon