Chapter 33: Her Trust

1.8K 62 4
                                    

 *a/n comments? Really need to know what your opinion and feedbacks concerning the flow of the story. thank you! <3

CHAPTER 33: HER TRUST

Matapos kong painumin ng maligamgam na tubig si Harvey, sunod naman akong nagpaalalay kay Chief Verzosa papunta sa kinaroroonan ni Martin. Medyo mabagal ang paglalakad namin hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglamig ng paligid at paghampas ng hangin sa aking mukha. I guess we went outside the basement.

Hahakbang na sana ako nang saglit akong pigilan ni Chief, "He's been drinking for hours, Chloe. Mas mabuti siguro kung ipagpaliban mo na muna ang pag – uusap ninyo." he whispered at my right.

Nag – alangan ako sa paalala niya. Mahirap nga namang kausapin ang taong lasing pero kung iiwan ko lang naman siya dito, sa tingin ko'y hindi ako makakatulog. I can't leave him like that and in that state.  Gusto ko mang pigilan ang sarili ko na lapitan siya ngunit nangingibabaw pa rin 'yung urge ko na samahan siya at makidalamhati sa kanya.

"No, Chief. Sasamahan ko siya."

"O'sige." Tinanggal na niya ang kamay niya sa may siko ko. "Pero nandito lang ako sa may pinto."

Tinanguan ko lang siya, nilabas mula sa bulsa ko ang natutuping tungkod ko, pinakawalan ito at naglakad na paabante sa kadiliman.

My stick touched something kinda metal.

"Chloe?"

Nakarinig agad ako ng pag – usog ng silyang paniguradong gawa sa bakal dahil sa matinis na tunog na ginawa nito sa lupa.

Hindi ko siya sinagot bagkus naghanap ako ng mauupuan ko. Medyo nagulat pa nga ako nang inalalayan niya ako papunta sa silya. Akala ko kasi tinamaan na siya ng alak.

When I think we're both seated in our own chairs, I hastily opened my mouth to say something so as to remove the eminent awkwardness in the air. "I'm sorry for your loss."

I heard him sigh as glass meets glass. Umiinom na naman siya.

Then he laughed, more like a giggle.

"He's in the palm of my hands. The only thing I need to do was to squeeze the trigger. Then... then..." His voice cracked, but still composed and steady. 

"It's okay." Nanghihina kong sabi sa kanya. I feel so useless. Nakaupo lang ako with my hands on my lap. Ni hindi ko man lang siya matapik sa balikat o maituon ang mga mata ko sa kanya 'cause I'm f*cking blind!

Narinig ko ang pag – usog muli ng upuan niya at sa tingin ko'y papunta ito sa pwesto ko.

"Can I hold your hand?" he muttered. I can faintly smell mixed mint and vodka from his breath

Tumango ako. After all, ito lang naman ang kaya kong maibigay sa kanya.

"Thank you." he said in a timid voice. And then, I just felt warm yet strong hand enveloping my now – cold hands. "Hey, you're cold. Let's go back inside."

"No." mariin kong sabi sa kanya. "Martin, please... tell me what happened. Gusto kong malaman ang totoong nangyari." Pinisil ko ang kamay niya, emphasizing my eagerness. "I deserve to know the truth about... about Carl."

I heard him sigh. "I almost killed him, Chloe. I was about to squeeze the trigger when he mentioned my father."

"Pa'no niya nakilala ang dad mo?"

"I don't know." Naramdaman kong medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. "But one thing's for sure, Chloe. He's a dangerous man. He's more dangerous for he has money."

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon