Chapter 9: The Call

3.9K 87 15
                                    

CHAPTER 9: THE CALL

“Naku dok! Pasensya na’t ganito lang ang ulam namin.”

Nagpapanic na naman si Mama. Lagi naman eh, kapag may bisita, laging tuliro si Mama pero mas dumoble ata ang pagkatuliro niya dahil sa pagdating niya. Actually, hindi lang naman siya ang nagpanic eh. Pati din naman ako. Because the moment I heard his voice, agad kong tinakpan ang mga mata ko. Buti na lang at nakabenda pa ito dahil sa operasyong ginawa sakin.

Although alam kong nakita na niya yung mga mata ko nung inooperahan niya ako, nandun pa din yung hiya ko na ipakita sa kanya ang aking kahinaan.

Tuloy-tuloy lang akong naglakad papunta sa may sofa namin. Alam ko kasing nasa kusina silang lahat. Ayoko namang makisingit doon. Iniwan ko muna sa kwarto ko yung regalo niya sakin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may alaga na akong aso. At hindi lang iyon ordinaryong aso!

“Grabe ateeee!” impit na tili ni Joyce sa gilid ko. Nagulat na lang ako sa biglaan niyang pag-upo sabay hawak sa braso ko.

“Dahil sa Martin na yun, kinikilig ka?” I huffed jokingly.

“Ateee! Kung alam mo lang kung gaano siya kagwapo!”

Kung hindi lang ganito kahigpit ang pagkakabenda sakin, baka kanina ko pa pina-ikot ang mata ko. I sighed. “Totoo bang kamukha niya si Paulo Avelino?”

Mas lalong humigpit ang hawak niya sakin. “Oo ate! Pwera lang sa buhok niya! Kasi medyo.. um.. magulo? Basta ganun! Ang hot niya tingnan, ate! Lalo na sa tuwing naka-uniform siya ng pangdoctor!”

“Mas gwapo pa din ako, Chloe diba?”

Natawa na lang ako sa biglaang pagsingit ng boses ni Harvey. Kakatapos lang siguro nung ilagay ang mga gamit ko sa kotse niya. Napagdesisyunan na kasi naming bukas ng umaga ang simula ng paglipat ko.

“Oo naaa..” I said, smiling at the direction of his voice.

Ramdam ko ang paglapit ni Harvey sakin nang umalingawngaw ang boses ni Mama mula sa kusina.

“NAK! PUNTAHAN MO NAMAN SI DOK DITO!”

“Halika na daw, ate!” Ganadong-ganado pa ang boses ni Joyce sabay hila sakin. Ako naman etong si tinatamad. Okay, scratch that, ayoko lang talaga siyang harapin ngayon. Guilty pa din ako sa mga inisip ko tungkol sa kanya tsaka hindi ko alam kung anong sasabihin ko tungkol sa pagbibigay niya ng aso sakin.

“Pa-upuin mo, Joyce yang si Chloe sa tabi ni Dok Martin. Titingnan daw yung kalagayan niya.”

Agad naman akong pina-upo ni Joyce sa bakanteng upuan na paniguradong katabi nung lalaking yun. Automatiko kong naamoy ang pabango niyang natandaan na ata ng ilong ko. I tried to shift my senses to other things so as not to caught off guard by his charm.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon