Chapter 37: His Past

1.2K 43 3
                                    

Chapter 37: His Past


We climb in an uncomfortable silence. Martin, on my left, is guiding me while Harvey kept on mumbling something on my side.

"Uy!" Sinikuhan ko siya. "Takot ka ba?"

"H-ha? Ako?! Hindi ah!"

Natawa ako sa naging reaksyon niya. He's still denying when it's obvious. Nanlalamig at namamawis na ang kamay niya tapos kanina pa siya humihinga ng malalim. "Talaga lang ha."

I heard Martin chuckle na siyang nagpaasar pa lalo kay Harvey.

"Aba - " he was about to talked back when a strong, raspy voice overlapped his.

"Rodolfo Verzosa?"

Bigla akong kinabahan. Nandito na ba kami? Sila na ba ito? Narinig kong tumikhim si Chief Verzosa. "Ako nga."

Katahimikan. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang tanging nararamdaman ko ay ang paghigpit ng pagkakahawak ni Martin sa kamay ko at ang mas lalong pamamawis ng kamay ni Harvey.

I heard a shuffling from Chief Verzosa. "Ito ang patunay."

Hindi ko alam kung anong ipinakita niya sa lalaki ngunit kung ano man 'yun, nagpaangat ito ng tensyon sa paligid.

Naniwala naman yata ang lalaki dahil nagsalita na ito muli sa mas mahinahon na tono.

"Akin na ang mga armas pati ang mga cellphones niyo." Pagkasabi na niyon ay may dumagdag pa na mga yabag sa lupa. Apat na sila. May lumapit sa'min at kasabay nun ay ang pagtunog ng marahang paghampas ng bakal. Base sa tunog nito, mukhang malaking bakal ito. Malaking baril.

Martin and Harvey let go of my hands and surrender their weapons. I stiffened the moment I felt his presence in front of me. Mas lalo akong nanigas nang hawakan niya ang katawan ko. Kung hindi lang sa maagap na paghawak ni Harvey sa kamay ko ay baka sumigaw na ako.

"Mahirap na." the man snickered. "Hindi dapat pinalalagpas kahit maamo ang mukha."

Napakunot ako nang inalis na niya ang kanyang kamay sa pag-iinspeksyon sa katawan ko. Ramdam ko ang pagkuha niya ng cellphone sa sling bag ko. Huminga ako ng malalim at nagbilang hanggang tatlo. Patience, Chloe. Mga armado sila.

"Sumunod kayo sa'min." panibagong boses na naman ang nagsalita. Humawak ako sa braso ni Harvey, with a questioning look on my face.

"Wala pa yata tayo sa lugar nila." Harvey whispered. "Isasakay nila tayo sa isang military truck."

Tumango ako at hinanap ang presensya ni Martin. Nakahinga ako ng maluwag noong nalaman ko na nasa likod lang namin siya ni Harvey. Nasa unahan naman namin si Chief Verzosa.

Halos dalawang oras mahigit din ang tinagal ng byahe namin. Nang makababa kami sa truck, isang nakabibinging putok ng baril ang agad na bumungad sa'min.

I cringed. Agad kong naramdaman ang pagpatong ng kamay ni Martin sa kaliwang balikat ko.

"Rodolfo!" an exaggerated shout boomed in the air. It has a lighter tone in it at the same time, threatening. Is this him? Chief Verzosa's contact?

"Kailangan ba talagang magpaputok, Herman?"

Papalapit na siya sa'min. Ang bigat ng mga hakbang niya kaya masasabi kong malaki siyang tao. "Why? For old times sake, brad!"

Magkakilala sila?!

Napapitlag ako nang makarinig ako ng pagsuntok. "Chief!" I cried. I was about to step forward but Martin grabbed my arm. Alam kong si Chief Verzosa ang sinuntok. I knew it. I heard him cringed in pain.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon